Part 34

2K 53 3
                                    

9:05 na kami naka almusal dahil sa pagod sa byahe kahapon, ngayon naka upo na kami sa upuan kumakain.

"Mamaya mag swimming na tayo gusto ko nang lumangoy" sabi ni Nicole habang kumakain.

"Oo nga pero mga hapon nalang para maganda" sabi ni lyza kaya sumangayon naman kaming lahat.

Pag ka tapos namin kumain pumunta kami sa dagat naka upo kaming mga babae yung mga lalaki naman naka tambay sa kubo naka ready na sila dahil naka suot na sila nang beach short at walang pang itaas kaya agaw atensyon sila dito lalo na sa mga babae.

Mamaya pa kasi kaming mga babae mag papalit dahil anong oras palang pero itong mga lalaki masyadong atat.

Ilang oras na kaming andito kaya nag aya na sila tita na mag palit na kami dahil anong Oras narin naman kaya ngayon naka tayo na kami.

Hindi pa kami nakakalayo sa pwesto namin may narinig kaming mga babaeng tumitili kaya tumingin agad kami sa dereksyon nila ivan at hindi nga kami nag kamali dahil yung mga grupo nang mga babae nilalandi yung mga lalaki pero yung mga lalaki wala lang imik.

Pero nagulat ako dahil biglang tumingin si ivan sa babaeng na naka two piece na kulay maroon mila ulo hanggang paa.

"Nice body and you're so beautiful miss." May pang aakit nitong sabi kaya parang nasaktan ako sa sinabi n'ya. Sexy din naman ako ah, ang sakit naman non hindi pa ba ako sapat?

"Sexy ba 'yon eh ang taba-taba tapos tignan mo yung mukha parang matanda na!" Iritang sabi ni Nicole do'n sa babae pero ito ako nakatingin lang sa kanila.

"Hayaan mo na 'yan iha mas maganda ka pa d'yan, wala pa nga 'yan sa kaling-kingan mo." sabi ni tita na nag patatag sa akin.

"Ahh... oo naman po halikana po mag palit na tayo." Pilit na siglang sabi.

"Anong susuotin mo my daughter? " Sabi ni mom habang nag lalakad kami.

"t-shirt at sickling po mom." sagot ko sa tanong n'ya habang iniisip parin yung kanina.

"Anak ang ganda ganda mo sexy pa ta's ganun lang suot mo?!" Inis na sabi ni mom sabay hinampas ako sa braso nang malakas kaya napa himas ako sa parting 'yon, nabalik naman ako sa wisyo.

"Bakit ba mom anong masama?" Irita kong sabi.

"Meron akong dala ditong two piece para sa'yo 'yon, pero kami hindi din kami mag papatalo kahit thirty plus na kami mag susuot kami nang malupet hindi nga lang two piece." mahabang sabi ni mom kaya sumangayon naman sila tita.

"Okey po mom. Hindi ako mag papatalo don sa babaeng 'yon na mukhang clown!" sabay flip nang buhok ko.

Andito na ako sa rest room nag susuot ng two piece na kulay blue pero pag tumapat sa sinag nang araw nag kukulay dark blue kaya manghang-mangha ako sa binili ni mom dahil para s'yang pasadya dahil yung design super ganda na hindi mo makikita sa mga bilihan.

Pag ka tapos kong mag palit lumabas agad ako nang rest room, sumalubong naman silang lahat na naka suot narin nang two piece at bathing suit.

Nung pumunta ako sa harap nila tili sila nang tili na parang naka kita nang artista kaya parang nahiya ako kaonti sa suot ko.

"Ang ganda sis kaya pala pinili ka ni lang model kasi yung katawan mo our glass" pag puri ni Kian kaya hinampas ko ito ng mahina sa braso.

"Ganda mo beh, uwi na tayo may nanalo na sa miss universe 2023." biro ni Nicole kaya tumawa kaming lahat.

"Eto anak i suotin mo para pag hinubad mo 'yan hot ka." sabi ni mom sabay binigay yung manipis na balabal ata 'yon kaya kinuha ko na at sinuot.

"Halikana ipa kita mo kung sino ka anak." mataray na sabi ni mom kaya inakbayan ko ito habang papuntang beach.

My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now