Subject;70

1 0 0
                                    

PANO ko sya babawiin kung hindi naman talaga akin? May nauna, parang... pinahiram lang sya sa akin. At ngayon ay babawiin na nya sya... Ano namang laban ng apat na buwan sa pitong taon?

Mariin akong napapikit ng makaramdam ng pagkahilo. Shit! Wala naman akong sakit!

I relaxed my head on my pillow to ease my daze. When I tried to get up, my stomach rumbled. Fuck! Mabilis akong napatakbo sa banyo ng makaramdam ng pagsusuka. Dumuwal ako pero walang lumabas na kahit ano o kahit man lang yung kinain ko kaninang tanghali.

Tangina ano bang nangyayari sakin?! Ilang araw na to ah! Sa tuwing matutulog ako at pagkagising ko ay ganito ang nararamdaman ko. At wala iyong pinipiling oras!

Naghilamos na lamang ako at bumalik sa kama't nahiga ulit. Napatitig ako sa kisame. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang pinagusapan nung dalawang guro.

I heard a knocked.

"Pan?" I heard mom's voice outside my room. "Get ready, sasama ka sa amin." Aniya. I sigh. Sabi kagabi ni dad ay may pupuntahan daw kami ngayon, I don't know what is it, but base on his expression, he looks so happy about it. I look at the time on my wall clock. 3:36pm. I sigh again.

NANG makababa ay nakita ko doon si mommy, dad and kuya Phoenix. Wala si Ciajane dahil maaga iyong umalis kanina. I don't know where did she go. Mukang nagta-trabaho na naman sya.

Dad's happy face welcomed me. Si mommy din. Habang si kuya Phoenix ay tila nag-aalala.

"Are you ready, my princess?" Dad asked the moment I reach them.

"Saan tayo pupunta, dad?" I asked.

"It's a surprise! But I know you missed her so much. We missed her!" Napatigil ako sa sinabi. Napagtanto ko kung sino ang tinutukoy nila.

"Come on!" Mommy excitedly shrieked.

"A-ayoko na pong sumama." Usal ko na nagpatigil sa kanila.

"What?"

"Dad... please, ayoko... H-humiling ako sayo, d-diba? Y-you know that I don't want her here..." Ayoko... natatakot ako... Kapag nandito sya... mapupunta na naman ako sa likod. Magiging anino na naman lang ako.

"Pan! What are you saying?!" Sigaw ni mommy sabay hablot ng aking braso. "Anong pinagsasabi mong ayaw mo syang nandito?!" Niyugyog ako ni mommy habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. "Stop it!"

"M-mommy..."

"Pan naman! Bakit ganyan ka?!" Umiiyak na ring usal ni mommy. Nabitawan ako nito at napatakip sa kanyang muka habang humahagulhol. Sunod-sunod ang pagiling na ginawa ko.

"I want her gone! Dapat hindi na sya nagpakita pa! I hate her! I hate he—!" Dad's palm cut my words. Lahat kami ay natigilan dahil doon, kahit si mommy na humahagulhol ay napatigil din. I gulp as I held my cheek.

"How dare you talk to her like that?! She's your twin!" Sigaw ni dad sa akin habang duro ako. I saw his jaw clenched.

"Dad!" Saway ni kuya Phoenix, lumapit ito sa akin at hinila ako papunta sa likod nya.

"Phoenix, umalis ka riyan! Let me talk to her! Wala akong anak na walang respeto't spoiled brat!" Dad shouted. I don't know what pushes me to let go of kuya Phoenix's hand. Napatingin ito sa akin.

"So you're saying I should be the one that missing... not her? G-ganon ba, dad? S-sometimes I asked myself na kung pano ako naman ang mawala? Hahanapin... hahanapin mo ba ako? Every time when Lyria was here, wala kayong ibang pinapansin kundi sya! Kulang nalang magpakain kayo sa tuwing pinapakita nya ang mga achievements nya sa inyo!" I catches my breath. "H-how about me? That's my question to the child me back then. Pano si Pan? May awards din si Pan diba? Bakit tango lang at bati ang nakukuha ni Pan? Proud ba sila kay Pan? Si Pan naman sana?"

"P-Pan..." Mommy utter.

"You..." I wipe my tears. "Y-you always makes me feel I am unwanted child. I am unwanted! A-ayaw nyo sakin!"

"Pan! Don't say that, baby. Please..." Hikbi ni mommy. Tiningnan ko sila. Tahimik lang si kuya, ganon din si dad na nasa sahig ang tingin.

"All my life... I am longing for my parents attention. D-diba? K-kailangan ko pang masaktan noon para lang bumaling kayo sa akin... Kaya ayokong gumagaling agad dahil alam kong wala na naman sa akin ang atensyon nyo k-kinabukasan..." My lips tremble. "I-i don't want her... I want her gone. Please... a-ayoko..."

"Hindi mo naiintindihan—"

"Dahil ayokong intindihin, dad! Kahit pinaliwanag na mo sakin, ayoko... ayokong intindihin." Putol ko kay dad.

"Please, anak... ayokong ganito tayo... we'll start again, hm? Babalik si Lyria... We'll start again, ha... w-wag ganito."

I took a deep breath.

"I am not enough, mom?"

"You're enough, sweetheart." I nod.

"Then why do you want her back? P-pareho lang kayo... k-kayo at si Xiever..." I said. Nakita kong natigilan si kuya Phoenix pero wala doon ang atensyon ko. "You always said, I'm enough... na ako ang gusto... pero nasaan sya ngayon? He's with his ex! I gave him time... para makapag-isip... p-pero babawiin na pala sya sakin... p-pati kayo... when Lyria come back here... I will left behind again... I hate you all! I hate everyone! Ayoko sa inyo! Ayoko!" Sigaw ko sabay takbo palabas ng bahay. I heard them calling me but I didn't bothered to look back.

Saktong may taxi na dumaan kaya pinara ko ito at dali-daling sumakay. Tulala ako buong biyahe hanggang huminto ang taxi sa pamilyar na gate. Why did I say his address?

Wala akong nagawa kundi ang magbayad at bumaba. Tumayo ako sa harapan ng gate nya. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumayo doon. Ni hindi ko nagawang pindutin ang door bell.

HINDI ko alam kung ilang segundo o minuto akong Nakatayo doon. Wala akong pakialam kung pinagtitingnan ako ng mga taong dumaraan. Nasa loob kaya sya? I shook my head and turn my back. Why I am even waiting for him? Baka nga wala sya riyan at kasama nya ang ex nya.

I dried my wet cheek and ready to leave when I heard a gate's open.

"Pan?"

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now