Subject;22

5 0 0
                                        

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising. Kaagad akong naghanda para pumasok. Pagkababa ko galing kwarto ay agad akong tumungo sa kusina at naabutan ko roon si mommy at kuya Phoenix na naguusap. Bumaling sila sa akin ng makita nila ako.

"Good morning, my princess." Nakangiting bati sa akin ni mommy at humalik sa aking pisngi.

"Morning too, mom."

"Ang aga naman yata ng little sister ko." Puna ni kuya pagkahalik nya sa aking noo. Napanguso naman ako.

"Nauna pa akong magising kesa sa alarm ko." Nakangusong sambit ko. Tumawa naman si mommy. Hinaon nito ang nilulutong sunny side up.

"Eat na. Para maaga kang makapasok." Mommy said.

"Si Ciajane po?"

"That kid are always early. Hindi ko naaabutan. Tingnan mo't may sinaing na sa rice cooker. She already packed her lunch." Nakangiting sagot sa akin ni mommy.

"Napaka-independent." Puna ni kuya.

After eating hinatid ako ni kuya sa school. Pagpasok ko sa room ay nandoon na si Avriell nang may malapad na ngiting nakaplaster sa labi. Agad itong lumapit sa akin pagkaupo ko sa assigned seat ko.

"Hindi mo ba talaga nakita?" Tanong nya kaagad pagkalapit na pagkalapit nya palang sa akin.

"Avi, you're insane!" I blurted.

"Ano? I was just asking! Sayang akala ko talaga nakita mo, pero mukang malaki naman ang kargada ni sir kasi hindi mo ba napansin? Sa pangalan nya palang sa Facebook. Yung acronym ng name nyang Xiever Lix, is XL see? Syet! Hot daddy amp!" Mahabang litanya nito habang ako ay pulang pula. Tangina! Naalala ko na naman yung XL!

"Ewan ko sayo, Avriell." I just said and went outside para sana maglakad lakad pero pagkalabas ko pa lang ng pinto ay bumungad sa akin si sir Ramirez.

"Saan ka pa pupunta, miss Villiase? It's already time. Go back." Malamig nitong giit. I bite my lips at look down. Umikot ako at naglakad pabalik sa loob ng room. Time na pala? Psh! Sayang, pupunta pa naman sana akong cafeteria.

"Pst, anong pinagawa sayo ni sir kahapon?" Tanong ni Miles.

"Pina-check nya ako ng sandamakmak na quizzes ng pitong section." Sagot ko sa kanya.

"Malamang punishment nya yon sayo." Nakangiting saad ni Miles kaya napairap ako. Hindi na ako nagsalita pa at sakto namang nagsimula nang mag-discuss si sir.

  
   
   
    
   
   
   
   
***
  
   
   
   
    
    
   
   
  

HOURS later, tapos na ang dalawang subject kaya napagkasuduan naming apat na pumuntang cafeteria.

Nagtatawanan kami at naguusap ng may lumapit sa table namin.

"Hey." Nakangiting sambit ni Candy.

"What do you need, Candy?" Tanong ni Zia.

"So, after Laurence... si Kersone naman?" Nakangising usal nito.

"It's none of your business, Can—."

"Manahimik ka. Hindi ikaw ang kausap ko, Miles." Putol ni Candy sa sasabihin ni Miles. "Ano? Hindi ko alam na may tinatago ka din pala, Pan. Ang anak ng isa sa mayamang tao sa bansa ay isang malandi? Ow, sorry hindi ko sinasadyang lakasan." Nakangiting sambit nya. Malakas ang boses nito kaya napalingon sa table namin ang iba. I sigh and did not give her an attention.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now