YARA P.O.V.
Nagising naman ako na nahihilo pa konti na kita naman ang puting kisame. Napahawak naman ako sa tyan ko dahil naalala ko ang nangyari kahapon. Napatingin naman ako sa gilid andon silang lahat naka upo sa mahabang sofa, tinignan ko naman silang lahat my hinahanap ako. Si ivan. Pumunta kaya sya?.
"Mom kamusta ang mga anak ko?" Ani ko habang nangingilid ang luha tumayo naman silang lahat sabay palibot sa akin.
"Okay lang naman ang mga baby sa tyan mo, wag ka lang daw mag pa stress ng sobra sobra baka daw yun ang maging sanhi ng pag ka lalag ng isa mong anak" Ani ni mom kaya tumango ako sabay punas ng luha. Buti naman okay sila pero si ivan ang gusto kong makita.
Iniwan nya naba talaga kami ng tuluyan?
Hindi naba niya kami dadalawin?
My bago naba siya?
Mga katagang nasa utak ko.
"M-mom pumunta ba sya dito?" na gets naman agad nila ang sinabi ko.
"H-hindi anak e wala na syang p-paramdam simula ng umalis sya" utal utal na Ani mom kaya nag taka ako.
"Mom bakit ganyan ka mag salita?"
"Ahh... kinakabahan pa kasi ako ngayon sa nangyari sa apo ko, oo tama kinakabahan ako na mag sinungaling" bulong nito sa dulo kaya napa nganga nalang ako. Ano daw? sinungaling ba 'yon?. Bahala na nabibingi lang ata ako.
"Ahh... ganon po ba, kamusta na kaya sya?" lutang na saad ko. What the fuck Yara sa isip mo lang dapat yon ang tanga tanga mo. Napatampal naman ako sa nuo nang marialize ko ang sinabi ko.
"Ibig kong sabihin dapat lang na hindi sya pumunta dito dahil wala syang kwenta" galit na boses ko napilitan naman silang sumangayon.
"Uwi na tayo okay nako" aniya ko akmang tatanggalin ko na yung dex cross sa kamay ko nataranta naman sila na hinawakan ang isa kong kamay.
"Anak dito ka muna bukas na tayo uuwi" Ani ni mom.
"Okay nako mom kaya nanamin nila baby" Ani ko sabay upo.
"Dito muna tayo para make sure na okay kayo" Ani nila tito kaya wala akong nagawa. Sabing magaling nako e kaka asar naman.
"Nagugutom kaba beh?" Tanong ni Kian tumango naman ko kasabay non ang pag tunog ng tyan ko. "Sabi ko nga gutom ka" natawa naman ako.
"Ahh ano lahat ng gusto ni ivan na pag kain, diba alam nyo naman gusto non" nagulat naman ako sa sinabi ko, bakit yun yung nasa isip ko? baby naman.
"Ahh yung cake na flavor caramel tas mochino" natakam naman ako bigla sa sinabi ni Nicole. "Basta lahat ng gusto nyang pag kain yun yung gusto ng mga baby ko ngayon" Ani ko sabay ngiti.
"Sige bili narin kami ng makakain namin" Ani nila, naiwan naman yung mga magulang namin dito sa loob ng kwarto ko.
Wala namang umimik sa amin ng ilang minuto kaya piling ko para kaming nag dadasal. Humiga naman ako dahil nangangalay ang likod ko, habang nakapikit ako iniimagine ko si ivan nag salita si tita.
"Hmm..iha" ani nito sa katahimikan kaya napa upo ulit ako bago ako mag salita.
"Ano po iyon tita?"
"Mahal mo paba ang anak ko?" Napatigil naman ako sa sinabi ni tita. Para akong napipi sa mga sinabi nya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Ahh, h-hindi na po" Ani ko habang hindi nakatingin sa kanila. Napansin ko naman na tumayo si tita palapit sa akin kaya napa hawak nalang ako sa kumot ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang kamay ni tita sa kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/356702601-288-k920352.jpg)
YOU ARE READING
My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)
Romance[Completed] Isa lang naman syang masamang tao dahil pumapatay ito ng tao kahit ano mang oras, ngunit noong nakipag arrange marriage siya sa isang maganda at mabait na babae ay nag bago ang ugali at pakikitungo nya sa tao kaya nag papasalamat ang ina...