𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 6

3K 29 0
                                    

🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥 ::

    Mabilis na lumipas ang mga araw.. Minsan ay sinusundo pa rin ako ni Reed sa hospital at hinahatid sa bahay..

    Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ni Reed si Ax kaya hindi pa niya alam ang tungkol sa anak ko..

  Wala namang ibang nagyari sa mga nagdaang araw.. Normal lang ang takbo ng lahat..

   Ngayon ay narito kami ulit sa park malapit sa hacienda Dela Tore. Ang sipag maglakad ni Ax kaya napapadpad kami dito kahit medyo may kalayuan sa bahay..

  Naglalaro lang siya habang naka tanaw lang ako sa kanya. Hindi naman kayuan ang pwesto niya kaya madali lang akong makakalapit kung sakaling madapa siya..

TING !

  Napatingin ako sa phone ko ng tumunog yun. It was Reed asking me kung busy ba ako.

  Sinabi ko sa kanyang hindi. Akala ko magrereply ulit pero tumawag na siya.

"Napatawag ka??"

"Nasaan ka?"

  "Park!"

"Park?? Near hacienda?"

  "Oo.. Bakit? Nasaan ka ba?" Tanong ko sa kanya

  "Bahay.. Magpapasama sana kami sayo ni Zane eeh.. Pero pupunta na lang kami jan!"

  "Si-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinatayan na ako ng tawag.

  Baliw talaga ang isang yun! Basta na lang nagpapatay ng tawag kahit hindi pa ako tapos magsalita..

  Maya-maya ay may tumabi na sa akin dito sa bench!

"Sinong kasama mo?? Go and play basta mag-iingat ka lang!" Saad niya sa bata

   Umalis naman si Zane dala ang laruan niya.. Nakatingin lang kami sa mga bata,mahirap na baka makalusot sila sa amin.

  "Yun oh!" Turo ko kay Ax na naglalaro ng car niya

  "Ha? Bata?? Anak mo or pamangkin??" takang tanong niya

"Anak ko!"

"So you are married??"

  "May nakikita ka bang sumusundo sakin na iba?? May kasama ba ako ngayon?? Di ba wala??" Saad ko na ikinatango niya

  "Aah.. Okay.. Sabagay hindi ka naman na siguro papayag na sunduin kita kung may asawa ka na!" Tumango na lang ako sa kanya

   Habang nag-uusap kami ni Reed ay may biglang nagkagulo sa pwesto ng mga bata.. Pati mga magulang na nandun ay nagsitakbuhan na rin.

  "Oh my goodness anong nagyari!! AX ZANE!!" sigaw ko sa dalwang bata. Patakbo na kaming lumalapit sa mga kumpol ng mga tao

  "Nahulog yung bata!"

"Tumawag kayo ng tulong dalian niyo!"

  "May dugo na!"

  Grabe ang kalabog ng puso ko habang palapit sa mga bata. Hinawi ko yung ibang mga magulang at hinanap ang dalawang bata.

"Nakita ko na si Zane!" Saad ni Reed kaya hinanap ko din si Ax.. Jusko saan na ba siya napadpad??

   Naghanap ako pero wala talaga kaya naiiyak akong bumalik sa bench kung saan kami naka upo kanina ni Reed. Magpapatulong ako sa kanya na hanapin si Ax.

   "Reeeed!!" Sigaw ko at kumaway siya

  Paglapit ko sa kanila ay dalawang bata ang nasa gilid niya. Kumakain ng ice cream.

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon