Part 85

674 23 0
                                    

"Beh anong ginagawa mo dyan?!" Sigaw na ani nila napatingin naman ulit ako sa kubo kung nasaan kami naka tambay.

"Ahh wala my nakita lang kasi akong parang familiar! " Sigaw ko pabalik sabay lakad sa kubo. Huminto naman ako ulit para tignan ulit sa pinasukan ng lalaki kanina bago mag balak na lumakad ng tuluyan.

Parang sya talaga yong lalaki dahil possible na my kaparehas syang mata dahil naikot ko na ang loob ng resort pero Wala akong makitang ka kulay ng mata ni ivan maliban Kay tito at sa mga anak ko.

Apat lang ang asul na mata dito ang mga anak ko at si tito kaya napaka imposible na mag karoon ng ibang British na kulay asul ang mata sa resort nato dahil puro Pinoy ang nakikita namin o dumadayo sa resort.

"Beh kanina kapa tunganga ano bang nangyari?" Nag alalang ani nila lyza, umiling naman ako sabay ngiti ng peke.

"Wala, okay lang ako baka sa pagod lang" pag dadahilan ko sabay hilot sa sintido.

Ano nangyayari sa akin bakit nung tumingin sya sa akin super lagkit nito na parang kakanin, ang bilis din ng tibok ng puso ko kanina lalo na ng mapansin kong ngumisi ito kulang nalang lumabas sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas nito. Para akong kinikilig na ewan.

Napatingin naman ako ulit sa puno kung saan ito naka pwesto kanina pero wala na talaga ito, hindi na sya bumalik.

Binalik ko nalang ulit ang tuon ko sa mga anak kong nakatulog na sa pagod ngumiti at tumawa.

Tumayo naman ako sabay kuha sa gilid ng stroller na ka sya kahit apat na baby. Binuhat ko naman ito isa isa sabay lagay sa stroller.

"Halikana kain na tayo, tulog na mga anak ko" Ani ko sabay tulak nito papunta sa dinning area, naka sunod naman sila. Sinama ko na ang mga anak ko sa dinning area, nasa gilid ko naman sila habang kumakain ako, tinitignan ko ito bawat minuto.

Natapos na kaming kumain kaya nag balak na kaming umakyat sa mga kwarto namin, nag elevator naman kami dahil naka stroller ang mga anak ko para narin hindi kami mapagod.

Ako nalang ang nasa elevator dahil second, third floor silang lahat, nahiwalay ako dahil lumipat na ako sa 7th floor room 708 dahil maliit ang kwarto sa 3rd floor kung saan ako nakatira dati, hindi kasi ako makaka kilos ng maayos. Dati pwede pa kaso apat na kami my mga gamit na ng mga anak ko kaya super liit na ng space namin kaya nag balak na ako lumipat e ang merong bakante ng hotel ko ay 7th floor kaya kahit ayaw ko pumayag nalang ako.

Habang hinihintay kong mag 7th floor bumukas ang elevator sa 5th floor kaya umurong ako. Pumasok naman doon ang Isang lalaking  kasing tangkad ko lang na naka hoodie na black habang naka face mask Nakita ko naman na parang my hawak itong balisong kaya kinabahan ako. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang hawakan ng stroller ng mga anak ko sabay hinga ng malalim.

Bigla naman tumunog ang elevator. Nasa 7th floor nako, mabuti naman. Lumabas naman ako kaagad habang tulak tulak ang stroller.

Napatingin naman ako sa likod ko naka sunod ito sa akin habang my hawak na balisong kaya binilisan ko talaga ang pag lakad.

Shit

Nagulat naman ako ng biglang my sumulpot na lalaking matipuno sa Isang palikuan ng floor sabay walang alinlangan na sinapak ng lalaki ang my hawak na balisong. Natumba naman ito kaagad.

Tinignan ko naman yung lalaking sumasapak sa lalaking naka handusay na at puno ng dugo ang bibig at ilong. Ito yung lalaking nakatayo sa puno kanina na kulay blue ang mata na kamukha ni ivan, sure ako ito yun naalala ko pa ang damit nito.

Sinusundan nya ba kami?

"Tama na please wag mo sya patayin!" Sigaw ko habang ang mga anak ko umiiyak narin, napansin ko naman na tumigil ito kaka sapak sabay tayo, tumakbo naman agad yung lalaki ng pagewang gewang.

"T-thank you" kinakabahan kong ani, hindi naman ito umimik, napansin ko rin na humaharap ito sa akin kaya hinantay ko itong humarap dahil na cu-curious ako sa kanya. Ng humarap sya naka face mask ito habang my salamin na black kaya hindi ko makita ang mata nya pero alam ko ang ilong nya parehas ng Kay ivan super tangos nito na hindi talaga pinag kait ang ilong.

Alam ko naman na nakatingin ito sa akin habang naka tayo lang ng deretso.

Tinignan ko naman ang kabuuhan nito napatigil naman ako sa relo nya. Tama ako kaparehas ng akin ito parehas na prehas walang labis walang kulang. Nabalik naman ulit ang tingin ko sa lalaki ng lumapit ito, napa kapit ako sa stroller habang nakatingin sakanya. Gusto kong tumakbo pero hindi ko yon nagawa dahil parang ayaw akong paalisin ng sarili kong paa. Napansin ko naman na tumahimik ang mga anak ko.

Napatingin naman ako sa kamay nya na my binigay itong laruan pambata kaya dahan dahan kong kinuha iyon kahit kinakabahan. Nagulat naman ako ng makita ko ang sing sing nya na pang kasal kaparehas ng akin, ang maugat na kamay nya. Si ivan ito sure na ako. Bago pako mag salita bigla itong tumalikod sabay lakad ng malalaking hakbang kaya ang nagawa ko nalang sumisigaw. Hindi ko sya pwedeng habulin dahil ang mga anak ko.

"I-ivan!" Sigaw ko pero hindi ito lumingon. Sya iyon syang sya yung laki ng katawan lakad yung kamay yung sing sing at ang relo sya lang ang Meron non lalo na ang sing sing dahil pinasadya talaga. Naiyak naman ako.

"S-sya yon sure ako, pero napaka imposible dahil ang alam ko umalis ito at hindi pa sya bumabalik" Ani ko habang umiiyak. Tinignan ko naman ulit ang mga laruan na binigay nya puro pang lalaki itong laruan na my kotse kotsehan, baril at marami pa.

Nag lakad naman nako papunta sa room ko kahit gulong gulo ang isip ko.

Agad ko naman nilagay ang mga anak ko sa crib. Inayos ko naman ang stroller nilagay ko ito sa gilid ng kabinet. Tinignan ko naman ang laruan bago ito kunin, inayos ko naman ito sa mga lalagyan ng laruan ng mga anak ko. Sanggol pa lang sila pero puro tambak na ng laruan. Habang inaayos ko ang laruan nakita ko ang tatlong laruan na familiar. Isa itong teddy bear na kulay blue na naka sulat ay 'forever' eto yung gusto nyang laruan pag nag ka anak kami.

"No! No hindi sya yon baka kaparehas nya lang. Hindi na sya babalik, hinding hindi na! I hate you ivan Xavier Mendoza" Ani ko habang umiling.

Kaka isip ko na hindi sya iyon nakaramdam ako ng antok kaya humiga nako sa malambot kong kama, naka tulog naman ako kaagad.

My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now