Subject;44

3 0 0
                                        

HE'S ATTRACTED TO ME?

How come? Bakit ba ganon magisip si sir Gomez? At pano naman maa-attract sa akin ang gurong iyon eh, manhid nga yon! Ang issue nya!

Yeah, because he just saw you two kissing.

Napabuntong hininga ako at pinakatitigan ang reviewers na hawak ko. Mabuti nalang at nakalahati ko na to. It's almost five days since that day in his house.

At nandoon pa rin yung paper bag na inaabot sa akin ni Ramer but I always told him to just give it to those people who can't afford to buy their food outside the school.

Every time we have a review in library, kay Ylton at Armiel lang ako nakadikit. Iwas ako sa dalawang guro lalo pa't nakita ni sir Gomez iyong nangyaring iyon sa pool area.

Next week na ang quiz bee at gaganapin iyon sa BHS, Bernhan High School. Kaya abala halos lahat ng teacher at tuwang-tuwa naman ang mga kaklase ko dahil wala daw lesson.

"Pan, diba next week na din birthday mo? Magpapa-party ka ba?" Tanong ni Viron sa akin. Nandito kami ngayon sa cafeteria.

"Yung araw ng birthday ko, yun din yung araw na ilalaban kami sa quiz bee kaya hindi." Sagot ko rito.

"Ganon? Edi, pagkatapos? Mag-celebrate tayo, for your birthday and for the battle in quiz bee." Masayang sambit ni Avriell.

"Babala na." Sambit ko at pinatong sa muka ko ang reviewers na hawak ko.

"Pan!" Biglang may nagtanggal noon sa muka ko kaya kunot ang noong nilingon ko ang may gawa non. Si Ylton.

"Bakit ba?" Inis kong tanong. "Ang aga nyong dalawa! Hindi ba't twelve thirty ang punta natin sa library?"

11:56am pa lang.

"Hindi naman kasi yon!" Nakangiting ani Ylton.

"Oh, ano pala?"

"Inutusan nya kami na sabihan kang pumunta ka raw sa kanya. Sa office nya." Armiel answer. Just like my routine, I answer him.

"Hindi pwede kako. Nagre-review ako." Ani ko. Armiel pout.

"Sabi nya ngayon kapag yan daw ulit ang sagot mo ay pilitin ka namin. Wag ka raw naming tigilan sa pamimilit sayo." Giit ni Ylton.

Biglang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Ylton.

"Sige na, Pan! Hatid ka pa namin don! Bilis na!" Pamimilit nga nito. I look at Armiel. Kumamot ito sa kanyang noo habang nakangiwi.

"Sige na, sumama ka na, Pan. Baka may sasabihin lang about sa quiz bee." Pagpapatuloy ni Armiel. I sigh.

"Fine." Ani ko.

"Yes!" Masayang sambit ni Ylton.

WE WENT TO HIS OFFICE. kasama ko itong dalawa. Hinatid nga ako.

"Pan, saan ka na sa nire-review natin?" Armiel ask while we're walking.

"Palagpas nang kalahati." Sagot ko habang ang tingin ay sa daan.

"Ganon?" Tumango ako.

"About cooking pala yung sinalihan ni Candy. Natanong ko sa kaibigan ko kanina." Biglang singit ni Ylton. Nanatili akong tahimik at nakinig na lang sa kanila.

"Maalam sya don dahil TVL kinuha nya at saka BPP or Cookery yata ang specialization nya eh." Sagot naman ni Armiel.

"Hmp! Kahit pa ipanalo nya ang school natin sa quiz bee, galit ako sa kanya!" Biglang singhal ni Ylton.

"At bakit ka naman magagalit?" Tanong ng isa.

"Kasi, inaaway nya si Pan!" Parang batang ani to.

"Ewan ko sayo. Ayos lang nga kay Pan tapos sayo parang ikaw yung inagrabiyado." Iling iling na saad ni Armiel.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now