Subject;16

4 0 0
                                    

"Can I... rock your whole life tonight?"

Walang ibang pumapasok sa isip ko maliban sa sinabi ni sir Ramirez doon sa concert.

"Yung laway mo, tumulo na oh." Agad kong pinunasan ang baba ko dahil sa sinabi ng nagsalita pero hindi naman basa ang parte ng baba ko kaya masama ang tinging bumaling ako sa nagsalita. It's Avriell, who's smiling so wide.

Psh! Palibhasa magaling na.

"Peace, haha! Bakit ka kasi nakatulala dyan?" I just shook my head. Mabuti nalang at maaga akong nagising kahit late na kaming natulog ni Ciajane. Ang sabi ay isang kanta lang ang papanoorin namin pero natapos namin yung buong concert.

Akala ko nga hindi makakapasok kanina si sir dahil puyat ito pero nagulat nalang ako ng pagpasok ko ng room ay nakaupo na ito sa teacher's table. He doesn't look like tired.

At hindi pa rin ako makapaniwala na si sir Ramirez iyong lalaking nakita ko sa concert, it's feel like a dream that would never be come true.

"May problema ba, Pan?" Tanong agad ni Miles.

"Come! Ikain nalang natin yan!" Alok naman ni Zia. Mahina syang binatukan ni Viron.

"Magbago ka na, Zia. Puro ka pagkain." Saad ni Viron.

"Pake mo ba?!" Inis na sigaw ni Zia kay Viron.

"Matakaw na nga, pandak pa." Tudyo pa ni Ghio.

"FYI, 5'3 ang height ko! Hmp!"

"Ah... Ako kasi 6'4." Nakangising saad ni Ghio habang nakatingala.

"Psh, yabang." Usal ni Miles.

"Baliko naman." Bulong ni Avriell.

"Pwede, manahimik kayo? Nagiisip ako." Saway ko sa kanila.

"Pan, alam naming matalino ka pero wag mo namang ipamuka sa amin na wala kami nyan." Sagot sa akin ni Willton na naglalakad palapit sa amin. Napairap nalang ako. "May practice tayo mamaya." Dagdag nito sabay hatak ng isang upuan at naupo doon paharap sa akin. Walang teacher kaya kung saan-saang upuan nakakarating ang mga kaklase ko. Tumango ako.

"Oo nga pala! Asan si Prince?" Anas ni Ghio. Leader din kasi ito ng isang group.

"Bakit?" Sulpot bigla ng hinahanap ni Ghio mula sa likod ni Miles.

"Hoy! Gago! Sumama ka na samin mamaya kundi tatanggalin kita sa lista!" Bulyaw ni Ghio dito.

"Come on, Ghio. I already memorized my lines and actions, kulang pa ba—?"

"Yes! Kailangan mo hong sumama para hindi mailang sayo ang kasama mo, gago nito! Nakaka-ilang ka raw kasama!" Putol ni Ghio kay Prince.

"Ah, yeah. Sa kanya lang kasi maglilikot at magiging baliw." Nakangising sambit ni Prince.

"Miles na yan!" Sabay sabay na sigaw ng mga ito dahil sa sinabi ni Prince.

"M-manahimik nga kayo! At tsaka, hindi ako papatol sa bakla no!" Kaagad na sikmat ni Miles. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ng kung sino.

"Guys!" Sigaw ng matinis at nakakairitang boses ni Candy. Kaagad na napunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

Tumayo ako at agad na umalis sa room. Pupunta nalang akong cafeteria, wala akong balak makinig sa kung anong sasabihin nya. Habang naglalakad ay may nadaanan akong kumpol ng estudyanteng naguusap. Dahil naglalakad ako malapit sa kung saan sila naka pwesto ay narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Gosh! Look, ang gwapo ni sir!" Saad ng isa. Pinag-uusapan pala nila ang asawa ko.

"Damn! Those biceps!"

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now