Part 62

1.1K 45 1
                                    

Lahat ng parent namin andito na sa sala maliban Kay Yara.

Habang naka tayo ako bigla akong sinuntok ni tito kaya dumugo yung ibaba kong labi. Pinabayaan ko lang na sinuntok nya ko dahil karapatan naman nya iyon dahil sinaktan ko ang anak nya.

"Bakit mo ginawa sa anak ko yon! gago ka! Pinag ka tiwalaan kita!" Aniya ni tito. Habang lahat sila nakatingin lang sa amin.

"I'm sorry po sa ginawa ko sa anak nyo tito. Kaylangan ko pong gawin iyon kung hindi mawawala sya sa akin." Halata namang naguluhan sila.

"Anong sinasabi mong gago ka!" Wika nito, huminga muna ako ng malalim. "Tinakot nya ko Tito,papatayin nya si Yara pag hindi ko ginawa yon, lahat yon palabas lang,mahal ko po yung anak nyo higit pa sa buhay ko. Oo inaamin ko masakit sakanya yon pero hindi ko naman kayang mawala sya sa akin. My tauhan si veron, Isang pindot nya lang sa remote lahat ng tauhan nya papatayin si yara gamit ang sniper." mahabang paliwanag ko, tumahimik naman sila.

"Pag tulungan natin siya mag hi-hired pa ako ng bodyguard para ma patay lang yung Veronica na 'yon! " Aniya ni tito kaya agad akong umiling.

"Hindi po pwede tito, kaylangan bago mangyari 'yon dapat natin itago si Yara sa malayo yung hindi sya makikita." Ani ko tumango naman silang lahat.

"Pa'no? Ayaw naman n'yang umalis" aniya ni Tito.

"Sure tito pag nasaktan ko siya ng sobra aalis siya mismo dito sa mansion I'm sure mag papatulong siya sa inyo na ilayo siya sa akin, kaya please kung ilalayo niyo siya sa akin I update niyo ko sa bawat kilos niya gusto ko walang lalapit sa kaniya na lalaki." tumango naman sila sabay lahad nila ng kamay nag shake hands namn kaming lahat.

"Dapat walang makaka alam nito lalo na si Yara" Ani ko sabay lakad pa akyat sa kwarto.

"Sana mapatawad nyo kong lahat sa magagawa ko sakanya" habol kong ani Nakita ko naman yung mom ni arkin na ngumiti ng peke.

Nung naka pasok nako sa kwarto agad akong natulog patalikod sakanya.

Nagising ako dahil sa pag gising ni veron sa akin.

Hinalikan nya naman ako kaya hinalikan ko narin sya pabalik.

"Good morning hon." Ani nito. "Morning too." walang ganang wika ko.

"Baba na tayo." tumango nalang ako sabay labas nanamin sa pinto.

YARA P.O.V.

Mag damag akong umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko lalo na nung narinig ko ang mga ungol nila kagabi. Ungol lang ni veron ang naririnig ko pero amsakit parin sa akin yon dahil sarili kong asawa nakiki pag sex sa ibang babae. Hindi ba sya nasarapan sa akin kaya sa iba nya ginawa? Hindi paba ako sapat sakanya?..

'Bakit nya ginawa sa akin to? Hindi nya ba ako minahal una palang? Panakip butas nya lang ba ako?' Mga katagang iniisip ko ka gabi habang umiiyak.

Ang sakit sakit

Hanggang sa mag umaga nalang.

Ilang oras lang ang tulog ko dahil hindi ako maka tulog dahil naririnig ko yung ungol ni veron. Na miss kona yung yakap nya sa akin, pero lahat paa yon palabas lang.

Umaga na kaya agad akong pumunta sa banyo nung nag karoon ako ng lakas. Nawala lahat ng lakas ko kagabi kaka iyak.

"Kaya mo to Yara isipin mong Wala Kang asaw-" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng biglang pumatak nanaman ang luha ko

Hindi ko kaya na kalimutan siya, madami na kaming pinag samahan pero lahat yon ako lang naging masaya.

Nung napagod nakong umiyak sa banyo agad akong bumaba, na abutan ko naman silang lahat na nag bre-breakfast na. Napatingin naman ako Kay ivan na nakatingin narin sa akin ng seryoso. Ako na mismo ang umiwas sa tingin nya dahil wala ata syang balak na iwasan ang titigan namin.

Tumabi nalang ako sa tabi ni Dad. Nang akmang kukunin ko na yung hot cake hinampas ng pinsan ni Arkin yung kamay ko kaya napa tigil ako, sabay tingin sakanya.

"Bakit? Btw good morning" sabay ngiti ko ng peke nakita ko naman si ivan na masamang nakatingin sa amin. "Good morning too,ako na kukuha sabihin mo kung ano yung gusto mo." sabay ngiti neto. Sweet naman nya sana ganyan din sya dati kasaya ngumiti habang pinag hahandaan nya ko. No! Yara tumigil kana.

"Hotcake at bacon lang muna" Ani ko ngumiti naman muna sya bago kumuha ng tatlong bacon tyaka dalawang hotcake. "Thank you" nahihiya ko pang ani. "My pressure beautiful lady" Ani nito kaya bigla akong napa Iwas dahil feel ko ay namumula nako.

"Uyy namumula" Asar nito sa akin kaya tinakpan ko buong mukha ko sabay iling. "Hindi no" Ani ko. Masaya pala sya kasama kala ko masungit. Piling ko tuloy safe ako pag kasama sya.

"Kumain nalang kayo di oras ng landian!" Sigaw bigla ni ivan.

Tumahimik nalang kami hanggang sa natapos na kaming mag breakfast.

Ngayon andito kami sa sala nila tita habang lahat ng babae at lalaki tyaka Sila tito bigla nalang lumabas mag papahangin lang daw,hindi nako naki sama dahil kasama sya,hindi ko sya kayang harapin.
Habang nanonood kami ng Scarlet heart my narinig kaming nag sisigawan sa labas ng akmang tatayo nako para lumabas may mga humakaw sa braso ko kaya napa upo ulit ako.

"Baka sa kabilang bahay lang 'yon iha" sambit ng mom ni arkin.

"Oo nga dito ka nalang iha pag patuloy nalang natin" sang ayon naman ni tita kaya tumango ako.

"Baka nga po" Aniya ko nalang sabay ayos ng upo.

Pina bayaan ko nalang yung narinig ko kanina baka nga sa kabilang bahay lang iyon. Delikado na baka mamaya sabihin kababae kong tao chismosa.

Habang nanonood kami dito nila tita biglang bumukas yung pinto kaya na agaw yung atensyon namin doon.

Silang lahat iyon sabay napalingat ako Kay ivan, napansin kong salubong ang kilay nya habang naka pulupot yung kamay ng Veronica sa braso nya. Umupo naman ito sa Isang sofa na nasa gilid ko habang naka upo si veron sa lap nya. Sila tito at sila grace sa isa pang mahabang sofa.

Napa iwas ako dahil hindi ko kayang makita iyon.

Ako sana yung nasa lap niya eh.

Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pinapanood ko sabay kain ng pop corn. Habang nanonood ako nagulat ako dahil my tumabi sa tabi ko kaya napatingin agad ako doon. Si james mag ka salubong yung kulay habang pinupunasan yung dugo sa gilid ng labi nya.

Anong nangyari?

"Hoy gagi ka, anong nangyari d'yan?" Alala kong wika kaya napa hawak ako sa sugat ng labi niy. Ang hindi ko alam nung sumigaw na 'ko nakatingin na silang lahat.

"Ahh wala nakagat ko lang yung labi ko" Saad nito kaya tumango ako. Parang hindi 'yon kinagat grabi naman yung dugo, para s'yang sinuntok. "Wait gagamutin ko 'yan" Saad mo sabay agarang tumayo para kunin yung first aid kit sa loob ng kabinet dito sa sala. Nung nakuha ko na iyon agad akong umupo ulit kung saan ako kanina umupo sabay baba ng kit sa lamesa sabay harap sa kanya.

"Ikaw kasi hindi nag iingat." sabay dampi ng betadine kaya napa Singhal siya.

"Ouch be careful, it's hurt" Aniya nito na halatang na saktan dahil nilayo niya yung mukha nya. "Sorry. Wag kang umurong ginagamot ko 'di ba?!" sabay urong ko ng upo sabay dampi ulit ng bulak na my betadine.

Nung natapos ko na s'yang gamutin niligpit ko na lahat ng kalat na ginawa ko sabay balik ng kit sa dati nitong lalagyanan. Sabay balik ulit sa upuan ko.

"Okey na 'yan" usal ko ngumiti naman ito.

" Thank you, libre nalang kita ng pagkain na want mo mamaya pag katapos manood." tumango naman agad ako kaya tumawa sya. Wala na akong pake kung andito silang lahat nakatingin sa amin basta ang nasa isip ko lang ay pagkain.

"Sige, yes first time mokong nilibre ah." Aniya ko tumawa naman ito. Pinitik naman niya ako sa nuo pag katapos n'yang tumawa. "Manood kana ulit pasaway" Saad nito kaya tumango nalang ako.

Habang nanonood ako napalingat ako dahil napansin kong sinubuan ni veron si ivan kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko. Yung ngiti nya parang hindi ko nakita iyon, naka ngiti sya na abot langit.

Wala naba talaga?

My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now