ALAM kong darating at darating ang oras na magtatanong sya tungkol sa kanyang ama pero masyadong maaga. Hindi ako handa. Hindi ko inaasahan...
Akala ko kasi... madali lang. Hindi pala. Kahit banggitin ang pangalan nito ang hirap. Ilang araw na akong kinukulit ni Lixian tungkol doon at palagi namang naroon si kuya at Laurence para patigilin ito sa pangungulit sa akin.
Ang hirap palang ganito.
"Hey!" I blink as someone snapped their fingers in front of me. I saw Laurence.
"H-ha?"
"Kanina pa ako nandito, you're spacing out. May nangyari ba?" Bakas ang pag-aalala sa boses nito. Pano nya nagagawang gumalaw ng kaswal sa harap ko? Parang normal lang sa kanyang makaharap ako. Bakit sya ganyan? Dahil ba ilang taon kaming magkasama kaya parang wala na lang sa kanya ang presensya ko, samantalang may nararamdaman sya para sakin?
Isa pa to, sinabi ni kuya kila mommy na nanliligaw sa akin itong si Laurence.
"Pan." Napatingin ako dito. He sigh. "You're spacing out again."
"W-wala may iniisip lang." Sagot ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto. I get inside the car. Umikot ito papunta sa driver's seat at sumakay. We're going to Rieya. Nakiusap ako dito na magpapasama ako na puntahan ito sa bahay nila. Wala pa ngang nakakaalam sa mga kaibigan ko na nandito na ako sa Pilipinas, gayong isang linggo na akong naririto.
Na kay Lyria at mommy si Lixian. Ayaw namang sumama kaya hinayaan ko na lang doon. Pinagaalala ko lang ay baka i-spoiled iyon ni mommy.
***
NAKARATING kami sa isang malaking bahay. It's looks like a mansion dahil three story house. So, Rieya really live here? Yung bahay nila kasi na napuntahan ko noong grade nine kami ay parang yung bahay lang namin.I hit the doorbell. Seconds later, a maid show up and open the gate for us. Medyo kaedaran lang namin ito sa tingin ko.
"Sino ho sila?" Tanong nito. I smile.
"Ah... Nandyan po ba si Rieya? Rieya Sindey Avelardo po." Nakangiting saad ko.
"Ay si miss Rieya po? Nandito po sya, ma'am. Kaibigan nya po ba kayo?" Tumango ako.
"Pwede po bang pakisabi na nandito kami?" Ani ko.
"Ay naku! Pasok na ho kayo." Anyaya nito sa amin at nilawakan ang awang ng gate. Napalingon ako kay Laurence na nakatingin din pala sa akin.
"Ah... Okay lang?"
"Opo! Kaibigan nya ho kayo eh." Sambit nya. Naramdaman kong hinawakan ni Laurence ang aking balikat at bahagyang tinulak ako papasok. When we get inside, malawak na front yard ang bumungad sa amin. May fountain din sa kabilang bahagi. Sa kabila ay pool area at sa gitna ay daan na nahahati sa tatlo. Ang dalawa ay papunta sa kaliwa at kanan habang ang isa ay diretso Lang papunta sa mansion.
Damn this bitch.
"Upo po, kayo. Tatawagin ko lang po si miss Rieya." Ani nito pagkapasok namin. Naupo kami at pinanood ko itong umakyat sa second floor ng mansion. I look around the house. There are two staircase that connects to the second floor of the house. Classic ang theme ng buong bahay. May mga painting pa sa dingding. Karamihan non ay family pictures kung nasaan ay kompleto silang lahat. Yung parents nya, ate nya, kuya nya at si Rieya.
"Sino bang bisita ang sinasabi mo?" Agad kaming napabaling sa boses na nanggagaling sa taas. "Hindi mo man lang tinanong kung sino? Pano pala kung may masamang pakay ang taong iyon? Basta sinabing kaibigan ko papapasukin—"
Hindi nito natapos ang sasabihin dahil napatingin ito sa amin. Nakita ko kung pano nanlaki ang mata nito at umawang ang kanyang labi. I force a smile when she didn't move. Dali-dali itong naglalad pababa sa hagdan habang hindi maalis ang tingin sa akin.
"Pan?" Tila hindi makapaniwalang tawag nito sa akin. Nang makalapit sa akin ay agad nyang hinawakan ang aking muka at tinitigan na tila sinusuri.
"Rieya..."
"Oh my God! Ikaw nga!" Bulalas nito at niyakap ako ng sobrang higpit. "Tangina mo! Saan ka napunta?! Nagalala kami sayo, alam mo ba yon?! Hindi ka man lang sumagot sa mga tawag namin!" Napangiwi ako dahil sa mga sinabi nito.
"Ahm... L-long story?" Napailing ito sa sinabi ko.
"At sino naman itong kasama mo?" Tanong nya sabay hagod ng tingin kay Laurence mula ulo hanggang paa.
"Laurence Cabello." Pakilala ni Laurence kay Rieya.
"Rieya Sindey Avelardo. Kaano-ano mo ang kaibigan ko?" Tanong nito pagkatapos magpakilala.
"Ah... I'm her suitor." Takang lumingon sa akin si Rieya. Then she stood up and look at me.
"Excuse us, Mr. Cabello. I need to talk to my friend." Nakangiting sabi nito pagkatapos ay tumingin sa akin. "Come here, Pan." Aniya at naunang naglalad. I look at Laurence who only nod his head.
"Uhm... S-sandali lang." Sabi ko sabay sunod kung saan pumunta si Rieya. Nakarating kami sa pool area nila. Then she turned to me with her sophisticated look while her arms are crossed in her chest.
"Wala kang sasabihin?"
"R-Rieya..."
"Kung ano-anong balita't kwento ang nakarating sa amin! Hindi namin alam kung ano ang totoo don!" Napayuko ako ng tumaas ang boses nito.
"S-sorry..."
"Alam mo bang may kumalat din na picture nyo?" Tanong nito kaya napatingin ulit ako dito.
"N-nino?" Napahilamos ito at diretsong tiningnan ako sa mga mata.
"Tell me, Pan. Did you two date?" She asked making me frown. "Oh, please! Don't play innocent, Pan! Naging kayo ba ni sir Xiever?"
Tumango ako at hindi nagsalita.
"After you disappeared, kumalat ang kung ano-anong balita tungkol sa inyo. Marami... Maraming nakakita sa inyo... Na magkasama daw kayo, na palagi kang nakikitang pumupunta sa office nya, kahit sa labas ng school, maraming nagsasabi na nakikita daw nila kayong magkasama. They also have pictures!" Napa-awang ang aking labi dahil sa narinig. "Malamang na hindi mo yon alam dahil hindi nya rin hinahayaan na kumalat agad para makita mo. He have someone who can hacked and delete every post about the two of you."
"T-that's..."
"Alam mo din bang expelled ka na dapat? But you know what he did? Nakiusap sya sa faculty members at kay Dean na huwag kang i-expelled at ang lisensya nya na lang ang tanggalin sa kanya. Lantaran nyang ginawa yon, Pan. Maraming nakakita." Napatakip ako sa aking bibig habang hindi makapaniwalang tumingin dito.
"A-ano pang n-nangyari?" I ask. She lowered her gaze and shook her head slowly.
"Wala na... yun lang ang alam ko eh."
"R-Rieya, please... Tell me everything you know. Please."
"Yun lang ang alam ko, Pan. I'm sorry." Mahinang sambit nito. "Hindi ko dapat to sinasabi pero hindi ko na nakontrol sarili ko, I'm sorry, you should talk to him. Sya dapat ang kausapin mo tungkol sa inyo." Sunod-sunod ang iling na ginawa ko.
"H-hindi ko pa kaya... Wala pa akong lakas na harapin sya matapos ng ginawa nya sakin, Rieya." Mahinang giit ko.
"What happened? That's not the reason why you just disappear, right?" Umiling ako.
"He used me..."

YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...