LUNES na, mag-isa akong naglalakad papasok ng school. Kinakabahan ako dahil alas siyete na. Late na ako ng ilang minutes! Naman kasi! Dapat pala di na ako nanood ng anime! Inabot ako ng ala una sa panonood kaya ang ending ay late akong nagising kanina.
Mas lalo akong kinabahan ng habang naglalakad ako palapit sa room ay naririnig ko rin ang boses ni sir Ramirez na nagle-lesson. Actually, hind naman dapat ako kinakabahan eh. Ewan ko ba kung bakit, siguro ay dahil si sir Ramirez na iyon. Syempre! Baka ma-disappoint ko sya bilang asawa nya. Sabihin pang batugan ako at bigla nya akong iwan.
Oh my ghad! Don't leb me ser! Huhu...
"G-good morning po sir..." Mahinang usal ko pagkatapat ko sa pinto ng aming classroom. Tumigil ito sa pagsalita at bumaling sa akin. Ganon din ang mga kaklase ko.
"Good morning too, miss Villiase. Why are you late?" He ask.
Oh my God! He greet me! He greet me, good morning! Ack! May kiss ka sakin sir!
Umiwas ako ng tingin bago sumagot.
"I... Woke up late po." Nahihiyang giit ko ng hindi makatingin ng maayos sa kaniya. Oh my God! Ito na! Ito na! Magagalit na ang asawa ko!
"You shouldn't stay up late at night lalo na kung lunes kinabukasan. I almost mark you as absent, miss Villiase." Iling iling na saad ni sir. Lihim akong napanguso. Ang hard mo naman sakin sir! "Go to you chair now." Utos nya kaya dali dali naman akong naglakad papunta sa likod. Then, he continue discussing.
Tahimik lang akong nakikinig sa lesson ni sir hanggang sa matapos ang discussion. Bago umalis si sir ay sinabi nyang wala daw kaming sunod na teacher dahil may inaasikaso daw ito kaya hindi makakapasok sa amin. Tuwang tuwa naman agad ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni sir. Pagkalabas ni sir ng room ay agad na nagsilapitan sa akin ang tatlo.
"Bat ka late?"
Iyon agad ang tanong nila sa akin ng makalapit. Napairap nalang ako.
"I woke up late." Simpleng usal ko.
"Tanga! Bakit ka nga kasi late na nagising?" Sinamaan ko ng tingin si Avriell dahil tinawag akong tanga.
"Grabe maka-tanga?" Sarkastikong saad ko. "Kanino ka nga humihingi ng answer?" Taas kilay kong tanong sa kanya. She smile wide and give me a peace sign.
"Maybe... She's talking with her crush last night at inabot iyon ng twelve midnight." Zia said.
"Hindi! Grabe naman! Hindi naman ako gaya nyo ah! Kaya wag nyo kong itulad sa inyo na makakapal ang muka at ina-i love you-han ang mga crush nyo sa messenger! Nanood kaya ako ng one piece!" Mahabang dipensa at pag-aamin ko.
"Tara, cafeteria tayo?" Alok ni Miles.
"Yikes! Let's go na!" Tuwang tuwang sambit ni Zia. Tumatalon talon pa.
"Ayan! Kapag sa pagkain ang bilis!" Sarkastikong saad ni Avi but Zia didn't turn to her. Dire-diretso lang itong naglakad palabas ng room. "Tingnan mo! Di na nga namansin mang iiwan pa!"
"Pfftt... Kawawa magiging asawa ni Zia pagnagkataon. Sa pagkain palang luluhod na, idagdag mo pa ang luho nyan naku! Gagapang yon sa kahirapan, panigurado." Natatawang sambit ni Miya. Kaklase namin.
"Asa ka naman na maga-asawa ako ng mahirap! Dzuh! Maghahanap ako ng gwapong sugar daddy na CEO ng isang malaking kompanya!" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Sana wag nyang totohanin. Ako kinakabahan eh.
"Saan ka naman hahanap ng ganon? Nasa Pilipinas tayo Zia, imposibleng-."
"Basta! Maghahanap ako! Kasama ko si Pan humanap ng sugar daddy!" Nanlaki ang aking mata dahil dinamay pa ako.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...