Part 32

2.1K 55 0
                                    

Seven na nang gabi naka punta kami sa resort kaya ang binalak nalang namin ay mag dinner at ipag pa bukas nalang daw ang pag swimming, at mag barbeque nalang.

Kahit mayayaman kaming lahat hindi kami nadidiri or na a-allergy sa mga Streets food dahil yung mga mom and dad namin laki sa hirap, naging mayaman lang sila dahil sa pag sisipag kaya kami namang mga anak sinanay din.

Andito na kaming lahat naka upo hinahantay yung mga babae dahil nag palit sila nang damit pero super tagal nila, kami ilang minuto lang nag palit nang damit pero sila mag dad-dalawang oras na.

"Ang tagal naman nila" maktol ni david habang nilalaro ang tinidor.

"Oo nga ano bang ginawa nila?" Tanong ni jay.

"Ahh... mamaya andyan na 'yon hantayin n'yo lang." Singit sa usapan ni tita Sandra habang kakarating lang nila.

Nag katinginan naman kaming mga lalaki dahil napansin naming mga
Lalaki parang my tinatago yung mga babae.

Mga tinatago ba sila?

YARA POV

Nung pupunta na sana ako sa dinning area biglang may humatak sa pulsuhan ko, sila tita.

"Kayo po pala mga tita, mom snan n'yo ko dadalhin?" Taka kong sabi habang pinapabayaan ko sila na hatakin nila ako kung saan.

"Sumama ka samin, bilisan mo naman mag lakas hinihintay ka na nila Nicole doon." Sabi naman nila tita na pilit binibilisan ang pag lakad.

"Po? Ano bang gagawin natin do'n?" Takang Tanong ko.

"Mag papalit ka din nang nighties dress para pare-parehas tayong lahat." sabi nang mom ni lyza.

"Baka po magalit sa akin si ivan."

"Hindi 'yan iha kami bahala, dapat lahat tayong mga babae naka nighties dress para malupet, lahat kami naka suot nang ganto ta's ikaw lang nakaka iba ayy hindi pwede 'yon dahil ikaw ang pinaka maganda at sexy tapos magiging lusyang ka lang dinaig mo pa kami." mahabang sabi nang mom ni jay kaya sumang ayon naman sila kaya nahiya ako kaonti.

"Okay po." nasabi ko nalang dahil sa hiya ko.

Nakakahiya mukha na pala akong lusyang dahil sa mga sinu-suot ko, Arghhh bweset ka ivan!

"Andito na s'ya" sigaw nila tita sabay binigay ako sa mga kaibigan ko

"Yun halikana, kami na po bahala dito mga tita thank you balik na po kayo dun para hindi tayo mahalata nang mga lalaki" sabi ni Nicole kaya tumango naman ang mga babaeng mga magulang namin.

Jusko parang mga twenty's lang sila kung maka asta.

"Sige bye, gandahan n'yo yung nighties n'ya yung kulay red." sabi nang mom ni Jamaica kaya sumangayon naman sila.

Kami nalang ang nandito sa loob ng cr kaya nag katitigan kaming lahat.

"Anong meron?" Tanong ko.

Madami dami kami sa loob ng cr dahil andito rin ang mga Kapatid ng mga kaibigan namin na babae.

"Aayusan ka namin sis hindi kami papayag na ganyan lang suot mong pang lusyang" maarteng sabi ni pia kapatid ni Jamaica.

Pag kasabi non my binato silang dress na kulay pula na fit na pang tulog.

"Suotin mo 'yan girl wag kang kj" wika ni Nicole kaya wala na'kong nagawa at pumasok nalang sa banyo.

Nung nasuot kona na yung dress naiirita ako dahil napaka ikli hindi kagaya nang mga sinu-suot kong nighties hanggang taas nang tuhod eto kasi hanggang gitna nang hita ko kaya napaka ikli pero bumagay naman sa maputi at maganda kong katawan.

"Ang ikli para naman tayong mga pok-pok" iritang sabi ko habang inaayos ang laylayan nang nighties ko.

"Gagi ang sexy mo." hangang sabi ni grace sa akin kaya nag thank you ako.

"Wala na may nanalo na, uwi na tayo" biro ni Kian na parang aalis talaga kaya nag tawanan kami sa loob nang banyo.

"Ikaw talaga, halikana." Pag aya ko sabay bukas nang pinto pero hindi ko pa nabuksan yung pinto my humawak sa pulsuhan ko kaya napa harap.

"Bakit? My kulang pa ba?" Tanong ko.

"Sis balabal oh... para hindi ka masyadong pagalitan tyaka tsinelas." sabay bigay sa akin nang balabal dahil kitang kita kasi yung kalahati ng suso ko pero dahil malupet ako gagaya ako sa kanila na walang balabal kaya binalik ko nalang to sa plastic at sinuot na ang tsinelas na my takong na 1 inches at nag make up lang ako nang light ta's tinalian nila ako kaya sobrang mangha na sila sa akin.

"Tangina beh, ikaw ba 'yan? Parang hindi ka nanamin kilala." sabi ni Nicole habang jindi mapinta yung mukha dahil sa mangha sa akin.

"Huy mga laway n'yo" biro kong wika sabi sabay kunyaring pinunasan ko yung mga bibig nila.

"Babaliko ata ako sa'yo" sabi ni Jamaica kaya hinampas ko s'ya sa balikat nang mahina.

"Mahal na ata kita aking Yara." lalaking sabi ni Kian kaya nagulat kami dahil ang hot nang boses n'ya na baritonong nakaka inlove.

"Boses mo 'yun Kian? Grabi ang hot shit." sabi ko sabay yakap sa kanya.

"O my gosh lumayo ka girl may anak na ako at baka hindi ako makapag timpi patulan kita." sabi nya kaya na palayo ako sa kanya.

Lumapit naman si Nicole kay Kian at niyakap agaran niyakap ang braso ni Kian . "Halikana Mamaya nalang kita se-seduce" malanding sabi ni Nicole kaya tawa kami nang tawa habang nag lalakad kaya yung ibang tao na pupunta nasa amin yung atensyon,

Ikaw ba namanng mag babarkada naka suot nang nighties dress hindi ka tititigan.

Andito na kami sa eating area nang resort nakita naman namin sila tita na kumakaway kaya pumunta na kami.

Pero nang akmang uupo na ako bigla akong pinigilan ni ivan kaya napatigil ako, lahat naman nung nasa table nakatingin na sa amin.

"Sorry miss pero dito yung asawa ko, sa iba ka nalang umupo." malamig na wika nito.

"Ali, it's me" sabi ko sabay ngiti pero nagulat ako dahil kumunot yung nuo n'ya.

tinignan naman n'ya ko nang mabuti mula ulo hanggang paa. "Niloloko mo ba ako?!" inis n'yang sabi kaya napa hawak ako sa leeg n'ya at hinimas iyon kaya dun n'ya lang ako nakilala na ikina gulat n'ya.

"What the fuck wife bakit ganyan suot mo, yung buhok mo!" Inis n'yang sabi sabay hubad nang jacket agad naman n'yang nilagay 'yon sa akin.

"Why masama ba? Sabi kasi nila mag suot din daw ako." Sabi ko.

"Sino nag isip neto?!" Sigaw n'ya buti nalang kami-kami lang yung nandito.

"Kami!" sabay-sabay na sabi nang mga babae dito sa table habang naka angat pa yung mga kamay nila.

"Lahat kayo"
"Sabi na eh"

Mga kumento nang mga lalaki pero itong si ivan naka kunot yung noo habang namumula yung leeg.

"Mag palit ka! Lahat kayo kung gusto n'yo mag suot n'yan kayo na lang wag n'yong idinadamay yung asawa ko!" Sigaw nito habang namumula na ito sa galit.

"Ayy... dapat lang na kasama s'ya dahil ginagawa mo s'yang lusyang sa suot n'ya" sabi nila tita kaya nawala yung galit ni ivan napalitan nalang ito ng seryoso kaya napaka pogi n'ya dagdagan mo pa yung salamin at polo n'ya na sobrang bumagay sa kanya.

"Mag palit ka!" Galit na wika nito sabay turo sa cr.

"Ayaw ko." sabay upo ko sa katabing upuan n'ya.

Pero nagulat ako dahil bigla n'yang pinaharap yung upuan ko at hinatak pa punta sa kanya kaya napa buka ako kaonti, nilapit naman n'ya yung mukha n'ya sa tenga ko.

My Ruthless Cold Mafia Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now