𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 18

2.3K 21 0
                                    

🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥

     Naalimpungatan ako kinabukasn dahil ramdam ko na parang may naka titig sa akin.

  Hindi nga ako nagkamali,pagmulat ng mga mata ko I saw Quintin sitting at the sofa while staring at me.

  "Stop doing that! Gusto mo bang mawalan ng mommy ang mga bata kapag natunaw ako sa titig mo?!" Turan ko habang papikit-pikit pa ang mga mata ko

  "Ofcourse not! Good morning baby!" He greeted me and gave me a fast kiss on my cheeck

"Good morning!" Inaantok kung sagot

  "What do you want for breakfast? Let's eat together with the kids!"  Anong oras na ba? ANg aga pa naman yata..

  "Anything that you want us to eat!" sagot ko na lang

"Okay fine baby.. Stay there and wait for me."

  "Hindi pwede,I need to see lolo,what time is it?" Akmang tatayo na sana ako ng pigila niya ako

  "Baby stay... It's already eight in the morning.. And lolo is having his coffee at the garden. Pinaalam naman kita." Naku naman! Nakakahiya kay lolo neto eeh!

  "Jan ka lang,I'm just going to cook and bring it here. Sabay na tayo ng mga bata,okay?" Tumango na lang ako sa kanya at bumalik sa pagkakahiga inaantok pa rin naman ako.

    Parang nabaliktad yata ang mundo. Dati ako nagpapasunod sa kanya pero ngayon ako na ang sumusunod sa kanya. Hays!

    Hindi nga nagtagal ay nagising na rin ang mga bata kaya inakay ko na sila sa banyo para gawin ang morning routine..

   Sakto paglabas namin ay nasa center table na ang breakfast. Masiglang tumungo doon ang mga bata para tignan ang pagkain.

  "Wow! Beakfast in room! Dada you cook these??"

"Dada taste good!"

   "Haha.. Just eat kids.. By the way you forgot something! Naka kita lang kayo ng food nakalimut na kayo!" Turan ni Quintin

  Nagkatinginan pa sina Ax at Zane bago sila sabay na lumapit sa dada nila.

  "Good morning dada!!" Sabay nilang bati at humalik sa magkabilang pisngi ng kanilang dada

   Bumalik na sa pagkain ang mga bata kaya tumabi na rin ako sa kanya.

  "How about you baby??" Bulong niya sa akin

"What? I greeted you already.." Bulong ko din pero tinuro niya ang kanyang pisngi

  Tinignan ko ang mga bata pero busy sa pagkain kaya akmang hahalik na ako sa pisngi niya ng lumingon siya,so ending I kissed him on his lips.

   Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako at kinindatan. Naparolled eyes na lang ako sa kanya.

   "Mi kailan po tayo pupunta sa beach?" Biglang tanong ni Zane

"Ha? Ewan ko sa daddy niyo baby. Finish your food muna bago natin pag-usapan yan." Utos ko na ikinatango niya

  "Mommy may work ka pa po ba?" Tanong naman ni Zane

"Yes baby."

  Hindi na sila umimik at tinapos na ang pagkain.. Tsaka sila umupo sa may sofa at tumingin sa amin.

  "Bakit?? May problema ba?" Tanong ko sa dalawang bata

"Mi kailan po na wala kang work?"

  "Sabi niyo Mi pasyal tayo sa beach?"

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon