Part 84

664 22 0
                                    

Andito nako sa mansion kaya agad akong umakyat sa kwarto para maligo dahil naaamoy ko na ang malangsang amoy ng dugo.

Nang matapos ako maligo nag suot lang ako ng polo na itim inangat ko naman ang long sleeve ko hanggang taas ng siko ko nag slacks naman din ako na kulay black sabay sapatos. Napatingin naman ako sa malaking salamin sa loob ng kwarto ko nahalata naman dito ang malaki kong katawan kaya kung my dadaan na babae maski lalaki baka mag laway. Para sobrang bagay sa akin nag salamin nako na lagi kong sinu-suot.

Nakita ko naman ang sarili ko na hindi na makilala.

Ako paba ito?

Ang pogi ko pala talaga pag naka salamin ngayon ko lang na realize, hindi ko kasi tinitignan ang sarili ko sasalamin dahil napaka busy ko, ngayon nalang dahil my oras pako. 6 palang 7 ako pupunta sa resort.

Nag bukas muna ako ng laptop habang hinihintay na mag 7 dahil hindi kopa tapos yung gagawin ko sa company kahapon.

Habang nag titipa ako sa laptop ko pumasok si manang, Nakita ko naman itong napanganga.

"Iho Ikaw yan?" Hangang ani nito.

"Manang naman" Ani ko.

"Oo nga ikaw yan, ang gwapo mo para kalang panaginip na ideal man iho, napaka perfect" Ani nito nahiya naman ako sa sinabi nito.

"Manang naman binobola pako, pero thank you" Ani ko sabay ngiti.

"Ayy iho seven ten na, naka ready napo yung maleta nyo sa van kayo nalang po yung hinihintay" Ani ni manang tumango naman ako sabay sara ng laptop ko, nilagay ko naman ito sa lalagyanan sabay kuha nito at bumaba na.

"Let's go na manong anong oras na" Ani ko umandar naman na ito.

Kalahating oras ang byahe kaya natulog namuna ako.

Nagising naman ako ng tapikin ako ni manong sa braso kaya napa upo ako ng maayos.

"Sir andito napo kayo, hinahantay napo kayo nila ma'am" Ani nito bumaba naman ako. Binuhat naman ni manong ang maleta ko sa kwarto ko.

Nag lakad naman ako sa dalampasigan dito sa resort, todo tingin naman ang mga nadadaanan ako pero hindi ko ito pinansin.

"Anak kain kana" habang naka yakap si mom sa akin niyakap ko naman ito pa balik, nakita ko naman sila tita nasa likod naka ngiti.

"Okay let's go na kain na tayo para makapag pahinga nako, I'm tired" Ani ko lumakad naman kami papunta sa dinning area ng resort. Umupo naman ko sa tabi nila dad. Agad naman akong kumain ng mga hinanda nila na puro my sarsa.

Ang sasarap

Nang matapos naming kumain nag kwentuhan naman kami sa dalampasigan.

"Kuya seryoso kaba na Isang taon mong gagawin yon"

"Of course, kakayanin ko yon" Ani ko habang nakatingin sa floor ni Yara. Naka bukas ang ilaw.

Gising kaya sya?

Gising din ba ang mga baby?

"Nakikita ko naman sila kahit papaano kaya okay lang sa akin yon" dugtong kupa.

"Pano kung nakita ka nya? "

"Edi yun na yung oras para mag explain" maikling tugon ko.

Napaatras naman sila ng biglang my yumakap sakin.

"Hi pogi punta ka sa kwarto ko mamaya" Malanding Ani nito kumunot naman ang nuo ko.

Tinulak ko naman ito kaya napa layo ito kasabay non ang pagpag ng polo ko.

My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now