Hala nahihirapan na syang huminga kaka iyak, tama na baka anong mangyari sa kaniya.
"Stop crying," sabay punas ko ng luha nya. "joke lang yon, ikaw kasi e" dagdag ko pa sabay tawa ko habang s'ya nakahawak na ngayon sa waist ko at nakayakap ng mahigpit.
"Binayaran kaba talaga nila para mahalin ako? Pwes dodoblehin ko 'yun kung gusto mo, mahalin mo lang ako ng totoo." Ani nito na nag pa tigil sa akin.
"Uyy joke lang 'yon kuya, dika mabiro." Aniya ni Nicole dahil parang naawa din s'ya sa kuya nya. Ikaw ba naman babayaran mo lang ang mahal mong babae para lang mahalin ka ng totoo.
"Oo nga Ali joke lang noh hindi ko kaylangan nang pera mo ang laki laki nang pera ko sa bangko hindi ko nga mabawasan." Ani ko sabay punas ng likod nya dahil pinag papawisan s'ya sa kakaiyak nya. Akala mo parang batang nag laro ng habulan dahil grabi yung pawis.
"Shhh joke lang nga 'yon." Medyo taranta kong wika dahil humihikbi talaga s'ya na parang dinibdib n'ya yung sinabi ko, hindi mo maririnig yung iyak pero yung hikbi oo pero parang pinipigilan pa nga n'ya iyon para hindi ko mahalata, pero dahil nasa lap nya ko ramdam ko yung pag angat ng balikat n'ya.
Habang hinahagod ko yung likod n'ya nag angat sya ng ulo at tumingin sa akin.
"Yung totoo, Wife?" Ani nito."Joke nga lang yon" natatawa kong saad pero s'ya nakatingin parin sa akin na parang tinitignan n'ya sa mata ko kung nag sisinungaling ako.
Napansin kong pinunasan n'ya yung mukha nya. Buti naman naniwala na sya. Sure ako mag babago nanaman yung mood neto.
"Wife." seryoso nitong ani.
Sabi na eh.
"Po?" kabado kong sabi habang kinukutkot yung kuko ko.
"Sorry na joke lang kasi 'yon" napa angat naman ako ng tingin.
Huh?
"Ali, nilalagnat ka ata." Biro ko sabay hawak ko ng noo nya.
"Wife, stop I'm not joking." sabay hawak nito sa kamay ko na kanina ay nasa noo nya.
"Ehh....bakit hindi ka nagalit sa akin? Diba ganon ka lagi pabago bago mood" Ani ko.
"Magagawa ko, eh, sinusuyo kita, malamang magalit ako edi kasalanan ko nanaman." Ani nito kaya natawa kaming lahat.
Dapat lang noh.
"Oh...sya halikana itigil n'yo na yung live at pumasok na tayo sa loob anong oras na nagugutom na 'ko" sigaw ni tito kaya tinigil na nila yung mga live nila.
Ako din nagugutom na buti naman napag pasyahan nyo pa po tito.
Tapos na kaming kumain nakilala na 'ko ng Lolo at lola ni ivan mabait ito at malakas pa higit sa lahat maganda at pogi parin sila kahit matanda na at nag kwentuhan lang kami hanggang sa inaantok na sila kaya umakyat na silang lahat pero kami ni ivan hindi pa masyadong inaantok kaya napag disisyunan ni ivan na lumabas kami, kaya ngayon andito kami sa labas dalawa ni ivan pinapanood ang buwan.
Nasa likod ko s'ya at nakayakap habang ako tuwang-tuwa habang tinitignan ang buwan na sobrang laki at ang ganda dahil ang mga gilid nito my mga bitwin na kumikislap kislap na parang nag sasaya ito.
"Ang ganda." hanga ko.
"Yep super, Wife, sana hindi na matapos itong araw na 'to, sana lagi na tayong masaya." Makahulugang saad ni van kaya napatingin ako sa kanya pero hindi n'ya 'yon napansin dahil naka tingin din s'ya sa buwan.
Ano kaya yung sinasabi nya?
"Wife, I'm happy to meet you." Ani nito kaya nag lakas loob nakong humarap sakanya at tinignan sya. "Ano bang yang mga pinag sasabi mo? Para namang may mangyayaring masama." naguguluhan kong sabi.
Kung ano ano sinasabi, parang my meaning eh.
"Nothing hindi ko rin alam yung sinabi ko. wag mo nang isipin 'yon." Wika n'ya sabay binuhat n'ya ko at pinaupo sa bato na parang terrace dito sa labas.
"I love you my, wife." Nakangiti nitong ani sabay yakap at siniksik ang ulo sa leeg ko.
" I love you too Ali ko " sabay yakap ko rin pa balik sa kaniya.
"Wife." Saad nito.
"Hmm?"
Inalis naman n'ya sa pag kakayakap sa akin sabay tingin sa akin. "Gawa na tayo baby." Parang bata nitong ani kaya pinisil ko yung ilong n'ya.
"Sus baby agad?" tumango naman agad s'ya.
"Hantay lang tayo Ali pupunta rin tayo dyan." hinalikan naman n'ya ko. "Hintayin ko yan, Wife. Sana pag nag ka anak tayo sana hindi mo s'ya ipalaglag." Medyo malungkot nitong ani.
Bakit ko naman ipapalaglag ang sarili kong anak? Tyaka sure pogi ang anak namin dahil ang gwapo ni ivan, bulag lang talaga yung iba hindi napansin ang ka gwapuhan n'ya.
"Bakit ko naman ipapalaglag ang anak natin ehh...sayang lahi mo?" Tanong ko kaya napangiti s'ya sa sinabi ko.
"Baka kasi mangyari ulit 'yon baka mabaliw na talaga ako." Wika nito kaya niyakap ko sya. I comfort him because I know he's crying now.
"Hindi 'yon mangyayari" Ani ko. Nalulungkot ako sa madilim nyang nakaraan. Ang Isang katulad n'ya sinaktan lang ng ganon, pinatay ang anak n'ya ng harap-harapan, kaya hangang-hanga ako sa kanya dahil nakayanan nya lahat ng sakit. Pero dahil don sa madilim nyang nakaraan nag bago nga lang s'ya pero naintindihin ko naman, kung sa akin 'yon nangyari baka na baliw na 'ko, pero dati hindi s'ya nangiti, cold walang paki sa pamilya, namamatay tao ngayon na ibalik ko ang saya n'ya ang daming nag bago sa kanya ng dumating ako sa buhay n'ya.
"Let's sleep na, Wife, thank you for comfort me." sabay lakad nanamin papasok sa loob ng mansion.
-THIRD PERSON POV-
"Mag pakasaya lang kayo, once na bumalik ako gugulihin ko kayo, hindi ako papayag na maging masaya kayo!" sabay bato nito ng cellphone dahil Nakita n'ya yung live kaninang hapon. "Tatakutin kita gamit s'ya, para maging akin ka ulit. Sasaktan mo ang sarili mong mahal para sa plano ko!" sabay tawa nito ng demonyo.
YOU ARE READING
My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)
Romance[Completed] Isa lang naman syang masamang tao dahil pumapatay ito ng tao kahit ano mang oras, ngunit noong nakipag arrange marriage siya sa isang maganda at mabait na babae ay nag bago ang ugali at pakikitungo nya sa tao kaya nag papasalamat ang ina...