🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥
Nagising ako dahil naramdaman kong wala akong katabi kaya bumangon ako para hanapin si Quintin..
Gabing-gabi na pero wala pa siya dito.. Saan ba nagsusuot ang taong yun??
Paglabas ko sa hallway ay napatingin ako sa may veranda.. Dapat sa kwarto ako ng mga bata pero naka bukas kasi ang pinto kaya doon muna ako pupunta..
Pagdating ko doon ay nakita ko si Quintin na parang tinutulak palayo si Reed kaya dumiretso ako..
Nakita ko naman ng tuluyan si Angela na pasugod sa magkapatid..
Nag-aaway ba sila ni Reed??
Akmang hahablutin ni Angela ang likod ni Quintin ng mabilis kong nahawakan ang kamay niya at hinila siya tsaka pabagsak na binitawan ang kamay niya..
Na-out balance siya kaya napahiyaw siya kasabay ng pagkasalampak niya sa lapag! Lampa ka din eeh! Hmpt!
"MORI!!" Gulat na turan ng magkapatid ng humarap silang pareho.
"Walanghiya ka talagang babae ka!!" Hiyaw ni Angela ng makatayo na.
Lumapit si Angela sakin pero humiyaw si Quintin.
"Huwag!" Sambit niya tsaka tumakbo palapit sakin.
Hindi ko naman aatrasan ang babaeng yan kung di lang pumagitna si Quintin.
Lumapit na din si Reed kay Angela at tinulak ito palayo sa amin.
"Reed huwag!" Sambit ni Quintin
Magsisimula na namang magbangayan yung dalawa kaya napangiwi na lang si Quintin.
"Stay here baby,please..." Sumamo niya pero hindi ako kumibo..
Hinayaan ko lang na iwan ako ni Quintin at lumapit siya kina Reed.
"Ano ba Reed that's enough!" Awat niya kay Reed na halatang pigil na pigil na huwag suntukin si Angela
"Damn that crazy woman! I'm gonna kill you! Pasalamat ka babae ka!" Duro niya ni Reed kay Angela,gigil na gigil na eeh..
"Hindi ako aatras kahit babae ako! Bakit porke't babae lang ang kaya mo kala mo naman matatalo mo ako?!"
Ang kapal din talaga ng pagmumukha ng babaeng ito.. Akala mo kung nasa teritoryo niya. Tsk!
"Quintin look oh, ang sakit na ng kamay ko dahil sa kapatid mong iyan! Huhu" pag-iinarte ni bruha
Nagpantig ang tenga ko sa narinig kong kalandian ng babaeng to. Susugurin ko na sana pero napatigil ako ng magsalita si Quintin.
"You better go back inside Angela kong ayaw niyong itali ko kayong dalawa jan!" Banta ng asawa ko sa kanya sabay turo sa isang upuan.
"Yuck! Over my dead body! Hindi ako papagapos kasama ang gay na yan! Tse!"
Nagflip pa ng buhok ang bruha tsaka padabog na nagmarcha papasok sa loob ng bahay.
"Tangina!! Masasakal ko na talaga ang babaeng yun! Kunti na lang talaga nasapak ko na yun!" Dabog naman ni Reed tsaka pabagsak na umupo sa silya
"Babae yun! Yan tuloy nasabihan kang bakla!" Hindi ko alam kong natatawa ba o hindi si Quintin ng sambitin niya yun kaya napangisi ako.
"Edi pinatunayan mo sana sa kanya!" Hirit ko naman tsaka umupo sa katabi niyang silya
Nagpanggap siyang parang nasusuka kaya nagtawanan kami ni Quintin.
Hays! Nawala tuloy ang inis ko kanina.. Haha Itong si Reed kasi lahat na lang pinapatulan niya..
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...