🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥
Kinabukasan ay nadatnan ko si Mori sa kusina na nagluluto. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako pansin.
"Good morning!" Masiglang bati ko
"What's good in this morning?" Malamig niyang turan
"Seeing you like that! Cooking just the normal days!" Sagot ko
"I need to.. Because I have kids expecting me.."
"Mori can we talk?"
"You're already talking to me Reed!"
Hindi ko alam kong anu ang tumatakbo sa isip niya. Pati ba sa akin galit siya?
"Mori look.. Kung galit ka sa akin I can explain everything in behalf of my brother. I didnt tell you because I respect my brother's decision." Paliwanag ko pero nanatili oa rin siyang naka talikod
"I know may mali ako pero sana maintindihan mo yung side ko. Ayoko lang pangunahan si kuya. Dinadamayan ko lang siya sa lahat ng bagay pero hindi ang pangunahan siya.."
Patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa pero alam kong nakikinig siya dahil pabadya-badya siyang tumitigil...
"Oo nung una natakot din ako para kay kuya. Mahal na mahal ka ni kuya kaya kinabahan at natakot siya ng malaman namin about Angela. She's a spoiled brat and we're afraid na saktan ka niya. Sana maintindihan mo kung bakit nagawa ni kuya na hindi sabihin agad.."
"Reed naiintindihan ko. Pero natatakot ako.." Naiiyak niyang sagot pagkaharap sakin
"For what Mori?? Kuya loves you so much I know and I can see it! Para saan ka pa natatakot??" Takang tanong ko
"Reed maraming bagay ang kinakatakot ko. Nung sinabi sa akin ni Quintin na nakita na niya ang babaeng iyon. Doon pa lang takot na ako.. Reed matagal na niyang hinahanap yun anong laban ko dun na matagal na niyang minahal yun."
"Mori.. Mori wala ka bang tiwala kay kuya?"
Ngumiwi si Mori.. Kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Nagkakamali ka Reed.. Hindi sa wala akong tiwala. Mahal na mahal ko ang kuya mo. Pero hindi mo maaalis sa akin ang kabahan at matakot.." Malungkot niyang saad kaya napabuga ako ng hangin
"Bakit kasi di mo na lang ipaubaya lahat ng ito kay kuya. Kalma ka lang at huwag ng isipin yun,makakagulo lang sa inyo yun eeh.. Magtiwala ka lang kay kuya,malalampasan niyo din to. Iyon ang nararapat mo lang gawin sa ngayon!"
"Reeeeeed..." Madiin niyang turan sa pangalan ko
"Reed hindi mo ako naiintindihan. Sabagay hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo pa naranasan ang magmahal!" Seryoso at malamig niyang turan
Para akong nainsulto sa sinabi niya lalo na sa paraan ng pananalita niya.
"You're the one who can't understand here Mori! Ikaw lang ang iniisip ng tao kaya niya nagawa yun! Tsaka isa pa hindi niya lang agad sinabi ang totoo pero wala naman siyang maling ginagawa!" Hindi ko na rin napigilang medyo tumaas ang boses ko
"Reed isa akong ina,yung bata ang kinakatakot ko!" Tuliyan ng umiyak si Mori kaya parang may kung ano sa puso ko na tumusok
"Reed natatakot ako na baka mag-iba ang trato niya kay Ax kapag dumating yung time na dumating na dito ang mag-ina niya. Dugo't laman niya yun Reed pero ang anak ko hindi! Ayokong dumating sa point na masasaktan si Ax. Hindi ko kakayanin yun Reed. Di na baleng ako ang masaktan huwag lang ang anak ko." Turan niya sa kabila ng kanyang iyak
"Hindi mangyayari yun. Kilala ko si Kuya Mori. He treated your son like his own son at mahal niya si Ax. Stop thinking negatives Mori. Huwag mong pangunahan ang mga pangyayari.parehas lang kayong masasaktan!"
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...