Part 90

799 23 0
                                    

Sumisigaw naman sila habang nag lalakad narin papuntang kubo.

Umupo naman silang lahat sa kubo habang ako naka ibang direksyon. Kaka bweset silang lahat.

"Ano bang nangyari?" Ani ni dad habang nag tataka.

"Oo nga" Ani pa nila tinignan ko naman sila ng naka simangot.

"Si tita tanungin nyo!" Mataray kong ani sabay balik ulit sa pwesto kanina. Nag si tingin naman lahat iyon sa mom ni ivan na ngayon nag pipigil ng tawa.

"Mom! Ano nanaman sinabi mo?!" Pag kaasar na Ani ni Nicole.

"HAHA sinabi ko lang naman na my kinakasama na si ivan tas mag kaka anak na ito, anong masama don?" Sabay halakhak nito sa dulo tinignan ko naman ito. Anong nakakatawa?.

Baliw na ba sya?

Hindi naman sya nalipasan ng gutom pero bakit ganyan si Tita?

"Hon ano bang sinasabi mo?! Mas lalo mo lang pinag aaway ang mag asawa!" Sigaw ni tito.

"Bahala nga kayo! " Sabay lakad papuntang sa mga anak kong nag lalaro kasama ang mga pinsan nila pati narin anak ng mga kaibigan namin.

Napansin ko naman na my lalaking kaka alis lang papalayo sa pwesto ng mga bata, halata naman na nag manadali ito.

"Sino yon? " Bulong ko sabay pantay sa mga bata. Nakita ko naman na my mga sinusubo silang lollipop, yung anak ko naman my sinusubo na my tig-iisa pang plastic na iba't ibang chocolate at candy. Nag taka naman ako don.

"Baby sino nag bigay nyan? Diba sinabihan ko kayo na wag makikipag usap sa hindi nyo kilala o wag kayong basta kukunin yung binibigay sainyo" Mahinahon kong ani tinignan naman nila akong lahat.

"Mabait naman po sya mama, lagi nga po namin sya nakikita e, alam nyo po ba lagi nya po kaming binabantayan tas pag yumayakap po sya sa aming tatlo umiiyak po sya" Ani ni Xian.

"Oo nga po tama po sya super bait nya po, pero kami po kasi binibigyan nya lang po kami ng mga sobrang daming balot ng candy pero hindi ni yayakap sila xavie lang po. Pero Tita Yara hindi mo po sya pag kakamalan na kidnapper kasi Matangkad pong lalaki  super pogi pa po nya" Ani ng 7 years old na anak nila arkin.

"Kilala nyo sya?" Tanong ko tumango naman silang lahat.

"Yes po tita Yara, si tito" Ani nilang lahat mahigit 10 Bata sila na andito.

"Alam nyo yung pangalan nya?"

"Hindi po e pero sabi po nila papa Tito lang daw po yung itawag namin" tumango naman ako, napatingin naman ako sa mga Yaya na nasa gilid lang walang ginagawa nakatingin lang sa lumapit na lalaki kanina.

Nag paalam naman ako sa mga bata bago ako pumunta sa pwesto ng mga bantay ng mga bata.

"Hello po ma'am Yara" Ani ng yaya ng mga bata.

"Sino yung lumapit sa mga bata?"

"Ah si Sir po yon ma'am" Ani ng Isa. My kinakain naman itong chocolate na parang kaparehas ng kinakain ng mga anak ko. Dairy milk.

"Haystt, Baka mamaya my lason yan" Pag aalala ko agad naman silang umiling.

"Ay sa sobrang pogi nya ma'am parang hindi naman sya ganong tao na iniisip mo. Tikman nyo po" sabay bigay ni manang ng Isang buong tobleron umiling naman ako.

"Dali na ma'am, masarap yan" Pilit nito, dahan-dahan ko naman kinuha yon.

"Ayusin nyo lang po manang" Ani ko tumango naman ito.

"Upo ka dito ma'am baka nangangalay kana" sabay pagpag ng upuan. Umupo naman ako.

"Bakit lagi syang umaalis pag dumadating ako? Gusto ko sya makilala" Ani ko habang binubuksan yung tobleron.

My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now