PAGKAPASOK namin sa loob ng bahay ni sir Ramirez ay nandoon na sina, Vin, Levi, Khael, at Zedrich.
"And here's the champions. Congrats, buddies." Nakangiting sambit ni Vin ng makita kaming pumasok.
"Woah... Ton, pakibaba ako... feel ko nasa langit na ako." Bulong ni Armiel habang nakatitig kay Vin.
Binatukan ito ni Ylton.
"Tanga, wala pa yung magdadala sayo sa langit, tsaka, sigurado ka bang sa langit ka mapupunta? Baka nga yung magsusundo sayo eh, dalhin ka sa impyerno." Bara ni Ylton sa kaibigan. Natawa ako ng marinig iyon.
"Alam mo, kaunti na lang, ikaw mauuna sa impyerno. Pota ka, wala ka man lang kasupport support sa kaibigan mo." Sagot naman ni Armiel. I shook my head.
"Hey, Vin. Nice to see you again." Bati ni sir Gomez kay Vin. Lumapit sya sa mga ito at isa-isang nakipag-fist bump.
"Hey, Hendson. Kakakita pa lang natin kagabi diba?" Natatawang sagot naman ni Vin. Tumawa ang guro. "Where's your beloved partner, bud?"
"Oh, I already texted him to come here."
"Oo nga pala, Hend. Anong nangyari don sa isa? Bad trip yata?" Tanong ni Khael. Mas lalong tumawa si sir Gomez.
"El, buddy. He's being weird again. Para namang bago yon satin." Sagot ni sir Gomez. "By the way, this is my students, Armiel, Ylton, and Pan."
"Ahm... H-hi po." Nahihiyang usal ni Armiel.
"Nice to meet you po." Magalang namang anas ni Ylton.
I smile and slightly bow my head.
"Good afternoon po. It's my pleasure to meet and see you in person and this close. I'm a fan of band X." Sambit ko.
"You're a fan, huh..." Nakangising usal ni Zedrich. "Someone say, he likes that girl who is fan of band X." Ngising usal nito. Umawang ang aking labi sa sinabi nito.
"Hey, the music room si ready. Xiever said." Singit agad ni Levi kaya nakahinga ako ng maluwag dahil sa kanya nabaling agad ang atensiyon ng lahat at hindi ka Zedrich.
Si sir Ramirez ang naghanda ng music room? Kaya ba sya nagmamadali kanina?
We went to the music room. Pagkapasok namin ay unang bumungad sa amin ang hilera ng limang gitara. May tatlong mahahabang couch sa gitna. May iba ring music instruments na hindi ko maalala ang mga pangalan at ang iba ay hindi ko alam kung ano. At syempre, hindi mawawala ang drum set na dulo ng silid. Nandoon na si sir Ramirez nakapwesto, looking good in his sando shirt with a print. Nagpalit na din pala sya.
Hapit na hapit ang damit nito sa kanyang katawan. Dahil naka-sando ay nakabalandra sa mga mata ang matipuno nyang braso. Maputi at maugat ang braso nya. Wala na ang salamin nya at naka-brush up ang kaliwang bahagi ng buhok nya. Ibang iba talaga ito kapag naka-uniform pang-guro at kapag nakaupo sa drum set nya. I purse my lips and look away.
"Let's start?" Tanong nito.
"Walang drinks?" Tanong ni Zedrich.
"Or food?" Sunod ni Khael.
"Other people?" Tanong pa ni Levi.
"Magpe-play din sila diba?" Tanong din ni sir Gomez.
"And where the hell is Hades?" Sa tanong ni Vin lang ako napabaling. Oo nga. Hades are not around. Busy ba ito?
"First, drinks and foods are on the way. Second, tayo-tayo lang dahil biglaan to. Third, yeah, of course they will play with me, and last, I don't need a vocalist now because I can sing, and that punk." He pointed his drum stick to the door like Hades are there. "Are busy." Dagdag pang sambit nito. "Clear now?" Masungit nyang tanong.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...