DAYS OR WEEKS, had passed when that happens. Iwas kaming pareho sa isa't isa. Kahit sa oras nito ay madalas late kung dumating o di kaya'y maaga pa ay nagdi-dismiss na agad ito. Kung magkakasalubong man kami ay sabay din naman kaming iiwas. Wala namang nangyari at hindi nga rin nagdampi ang mga labi namin pero nakakailang pa rin lalo pa't may nakakita sa amin. Kaya hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang damit na pinahiram nya.
Minsan na rin kaming magkasama ng mga kaibigan ko dahil malapit na ang exam kaya abala kaming lahat. Gaya ngayon, si Kersone ang kasama kong kumain sa cafeteria dahil si Ciajane ay nasa library, nagre-review. Nagpasalamat nga ako dahil nakakausap at ngumingiti na ito.
"Ikaw? Bakit hindi ka nagre-review?" Tanong ni Kersone sa akin habang naglalakad kami sa pasilyo.
"Sa bahay ako nagre-review." Sagot ko at sumimsim sa binigay nyang fruit shake.
Umakbay ito sa akin bago magsalita.
"Kahit naman siguro hindi ka mag-review may maisasagot ka eh." Natatawang giit nito kaya natawa rin ako.
"Hindi kaya! Sobrang hirap na ng mathematics ngayon! Nalulutang ako lalo na kapag sa seat work!" Angil ko na ikinatawa nya.
"Gusto mo bang turuan kita?" Nakangising usal nito. Agad na nagningning ang aking mata dahil sa sinabi nito.
"Sige! Ang boring kasing magturo ng subject teacher namin sa general mathematics eh!" Nakangusong saad ko. Ginulo nito ang buhok ko at sinabing.
"Okay, kita tayo sa rooftop mamayang lunch. Doon kita tuturuan, mahangin at presko ang lugar na yon eh." Nakangiting sambit nito. Sunod-sunod naman akong tumango bilang sagot. Nagusap pa kami ng kung ano-ano bago ito magpaalam na babalik na sa room nila. Ganon din ang ginawa ko.
Dahil sa susunod na araw na ang exam ay walang pumapasok sa guro sa amin dahil lahat ay abala sa paggawa ng test papers. Sinabi na rin nila kung ano-ano ang lesson na coverage ng exam na gaganapin kaya magre-review nalang talaga.
"HAY! NAKAKAINIS YON!" Asik ni Avriell habang naglu-lunch kami. Wala si Kersone dahil abala ito sa research nitong project nila.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong ni Miles. Si Ciajane ay tahimik lang na kumakain.
"Alam nyo ba?! Noong nakaraang linggo ay may nakabunggo ako!" Gigil nitong ani.
"Sino?"
"Aba ewan ko sa tukmol na yon! Matanda eh!" Halata sa muka nito ang pagkainis. "Ayon na nga! May mga dala akong notebook at libro non tapos nahulog yung mga dala ko dahil nagkabangga kami!" Kwento nito. "Tapos! Alam nyo ginawa? Ang gurang! Tiningnan lang ako at hindi man akong ako tinulungang pulutin yung mga gamit ko! Sinisi pa ako dahil hindi daw ako nakatingin sa dinaraanan ko!" Nagpupuyos ito sa galit habang nagkukwento. "Tapos nilayasan pa ako! Tangina! Wala man lang right manners and right conduct! Ungentleman pa!" Natawa ako dahil sa sinabi nito.
"Tanga! Good manners and right conduct yon, hindi right manners and right conduct." Natatawang giit ko.
"Ah basta! Ungentleman sya! Mabaog sana sya! Hmp!" Tamad itong tiningnan ni Zia.
"So anong gusto mong mangyari? Tulungan ka nyang pulutin yung mga gamit mo at magpakilala sayo? Tapos, magiging magkaibigan kayo at magkakagusto sa isa't isa then viola! Happy ending ganon? Wake up, Avi! Reality hits different!" Natatawang giit ni Zia.
"Sino ba yon?" Tanong ni Willton.
"Yung kasama ni sir Ramirez sa banda." Nakangusong sagot ni Avi na nagpatahimik sa akin. "Si Zedrich! Nyeta sya!"
"Talaga namang hindi ka papansin non, sikat yon." Sagot ni Viron dito.
Nagusap pa sila sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Ako naman ay nagpaalam na aalis na dahil nag-chat na sa akin si Kersone na nasa rooftop na daw sya.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
Lãng mạnSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...