Subject;8

9 0 0
                                    

Napanguso ako habang palihim na pinagmamasdan ang gwapong muka ng asawa ko-este ni sir Ramirez. Abala ito sa kanyang laptop, kunot ang noo at seryoso ang muka ngunit kahit na ganon ay gwapo pa rin ito. Idagdag mo pa ang kanyang paminsan-minsang pagkagat nya sa ibabang labi nya.

Mas lalo akong napanguso sa isipin kung may girlfriend o asawa na ba si sir. Imposible naman kasing wala, sa gwapo nyang yan malamang na lapitin yan ng mga babae. Nakita ko nga noon, nilalandi sya nung isang teacher dito. Hindi ko naman yon sinasadya, nagkataon lang na napadaan ako doon at nakita sila.

Mga taksil!

"Hoy! Bakit ka nakanguso dyan?" Pinukol ko ng masamang tingin ang lapastangang kumalabit sa akin. Sa haba ng kuko nakalmot pa ako!

"Hinay hinay lang yata sa pagkalabit no?" Sarkastikong usal ko habang hinihimas ang parteng kinalabit ni Avriell.

"Bakit ka ba kasi naka nguso dyan?" Tanong ulit nito.

"Wala, nagi-imagine ako eh." Sambit ko sabay iwas ng tingin. Sana di nila na pansin na kay sir ako nakatingin.

"Ng ano? Na isa kang teacher?" Usisa ni Miles.

"Huh?"

"Bi! Nakatingin ka kasi sa table ni sir." Saad ni Zia. "Tapos nakanguso pa, muka ka na ngang pato eh."

Pagtingin ko sa table ni sir ay wala na ito. What?! Did he leave?! Without telling me? Without telling to his future wife?! Char.

"A-ah... Oo, hehe... Naisip ko, ang ganda siguro maging teacher." Hilaw akong tumawa. Buti nalang at wala si sir ng naabutan nila akong nakatulala. Pahamak talaga si sir kahit kailan, psh!

"Ahh... Maganda naman talagang maging guro, bukod sa minsan wala kang gagawin at uupo lang, Malaki din ang sahod." Sagot sa akin ni Miles. Nakahinga ako ng maluwag dahil naklusot ako.

Hindi na ako nagsalita pa at baka mahuli na nila ako. Sakto namang dumating ang math teacher namin kaya kilig na kilig na naman si Avriell.

Gwapo naman si sir Sandejas, boyfriend material din ito at habulin din ng mga babae. Mukang bata rin ito. Pero mas gwapo pa rin naman sa mata ko si sir Ramirez, syempre asawa ko yan eh.

Wala si sir Ramirez ngayon sa room dahil may ibang section din itong tinuruan hanggang hapon iyon, kaya buong maghapon ay tulala ako. Makita ko man sya ay dadaan-daan lang sa hallway.






***




NANG dumating ang hapon ay saka lang bumalik si sir Ramirez sa room. Kami naman ay nagsisilinis na ng room. Isa na ako don, syempre para makita naman ni sir na pwede na akong maging asawa nya, joke.

"Shems! Ang sipag naman ng muse namin ah!" Pansin ng isa kaya nginitian ko lang ito ng saglit.

"Malamang! Ikaw ba naman, i-good morning ni escort talagang gaganahan kang maglinis!" Sagot naman ng isa habang naglalampaso ng sahig. Nagkantyawan na naman ang buong klase dahil sa mga pinagsasabi nila.

Pwede bang itigil nyo yan? Baka magalit asawa ko, buti sana kung kayo susuyo dyan kapag nagalit yan, aba! Hindi naman kayo yung mapapagod mamaya eh! Kaya stop it na.

"Tumigil nga kayo!" Saway ko sa kanila sabay irap. Napatingin ako kay sir Ramirez na abala sa pagu-utos sa iba naming kaklase. Bigla itong tumingin sa gawi ko kaya agad akong umiwas ng tingin.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now