HINDI ako makatingin ng maayos kay dad! Si mommy naman ay bahagyang tumawa. Habang si kuya ay iiling-iling na ngumiti. Oh God!
So he knew about him?! How?!
Biglang may nagsalita mula sa hagdan kaya napabaling kami roon. She's carefully walking down the stairs. She's... she's wearing an simple clothes. Nang makita nito si kuya ay kaagad na nagalak ang kanyang muka at dali-daling lumapit kay kuya at dinambahan ng yakap.
"Kuya!" She screeched. Tili iyon pero nagmumukang hindi dahil sa lambot ng kanyang boses. Mahinahon at maamo.
Nang humiwalay ay tinuro ako ni kuya kaya napabaling din sa akin ito. Her eyes widened as her hands covers her open mouth.
"Pan!" Masayang tili ulit nito at dinamba ako ng yakap. I blink multiple times. Still processing on me what's happening. For almost thirteen years, I saw her again. Now, we have so much in common.
"L-Lyria..." Humiwalay ito sa yakap at tinitigan ako.
"Ang ganda mo... Magkamuka tayo!" Nakangiting saad nito. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ito ngayon sa harapan ko. I looked at mom who only nod at me while playing with my son. Ganon din si dad. Umalis sila sa living room at hindi ko alam kung saan pupunta.
"I'm... s-sorry..."
"Shh! Bakit ka naman nagso-sorry ha?"
"B-because... I used to wish they won't find you... I wished you were dead... I'm sorry..." I said, almost whisper.
"Alam ko kaya yon." Anito na kinatigil ko. "Ever since we were child, ramdam ko yung inis at inggit mo sa tuwing ako na ang pinagtutuonan nila ng pansin. I keep on thinking why you're looking at me with anger, envy, and jealously, then, one time nang pinakita ko kay mommy at dad yung award ko, I saw you... nakatingin ka sa amin, hawak mo rin yung awards mo, ipapakita mo rin sa kanila. Napagtanto ko kung anong problema... Kaya nung araw na nawala ako, pinag-isipan ko iyon, na kung mawawala ako baka... baka maging masaya ka. Kasi, I only want to see you smile like we used to do before. I want my ate to be happy again..." She smiled at me.
"L-Lyria..."
"I saw everything, palagi mong sinasaktan ang sarili mo para makita ka nila. Kaya nung nasa mall na tayo, I saw it too... you hurt yourself para mapansin nila dad, I know that time, I should do my part too. To disappear. Sumama ako sa isang babaeng hindi ko kilala. She asked me whom I am with. Ang sabi ko lang ay kin-id-nap ako at nakatakas lang ako. Sinabi nyang sasabihin nya sa pulis pero pinigilan ko sya. Sabi ko ay hindi pwede dahil mahahanap nila ako." She smile like she remembered something. "Si... nanay Susan... sya yung naging nanay-nanayan ko. Mabait sya. She treated me like her own child, mahal na mahal nya daw ako. Kahit sakit sa ulo ako kasi kapag nakikita ko yung ibang pamilyar sakin na tauhan ni dad, gumagawa ako ng gulo kaya kailangan ni nanay Susan na ilayo ako. You see? Wala kaming permanenteng address. Medyo kilala ako ni nanay na takaw-gulo." Natatawang sambit nya.
"B-but they found you."
"Yeah. Matagal na akong nahanap ni kuya. Nakiusap lang akong wag isabi sa inyo. Kuya told me na masaya ka, kaya sinabi kong wag na nyang sabihin na nahanap na nya ako. Which he really did. But things didn't go like what I think. May nakapagsabi kay daddy kung nasaan ako, nung mga oras na yon, nawawala ka daw at hinahanap ka ni kuya kaya hindi nya ako nasabihan. And there, dad found me." Bumuntong hininga ito. "Kinuha nya ako but syempre! Hindi ako pumayag kung hindi kasama si nanay Susan." Aniya sabay hawak sa kamay ko. "At wag mo ngang isipin na galit o ano ako sayo. Ginusto kong mawala. Disesyon ko iyon. Wala kang kasalanan. Hmm?"
Hindi ko napigilang yakapin ito. Narinig ko itong tumawa at niyakap din ako pabalik.
"Ang iyakin naman ng ate ko." Natatawang sabi nito. "Hay! Tara na nga, hindi ko nakita yung pamangkin ko eh." Anito sabay hila sa akin. Hinila nya ako sa kung saan at nang lumiko kami ay agad naming nakita sina mommy, daddy, kuya at ang anak ko.
"Oh, kumusta?" Dad ask when he saw us.
"We're okay na!" Masayang sambit ni Lyria.
"Edi goods! Ay teka. Alis muna pala ako." Giit ni kuya at nagmamadaling tumayo. Humalik ito sa mga pisngi namin.
"Uncle, where are you going?" Agad na tanong ni Lixian.
"To naman si pamangkin miss mo agad ako eh, may pupuntahan lang si uncle na importanteng tao." Sagot nito at hinalikan si Lixian sa pisngi.
"When you come home, kasama mo na po si papa?" Tanong ng bata.
"Ay..." Hindi agad nakasagot si kuya. Then they all look at me.
"Who?" Mom ask. I gulp.
"Si papa po. Si papa Laurence ko po." Nakangiting saad ni Lixian kay mommy.
"Naku..."
"Ah... L-Lixian, anak. Kay mommy ka muna, ha?"
"Mommy, si papa po, bakit wala sya dito?" Lumapit ito sa akin.
"Anak, busy kasi si papa Laurence eh. He can't be here." Mahinang sambit ko at pinunasan ang noo nito dahil sa pawis.
"Like my daddy?" Sunod nitong tanong. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig iyon. Narinig ko ang pagsinghap ni kuya. Ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko sa loob ng dibdib ko. "Papa said he's not really my father. When will I see my daddy, mommy? Is he... working? For us mommy? Pero hindi nya na po need mag-work diba? Gusto ko pong makita si daddy... but papa said that I need to ask your permission first. Pwede po ba?" Bawat salitang binibitawan ni Lixian, parang mga patalim na tumatagos sa puso ko. Bakit ngayon pa?
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...