𝓒𝓱𝓪𝓹𝔂𝓮𝓻 55

1.6K 18 0
                                    


🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥

Nag-aalala talaga ako kay Quintin kaya ng sabihin ni Reed ang room number niya ay inunahan ko na siya sa paglalakad.

Nasasabik na rin akong makita si Quintin kaya halos takbuhin ko na ang hallway makarating lang sa tapat ng hospital room niya.

  Pagdating ko sa tapat ng pinto ay kumatok muna ako at agad na binuksan ito.

Kaso para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ang taong mahal ko.

  Nanatili lang akong parang estatwa sa may pinto. Hindi ko rin malingon o masagot si Reed kahit tinatawag niya ako.

"Kuya!!" Sigaw ni Reed sa kapatid niya

  Doon ko lang naramdaman na kumukulo na ang dugo ko sa mga taong magkahalikan kani-kanina lang..

  Oo,nadatnan ko si Quintin at Angela na nagsasalo sa iisang halik nila sa isa't isa..

  Napakuyom ako ng palad at sinugod si Angela..

"Walanghiya kang babae ka!! Haliparot ka!!" Sigaw ko at hinila bigla ang buhok niya.

  Wala na akong pakialam sa mga kasama namin.. But Quintin tried to stop me pero hindi natuloy dahil hinarang siya ni Reed.

"Bitawan mo ako! Ang kapal ng mukha mo!! Aray!!"

"Buburahin ko na talaga ang mukha mong hitad ka!! Nawala lang ako saglit, sumawsaw ka na agad! Bwesit ka!!"

  Nakikipagsabunutan lang siya sakin pero dahil sa hindi ko na talaga makontrol ang sarili ko. Hinila ko na siya sa lapag.. Pero lumalaban siya kaya hindi ko  mailapat sa sahig ang mukha niya.

  Babawasan ko lang kakapalan ng mukha niya!!

"Arayyy!!" Hiyaw niya ulit ng sinipa ko ang paa niya

I took the opportunity to punch her stomach! Kahit papaano may alam ako sa pakikipaglaban. Lolo trained me when I'm still at my younger age!

Napadaing si Angela ng sobra kaya napabitaw siya sa akin. Inangat ko ang baba niya at buong lakas kong sinampal ang magkabilang pisngi niya.

  Natumba siya at napasalampak sa sahig. Putok na ang labi niya at akmang lalapitan ko ulit siya ng hilain na ako ni Reed.

"That's enough Mori.. Ang dami mo ng kalmot.." Awat niya sa akin pero hindi ko siya pinansin

"Ano?! Nabawasan na ba ang kakapalan ng mukha mo at kati ng katawan mo??!!" Duro ko pa kay Angela na nakangisi pa

"Pasalamat ka iyan lang ang inabot mong haliparot ka!!"

"Why?? Galit ka kasi nakukuha ko na si Quintin sayo?? Huh! Iniwan mo siya kahit alam mong depress ang tao tapos ngayon babalik ka?! Para idepress ulit siya?? Ikaw ang may makapal ang mukha Mori! Makasarili ka!!"

"May asawa na yung tao itatak mo yan sa kukute mo. Kung nangangati ka,maghanap ka ng iba!! Tangina mo,malandi ka!!" Sigaw ko pa rin sa kanya

Masama na kung masama pero pagmamay-ari ko ang kinakalantare niya!! Sinong hindi magagalit ng sobra?!

"Mori tama na.."  Sumamo ni Quintin sakin

Hinarap ko siya at masamang tinitigan ng ilang sandali bago ako lumapit sa kanya ng tuluyan.

"Mori,calm down.." Pinagitna pa ni Reed ang braso niya sa pagitan namin ni Quintin.

Kinalma ko muna ang sarili ko dahil ayokong saktan si Quintin kahit gusto ko na siyang pagsasampalin..

"Bakit Quintin..?? Bakit??" Tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

  Akala ko magiging okay na kami.. Pero literal na akala lang pala yun..Dahil ang totoo ay hindi!!

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon