"CONGRATULATIONS!"
Iyon ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng room. Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat. Agad din nama silang bumalik sa kani-kanilang upuan dahil magsisimula na ang unang leksiyon.
"Do you have any questions? Clarifications about our topic today?" The teacher ask after the long discussion. Walang sumagot kahit isa kaya tumango si ma'am Delos Reyes. Nagpaalam ito at lumabas ng room.
"Tangina, babalik na lang ako ng kindergarten!" Bulalas ng isa kong kaklase. Nagtawanan ang ibang nakarinig.
"Manahimik ka na lang dyan, pwede?" Masungit na sagot dito ni Ciajane.
"Kapagod eh! Pakasal na lang tayo, Ciajane!" Sagot pa nito sa pinsan ko.
"Pakasalan mo yung pake ko." Bara nito dito na mas lalong nagtawanan ang lahat.
"Grabe ka talaga, Ciajane loves. Ang rahas mo. Di mo ba alam na crush kita since day one?"
"Hate din kita since day one." Sarkastikong sagot pa nito sa lalaki. Napailing na lang ako at hinila ito palabas ng room.
"Liligawan kita, Ciajane Sadia!" Huling sigaw nitong narinig ko bago ko narinig ang hiyawan ng mga kaklase namin. Umingos naman si Ciajane ng marinig iyon.
"Yuck! Kadiri oy!" Bulalas nya. Pinagpag pa ang kanyang damit na tila may dumi. "Nga pala, saan ka galing kahapon? Saan ka nagpunta at hapon ka na nakauwi? Ano yung mga dala mo at mukang lahat ay mamahalin?" Sunod-sunod nyang tanong habang pababa kami ng building.
"Sa mall."
"Sino kasama mo?"
"Basta."
"Sino nga?"
Humagilap ako ng maisasagot sa kanya at isang ngisi ang gumuhit sa aking labi ng makaisip ng isasagot dito.
"Si Mr. R." Bigla itong naubo na tila nabilaukan.
"What?! Magkasama kayo maghapon? Nakilala mo na sya? Gwapo ba sya? Mayaman ba kasi yung mga paper bag na dala mo lahat ay branded? Mabait ba? Mapagkakatiwalaan?" Halos matawa ako sa mga tanong nyang sunod-sunod. Nagkibit balikat lang ako at mas binilisan ang aking paglakad.
Nang tuluyan na akong magababa ng hagdan ay nakasalubong ko si Lix na kalalabas lang ng room. Halata ang pagod sa kanyang muka pero ng makita ako nito ay agad na sumigla ang kanyang muka.
"Hey." Bati nito sa akin. I smile.
"Morning." Bati ko.
"Hmm... Would you-."
"Sir Ramirez?" Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil sa isang boses na sumingit. Agad akong ngumiti ng mapatingin ito sa akin. Yumuko ako at binati ito.
"Good morning, ma'am." Magalang kong ani. Supistikada lang itong tumango sa akin bago ulit balingan ng tingin si Lix.
"Buti na lang nakita kita dito. Can you come with me? May file lang akong ipapakita sayo." Saad ng babaeng guro kay Lix. Hindi pa may sumasagot si Lix ay agad na nitong ipinalibot ang mga kamay sa braso ng lalaki at hinila papalayo.
Lumingon pa sa akin si Lix pero wala na syang nagawa dahil hila-hila na sya ng babaeng guro. Halos umirap ako sa hangin dahil halata namang nilalandi ng gurong iyon si Lix.
WALA ako sa mood ng mag-take kami ng recess. Hanggang sa mag-lunch break ay hindi maganda ang timpla ko. Lahat ng kakausap sa aking kaklase ko ay sinusungitan ko.
"Pan, birthday ni Alyxander next week. Invited tayo." Anunsyo ni Rieya habang kumakain kami.
Tumango lang ako at pinanggigilan ang pagkain na nasa plato ko. Bakit kasi kailangan pang ilingkis ang mga kamay sa braso kung pwede namang maglakad na lamang sila ng sabay?! Lumpo ba?! At kailangan pa ng aalalay?!
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...