ALAS TRES palang ay gising na ako. Sinubukan ko pang bumalik sa aking pagkakatulog pero hindi na ako dinalaw ng antok ko. Kaya ang tanging ginawa ko na lamang ay ang humiga at tumulala sa kisame.
Hanggang sa mag-alas singko ay gising na gising ako. Tumayo ako sa aking higaan at tumungo sa banyo upang maligo. Nang matapos ay sinuot ko ang uniform na binigay sa akin ni mommy kagabi kasabay ng mga school supplies bago ako makatulog.
Ngayon ay kumbinsido na akong doon nga ulit ako magaaral dahil kagaya nitong suot ko ang uniform ng senior high sa San Diego University. Kung sa junior high ay skirt ang pangibaba, ngayon naman ay slack na plain na blue. White na blouse na may isang linya ng kulay asul sa ibabang bahagi ng manggas at sa itaas na bahagi ng bulsa. May necktie itong plain na blue at may logo sa kabilang bahagi ng kwelyo.
Itinali ko ang aking buhok sa ponytail. Ginamit ko rin ang regalo sa akin ni Ciajane na ribbon na pangtali ng buhok. I put some light make up. I stare at myself in the mirror.
"You're senior high now, Pan. Let's get through this util you graduate." Kausap ko sa aking sarili. Tumango-tango pa ako habang nakatingin sa repleksyon ko bago naisipang bumaba.
Pagkababa ko ay naabutan ko roon si mommy. Nagluluto ito ng breakfast.
"Hey! Morning, princess!" Nakangiting sambit nya.
"Morning mom!" Napatingin ako sa babaeng nakabusangot habang nakaupo sa dinning table.
"Bakit ganyan muka mo?" Natatawang tanong ko kay Ciajane.
"She caught me."
"Huh?"
"Naunahan akong magising ni tita!" Napatango ako. I get it. She use the wake up earlier than us para kapag umalis sya ay hindi namin maabutan. Lalo na si mommy na gustong gusto na ipagluto kami ng agahan. Natatawang tumabi ako sa kanya.
"I will always wake up earlier than the two of you everytime I'm here!" Masayang sambit ni mommy pagkalapag ng kanyang niluto. It's omelet and hotdog. Fried rice with corn and green peace.
"Thanks mom." I said when she put a glass of hot chocolate in front of us. Mas lalong nalukot ang muka ni Ciajane.
"I'm not into hot chocolate po, tita." Sambit ni Ciajane.
"Oh! Sorry! What should I bring for you? Hmm?"
"Ahm... Milk nalang po sana."
"Okay, wait up!" Nakangiting sambit ni mommy at umalis sa harapan namin. Nagkatinginan naman kaming dalawa bago ako tumawa ng malakas.
"Stop laughing, Pan!"
"Looks like, tapos na sya kay kuya. Ikaw naman sunod nya." Natatawang saad ko at nagsimula nang kumain. Nang matapos kaming kumain ay sabay kaming nagpaalam na pupunta nang school. Hindi ko nga lang alam kay Ciajane kung saan ang school na papasukan nya. Pareho kaming hinatid ni mang Nando.
"Nadagdagan ang pasahero ko, ah." Biro ni mang Nando ng makasakay kami ni Ciajane. Sabay kaming ngumiti ni Ciajane.
"Sa school po." Pagsakay ko sa biro ni mang Nando. Narinig ko ang pagtawa nito habang nagmamaneho. "Saan school mo?" Tanong ko kay Ciajane. Nagkibit balikat lang ito at hindi nagsalita. Napanguso tuloy ako. Hanggang sa makarating sa school ay mag-isa akong bumaba.
Nang papasok na ako sa gate ay may biglang umakbay sa akin. Nang lingunin ko kung sino ito ay nanlaki ang mga mata ko.
"Ci?!" Gulat kong tawag kay Ciajane.
"Yep?"
"Gago! Anong ginagawa mo dito?!"
"Bobo! Valedictorian ka ba talaga sa lagay na yan, Pan?" Nakangiting tanong ni Ciajane sa akin.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...
