𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 19

2.3K 16 0
                                    

🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥

   Gaya ng usapan namin kahapon ngayon na kami pupunta sa dagat.
   Nagpaiwan talaga si lolo dahil ayaw niyang bumiyahe ng malayo. Mas mapapagod pa daw siya sa byahe kesa mamasyal sa hacienda.

   Naka ready na ang lahat ng dadalhin namin sa van. Van na ang gagamitin namin para isang  sasakyan lang dadalhin namin.

  "Guys ready na ba kayo??!" Malakas na tanong ni Reed

"Ofcourse! Right kids?" Turan din ni kuya

"Yes dada tara na po!"

  "Dada alis na tayo!"

  Tumango lang ako kay Reed ng tumingin siya sa akin.

Wala ako sa mood ngayon.. Ewan ko ba! Naiinis ako sobra..

  "Baby are you okay?" Tanong sakin ni Quintin ng lapitan ako at akbayan

"Yeah!" Tipid kung sagot at nauna ng naglakad. Binalewala ko lang ang kamay niyang naka akbay sakin.

  Bakit ganun?? May hinihintay pala siyang babae pero bakit niya ako niligawan kung ganun?!

  Oo narinig ko ang usapan nila ni Reed kagabi sa veranda.

  Ang sakit lang isipin na hindi siya makasagot ng papiliin siya ni Reed between me and that woman she's been waiting for too long..

   Ano nga ba ang laban ko dun?? Matagal na niyang mahal yun samantalang halos kakasimula lang namin.

Tahimik lang ako sa upuan ko habang nasa byahe. Katabi ko si Quintin samantalang katabi ni Reed ang mga bata.

Kasama namin ang isang driver sa bahay kaya walang mapapagod sa kanilang dalawa na magdrive.

    "Baby may problema ba?" Tanong ni Quintin

"Wala" sagot ko at sinandal ang ulo ko sa likod ng upuan balak ko sanang matulog pero hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kanya.

  "Hindi yan wala. Kanina pa kita napapansin sa katahimikan mo.. Ano bang nangyari??" Seryoso niyang turan 

  Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko. Tsaka ako umayos ng upo.

  "Wala nga. Matutulog muna ako." Saad ko at bumalik sa pwesto ko kanina

  Narinig ko na lang ang pagbuga niya ng hangin. Pero hindi ko pa rin siya pinansin

   Tanghali na nung makarating kami sa dagat kaya nagsibabaan na kami.

  Yung mga bata lang ang hinawakan ko at iginiya sa cottage na turuluyan namin.

  Hinayaan ko na lang silang dalhin ang mga gamit namin.

🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥

   Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Mori. Akala ko kanina sa bahay ay okay lang pero hindi pala.

  There's something wrong with her..

   Hinayaan ko na lang muna sila at hindi nagtanong. Baka nagdadrama lang naman si Mori.

   Nagstay lang kami sa cottage,kwentuhan at tamang kain habang nagpapalipas ng oras. Mamayang hapon pa namin balak maligo para hindi masyadong mainit.

   Kung gaano kami kaiingay ng mga bata ay ganun din katahimik si Mori. Parang nililipad sa malayo ang utak niya.

  At ngayon ko napatunayan na hindi talaga basta nagdadrama lang ang babaeng to.

  Kinakausap naman niya ang mga bata at paminsan-minsan namang sumasagot sa akin. Maayos niya ding kausapin ang driver. At pinaka worst ay ni hindi man lang niya kibuin si kuya. Kahit kinakausap siya nito ay dedma lang.

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon