𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 67

1.8K 16 0
                                    

🅒🅗🅐🅡🅛🅘🅔 🅟🅞🅥

Alam kong pangit na balita ang ibubungad ko kay Mori.. Pero wala akong choice kundi ang sabihin sa kanya ang toto..

  Ayon sa discription ng nanay ko at ibang naka kita tiyak akong tauhan ni Angela yun.

Nakonsensya ako nung akmang sasabihin ko na kay Mori ang balita dahil balak pala nilang sunduin ang bata.

Sorry Mori.. Nagkampante akong walang mangyayari kay Ax..

   Ngayon malapit na ako sa amin habang papunta pa lang ang mga Dela Tore sa lugar namin.

  Kaya pala iba na ang nararamdaman ko kahapon yun pala may mangyayaring masama..

  "Anak!! Anak yung apo ko!!" Iyak na salubong ng nanay ko

Niyakap ko siya para patahanin.

"Huwag kayong mag-alala nay,mababawi natin si Ax.."

"Biglaan ang ginawa nila.. Wala akong laban dahil ako lang ang kasama niya nung oras na yun!"

"Tahan na nay.. Tara sa loob gamutin natin yang sugat mo.. Mga walangya sila,pati ikaw hindi nila pinatawad!"

  Napapamura na lang ako sa isip ko dahil sa mga nangyari tapos pati ang nanay ko ay pinukpok pa yata ng baril sa ulo.

May sugat siya sa may sentido kaya hindi malayong baril ang ginamit nila..

"Nasabi mo na ba sa mga magulang ng apo ko?? Anak hindi ba sila galit?? Baka ipakulong tayo,di ba sabi mo mayaman sila?!" Alalang sambit ni nanay habang iyak pa rin ng iyak

NAnginginig pa siya,dahil na rin siguro sa halo-halong emosyon na nararamdamn niya ngayon.

"MAlapit na sila nay.. Alam na rin nila at hindi sila galit.. Mababait ang mag-asawang yun.. Balak sana nilang sunduin ngayon ang bata pero ganito naman ang nangyari..!"

"Oo nga eeh.. Hindi ko inaasahan na mangyayari to ngayon!"

Napalingon kami ni nanay sa labas ng makarinig kami ng sasakyang tumigil sa tapat..

"Baka sila na yan nay.. Saglit lang.."

Iniwan ko sila sa loob at lumabas na muna ako para salubungin sina Mori..

"Mori,Quintin,Reed buti naka rating na kayo!" Salubong ko sa kanila

"Kumusta dito wala banag nasaktan??" Tanong agad ni Mori

"Si nanay lang,he tried to take Ax away pero ayon na nga sinaktan siya. Wala si tatay nung nangyari ang kidnapoing kaya walang naka tulong sa kanila habang ang iba ay natakot dahil sa armado nga daw ang dumating." Paliwanag ko sa kanila habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Nay sila ang magulang ni Ax,si Mori at Quintin.. Siya naman si Reed kapatid ni Quintin.."

"Mga iha,iho patawarin niyo ako.. Hindi ko nailigtas ang apo ko.." Hinging paumanhin ni nanay habang umiiyak

Naiiyak namang niyakap siya ni Mori..

"Huwag po kayong humingi ng tawad,wala po kayong kasalanan.. Dapat nga magpasalamat pa kami dahil ikaw,kayo po ang nag-alaga sa anak namin habang wala kami.."

Tumango-tango lang si nanay habang yakap pa rin si Mori..

"Nay kayo na po muna ang  bahala kay Mori,may pag-uusapan lang kami ng mga to!" Sambit ko sabay turo sa dalawa

"Sige ayos lang ako dito kina nanay at tatay!" Sagot ni Mori kaya lumabas na muna kami..

🅐🅝🅖🅔🅛🅐  🅟🅞🅥

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon