🅐🅝🅖🅔🅛🅐 🅟🅞🅥Hindi maaari to!! Hindi ako papayag na masira ang lahat ng plano ko!
Kung bumaliktad na si Victor kailangan ko na ring pakilosin ang iba para makuha lng ang mga dokumentong binigay niya sa iba!!
Hindi ko hahayaang maka lusot yun sa akin!
"Kumilos kayo ng maayos! Dapat makuha ang mga dokumentong nasa kamay ng sino mang tao yun!" Utos ko sa kausap ko sa cellphone ko
>Pero maam mailap po siya. Wala ng naka sunod sa kanya kagabi. Magaling tumakas!
"Bobo ka ba?? Edi hanapin niyo!! Halughugin niyo ang buong pilipinas kong kinakailangan! Huwag kayong tanga! Kaya nga binabayaran kayo ng malaking halaga eh!" Inis kong turan.hays!
>sige po maam. Maghahanap ulit kami ngayong araw!
"Mabuti pa nga hindi yung tutunganga lang kayo jan!"
Pabagsak akong umupo sa kama. Hindi pwedeng makalusot kong sino man ang taong yun!
"You can't ruin my plans Victor! Kahit nagpatulong ka pa sa iba.. Huh! I won't let that man scape from me.."
Nagkukulong lang ako dito sa kwarto ko dahil ayokong makasalubong sa labas ang magkapatid na Dela Tore.
Ayokong mamatay sa kamay nila! At hindi ako makakapayag na dahil sa kanila kaya ako mamamatay!! No way!!
Mananahimik na lang ako dito habang kumikilos naman ang mga taong binayaran ko..
Bilisan niyo lang ang pagkilos bago pa mahuli ang lahat!
"Mommy are you okay??"
Ngumiti ako at ginaplos ang pisngi ng anak ko.
"Yes baby.. Everything is under my control.. No one can't scape from me.." Ngiting sambit ko
"Po??"
"Nothing.. Just relax and play with Zane later.. Mommy is fine here!" Dagdag ko pa.
Tumango na lang siya at bumalik sa pagkakahiga. Inaantok pa siguro siya.
"Mananatili kang Dela Tore anak.. Hindi yun magbabago pangako!"
TOK TOK TOK
Nagulat ako sa pagkatok ng sino man sa may pinto. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto.
"Ma'am pinapasabi po ni sir Quintin ihanda niyo daw si Jared lalabas sila kasama si Zane." Sambit ng katulong kaya tumango na lang ako..
"Sige.. Ibababa ko na siya pagkatapos."
Agad ko na ngang pinaghanda si Jared. Mas maganda na yun para mas mapalapit sila.
"Saan daw po kami pupunta nila daddy??"
"Mamamasyal daw baby.. Kasama niyo si kuya Zane. Galingan mo ha,aliein mo ang kuya mo para maging okay na!" Sambit ko sa batang tuwang-tuwa habang inaayusan
"Yes mommy! Sana narito din si Ax para mas masaya!" May halong lungkot na saad ng anak ko habang nakaramdam naman ako ng inis doon.
Ayos lang kung yung bata,sige papayag na lang ako. Basta wala ang Mori na yun!
Akala mo kung sinong santa,basagulera din pala!!
"Let's go!" Aya ko na lang kay Jared palabas ng kwarto.
🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥
"Mommy.. Mommy look!"
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...