Part 42

1.7K 49 0
                                    

"Sorry natagalan ako bumaba, ang sakit pa kasi." pag paumanhin ko sakanilang lahat kaya tumango naman sila.

"Dapat tinawag mo'ko." seryosong sabi ni ivan kaya umiling ako.

"Hindi na. Kaya ko naman ayaw na kitang maabala" sabay ngiti ko nang peke sabay pumunta sa isang bakante na upuan na katabi ni ivan. Inalalayan naman ako ni ivan maka upo pag katapos maka upo ng maayos tumingin ako sa kanya at nakita ko ang seryoso n'yang mukha.

"Busy man ako hindi tawagin mo ako, wala akong pake kung importante yung ginagawa ko. Anong silbi ko bilang asawa?" Mahaba n'yang salita kaya parang kinikilig ako bigla sa sinabi nya. Narinig kopa yung mga hiyawan nilang lahat pero tinuon ko nalang ang sarili ko sa hapag kainan.

"Sorry, a-akala ko kasi magagalit ka pag tinawag pa kita." sabay subo ko ng pagkain sa kutsara. Narinig ko pa yung malalim n'yang pag hinga na parang pinapakalma yung sarili.

Kanina kasi may tumatawag sa kanya na ka business partner n'ya ata nag ka problema kaya nung akmang tatawagin ko s'ya bigla s'yang sumigaw kaya natakot ako na baka sa akin n'ya ibuhos lahat nang galit n'ya kaya kahit masakit pa ang ibaba ko pinilit ko talaga na makababa.

Pinabayaan ko nalang muna s'ya tyaka busy din ako sa pagkain nakaka gutom yung ginawa namin kagabi.

Tapos na kaming kumain kaya ang kinakain namin ngayon ay dessert. Isusubo kona sana yung strawberry cake nang biglang my naramdaman akong kamay sa hita ko at pinipisil iyon kaya napatingin ako kay ivan na naka salubong yung kilay. Hindi ko napansin na tapos na s'ya kumain kaya pala nakasandal na s'ya sa upuan ngayon at pinapakalma ang sarili.

Ano kayang problema bakit s'ya galit? Sa akin ba or sa company?

"Don't mind me wife, continue you're eating." mahinahon nitong sabi pero halata do'n ang malamig na boses. Baka nga sa office yung problema dahil kung sa akin 'yun dapat hindi n'ya ko kinakausap.

Pinag patuloy ko nalang ang pagkain ulit at pinabayaan nalang si ivan na pisil-pisilin ang hita ko baka sakaling mabawasan ang galit nya.

Tapos na kaming kumain kaya naka sakay na kami ngayon sa van papunta na sa company. Boring ngayon dahil busy si ivan sa laptop n'ya dahil my problema daw ang company kaya tumahimik nalang ako.

Ang boring naman dito dapat pala hindi nako sumama, bweset!

"Sis..." bulong ni grace kaya tumingin ako sa likod at nakita kong may binibigay s'ya sa akin na lollipop na malaki masmalaki pa sa mga binibili na tig pipiso.

"Ang laki gagi saan n'yo 'to binili?" sabay tawa ko nang mahina habang hangang hanga sa malaking lollipop.

"Isang garapon 'yan sis, bumili ako nung pumunta tayo sa divisoria." explain n'ya sa akin kaya ngumuso lang ako bilang tugon.

" 'Di ko na pansin yun ahh... btw thank you." tumango naman s'ya sabay subo nang lollipop kaya bumalik na 'ko sa pag kakaayos nang upo ko at binuksan ang binigay n'ya.

Sinubo ko na 'yon ka agad pagka bukas palang nang lollipop, dinidilaan ko naman iyon naparang sarap na sarap.

"What the heck wife, what are you doing? tapon mo yan! Mas masarap naman yung sa akin dyan ah.... tsk!" inis n'yang sabi na ikinagulat ko dahil para s'yang batang na nalamangan sa isang bagay.

"Par, kalma alam naman naming malaki 'yan kaysa sa amin."

"Lollipop lang yan par"

Mga kumento nang mga lalaki kaya napatawa kaming lahat maliban kay ivan na nakasimangot.

"Huh? Ayoko sayang masarap pa naman." pag tataray ko sabay subo nang lollipop kasabay non ang pag hatak n'ya sa stick namg lollipop kaya todo kagat ako sa lollipop kaya nahihirapan s'yang lunin 'yon.

Dahil sa inis ko tinanggal ko yung kamay n'ya sa stick nang lollipop sabay tinignan s'ya ng masama. "Ali ano ba! Lollipop lang to pinag seselosan mo?!" Banas kong sabi kaya tumango s'ya.

"Oo, aangal ka? Isa kagatin mona wag mo nang namnamin nakaka selos." sabi n'ya na parang nag seselos na tigre kaya tumawa kami.

Pati ba naman lollipop pinag seselosan.

"luh! Nakakaasar naman Ali!" Pag mamaktol ko, para hindi na lumaki yung away mabilis ko nalang kinain yung lollipop. Lahat nalang pinag seselosan, bweset!.

Pag katapos kong ubusin nang mabilis 'yon hindu ko namalayan na andito na kami sa harap nang company kaya inalalayan ako ni ivan na mag lakad papasok sa company nya. Madaming bumabati sa amin at yumuyuko pero yung mga lalaki akala mo kung sino hindi manlang pinapansin kaya ang ginawa naming mga babae para hindi sila mapahiya, kaming mga babae ay bumabati nalang rin pabalik sa employee.

Andito na kami ngayon sa tapat ng pinto ng office ni ivan. Hindi pa kami nakaka pasok nang my biglang yumakap sa kan'yang babae na mukhang clown na parang employee lang din dahil sa suot nito.

My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now