Part 16

2.8K 53 1
                                    

"okay stop na wala naman akong magagawa dahil kakampi mo silang lahat" sabi ko sabay punas nang likod nya, my panyo kase ako sa bulsa.

"Please wag mokong iwan, diba matutuloy yon" nakatingin na sya sa akin ngayon habang sinasabi nya kaya nakita ko ang mukha nya na punong puno nang luha.

"Oo matutuloy yon, sorry nasabi ko yon dahil lang sa galit ko, ikaw kasi masyado kang mapanakit " sabi ko habang pina patuloy ko parin ang pag pupunasan sa likod nya. "Ikaw may aircon na lahat lahat pinag papawisan kapa?"

"Kasalanan mo yun beh" paninisi ni Kian.

"Hoy anong ak-aray!" hindi ko na natuloy dahil hinawakan ni Ivan nang mahigpit ang bewang ko kaya tumingin ako sakanya.

"Sabi ko nga"

"Nag seselos ka sakin daddy? Don't worry sayong sayo na yan meron nakong jowa pero mas pogi kalang pero wal akong pake" sabay taray nya.

"Yeah ayusin mo lang, once na nalaman kong lalaki ka makikita kq nalang sa palay"

"Oo ba daddy basta pag yan sinaktan mo humanda ka sakin...handa akong maging lalaki para masuntok ka lang" lalaking sabi nya sa dulo.

"Ayy ehe parang ewan to...HAHAHA" Sabi ko sabay alis sa yakap ni ivan nang akmang yayakapin kona si Kian ng my yumakap sa waist ko

"Hindi nyo kaylangan mag yakapan diba?" Halata naman na nag babanta ito.

"Oo" sabi ni Kian tinignan kase si Kian ng nakakamatay na tingin kaya napa oo.

"Good, halikana upo na tayo sa sala" humihikbi pa nya konti kaya habang papunta kami sa sala hinahagod ko ang likod nya sya naman Naka hawak sa waist ko. Haystt napaka over protective yayakapin lang naman lalayo agad ako, napaka seloso.

Nung naka upo na kami yung iba busy sa pag prepare nang mga design kami namang mga babae naka upo lang mga mukhang tanga.

Maya maya biglang ngumisi si lyza tas my binulong kay grace tas binulong naman ni Grace kay Jamaica tas binulong naman nya kay Nicole sabay lapit sa tenga ko sabay my binulong.

"Beh arat mall" bulong ni Nicole na ikina ngiti ko.

"Wait sabihin ko lang"

"Sige sa labas lang kaming lima, hantayin ka namon"

"Huy yung mga asawa nyo, hindi kayo mag papaalam?" Sabi ko.

"Alam na nila yon, si kuya lang talaga yung delikado" bulong nyang mahina sabay labas nilang lahat pero hindi sila napansin nang mga lalaki dahil masyado silang busy sa laptop. My turn, lord sorry ngayon lang po ako mag sisinungaling hehe.

"Ali"

"Hmm..." Sabi nya habang busy sya sa laptop.

Nag hahanap silang tatlo nang venue tapos yung apat nag titingin nang kulay ng magagandang gown para sa mga bisita.

"Pwede bang bumili lang kami nang pagkain nagugutom na kase kami" pag sisinungaling ko. Lord ngayon lang to promise handa naman akong pagalitan nya mamaya hehe.

Tumingin naman sya sa akin nang seryoso habang my suot na salamin kaya napa lunok ako "Sige, bilisan nyo lang wifey" sabay halik nya sa akin sabay tumingin ulit sa laptop. Ayy parang ayoko na mag sinungaling ang gwapo naman nya para pag sinungalingan.

"Sige babye Ali" sabay kuha ko nNg shoulder bag ko.

Nakalabas nako ng pinto napansin ko sila Nicole Naka dress kaya napa kunot noo ako.

"Hoy pano kayo naka palit?" Takang tanong ko.

"Dun..oh" turo nila sa maliit na bahay na nasa loob lang nang mansion namin.

"Ahh pero mall lang tayo beh bakit kaylangan naka suot pa nang dress?" pag tataray ko "halikana na nga"

Lalakad na sana ako ng hawakan nila akong lahat. "Hoy ang kj mo naman mag palit ka din..eto oh" sabay pakita ng black na dress na kumikintab pa konti.

"Ayoko papagalitan ako non nang sobra sobra" pag tanggi ko alam nyo na nag sinungaling na nga ko sakanya tapos mag suot pako nyan.

"Okay lang yan sis papagalitan ka din naman edi todo mona para isang sermonan lang ni kuya." mahabang sabi ni Nicole sabay tawa nang demonyo sa dulo.

"Oo nga dali na lahat kami naka dress at heels ikaw naka ganyan" sabi ni lyza sakin sabay turo sa damit kong crop top at cargo.

"Bakit maganda naman ahh imported to noh..basta ayoko" pag tataray ko.

"Dali na parang ewan to" iritang Sabi ni lyza.

"Kj mo sis" palo sakin ni Kian.

Pinilit naman nila ako nang ilang minuto kaya wala nakong nagawa kaya sinuot ko na yon.

Andito na kami sa mall bumubili ng magagandang dress.

"Ganda neto sis oh...bagay sayo" sabay pakita sakin ng red na fit dress na my kumikintab pa tas my design na butas pa sa bewang kaya makikita yung gilid nang bewang ko konti.

"Oo nga maganda pero bakit kita yung gilid?" pag iinarte ko.

"Tangek ganda nga eh, uso ngayon yung mga ganyan" sabay batok ni Kian. "Hinanap ko yan para sayo, lagay mo sa cart mo" sabi nya sabay bato sakin nang damit sabay alis ulit.

May sari sarili kaming buhay, mamaya nalang daw kami mag kita kita sa counter.

"Haystt grabing revealing bahala na nga maganda naman sya" huminga muna ko ng malalim sabay hanap ulit nang mga dress.

Maya maya my napili nako na black dress na fit din tas may design sa ilalim nang palda yung gitna naman nang dress my tali na na aadjust. Fit na nga my ganto pa panis san ka pa. Kaya walang atubiling nilagay kona ito sa cart.

"Tama na'to ang dami na ilan na ba ito...sampu" bilang ko. "ang dami na pala, sure super mahal na neto" kaya dumeretso nako sa counter sakto naman na nakita ko sila nakapila narin kaya sumunod ako sa likod ni grace.

Ilang oras naman kami dahil napaka dami naming binili kaya nang matapos maka bili sa store na yon nag hahanap kami ng makakainan dahil na gutom na kami.

Papasok palang kami sa Isang sikat na restaurant dito sa mall bigla tumigil si Nicole.

"Wait beh tumatawag si mom." kabadong sabi ni Nicole.

Sinagot naman nya yon sabay loud speaker kaya maririnig naming lahat yung sinasabi nang nasa kabilang linya.

"Bakit po mom?"

My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now