🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥"Mommy wake up!! Tanghali na..."
"Mommy...mommy..."
Naalimpungatan ako sa boses ng mga bata kaya nagmulat ako ng mga mata..
Nakapantulog pa lang sila kaya inabot ko ang phone ko sa bedside table para tignan ang oras..
"Good morning mommy!"
"Good morning mommy.. Come on get up now mommy!"
Alas otso ymedya pa lang kaya bumangon na ako.
"Si daddy?" Tanong ko sa mga bata kasabay ng pagbukas ng pinto.
"I'm here! Good morning baby! Come over kids have your breakfast now! Baby fix yourself and come over too!"
Tumango na ako at binaba sa kama ang mga bata tsaka ako tumungo sa banyo..
Paglabas ko ay apat na sila kasi kasama na nila si Jared..
"Oh Jared is here! Good morning young man!" Bati ko sa bata
"Good morning tita!"
"Kumatok siya kanina akala ko si Reed. Hinahanap pala niya sina Ax.." Saad ni Quintin kaya tumango ako
"Sige kain na tayo!"
Nagsikain na nga kami habang nagkukulitan.. Mabait na bata si Jared hindi tulad ng kanyang ina.. Kung gaano kabait ang anak niya ay siya namang kasama ng ugali niya.
"Baby after we eat you go back to your mom because we have to do something important,okay?" Bilin ni Quintin kay Jared sa kalagitnaan ng kain namin.
"Sasama po ba si Kuya at Ax?" Inosenteng tanong niya
"No baby.. Kayo na muna ni kuya ang maglalaro later kasi may kailangan gawin si Ax.."
"Yes Jared we're going to play at my room while waiting for Ax to come back!" Saad naman ni Zane
"Okay kuya.."
Matalino si Zane kaya alam niya ang lahat.. Kahit bata pa lang pero parang matanda na kung mag-isip at magsalita..
Pagkatapos nga ng breakfast ay nagkanya-kanya na kaming ginagawa. Nagtungo na rin sa kwarto si Zane at Jared.. Ibibilin na lang namin sila mamaya..
"Kuya aalis na kayo??" Salubong ni Reed ng madatnan namin siya sa sala
"Oo kaya ikaw muna ang bahala sa dalawa.. Nasa kwarto sila ni Zane.." Bilin ni Quintin
"Sige.. Pagbalik niyo na lang tsaka ako aalis!"
Pagdating namin sa laboratory ay hindi na mawala wala ang kaba ko.. Parang gusto ko na ayaw ko ng ituloy.. Damn!
Pero gusto kong makasiguro kaya sige lang.. Gagwin pa rin namin to..
"Mr. Dela Tore and mr. Cruz!"
Agad akong napatayo ng tawagin na kami ng doctor..
"Let's go baby!" Tawag ko kay Ax at inabot ang kamay niya
"Tara na mommy!"
Pumasok na mga kami sa loob at gaya nung naunang test kay Reed at Ax mabilus ding natapos sina Quintin..
"Tatawag na lang po kami ulit kapag lumabas na po ang result!" Saad ng doktor kaya tumango naman kami
"Sige po doc! Mauuna na po kami.."
"Okay mr. And mrs. Dela Tore.."
Lumabas na kami at nagtungo muna sa isang resto.. Kasi kanina pa angal ng angal si Ax.. Gutom na daw mga alaga niya sa tiyan kaya dinala na namin sa restaurant para makakain na...
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...