🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥
"Baby wake up.. Wake up.. It's Ax's day today!"
Naalimpungatan ako sa boses na yun. Antok na antok pa ako pero ginigising na ako.
"Five minutes." Sagot ko at bumalik ulit sa pagtulog.
"No. You need to wake up now!"
Ayst! Inaantok pa ako eeh.. Sabi naman niya noon naayos na ang venue ng party eeh..
"Bakit?? Ang aga pa kasi eeh!" Reklamo ko sa umiistorbo sa akin.
"What??! Gumising ka na nga kasi. Magtatanghali na!" Inis na saad pa niya kaya napamulat na ako ng mata
Mabilis kong inabot ang kamay ni Quintin na may suot na wristwatch. Napaupo agad ako ng makitang alas otso ymedya na pala.
"Hahaha.. Puyat lang Mori??" Mapang asar na saad ni Reed
Reed?? Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Nasa may pinto pala si Reed pati ang mga bata.
Inirapan ko siya na dahilan ng pagtawa niya. Kaya pati mga bata. Nakikitawa na rin.
"See?? Ikaw na lang ang tulog baby.." Bulong ni Quintin kaya mahina ko siyang sinikmuraan.
"Ouch! Hahaha ayaw mo kasing gumising eeh.." At nagawa pa niya akong tawanan. Hmpt!
"Bakit di mo sinabi na nariyan pala sila??! Edi sana kanina pa ako gumising! Sakit ng ulo ko tuloy!" Reklamo ko kay Quintin habang sinasamaan siya ng tingin.
"Kanina pa kaya kita ginigising. Tulog mantika ka lang talaga!" Asar pa niya sa akin kaya napatalukbong na lang ako ng kumot dahil sa hiya.
Tumatawa lang siya hanggang sa marinig ko na ang pagsara ng pinto.
"Come on! Fix yourself.."
"Kyaaaaahh!!" Hiyaw ko ng maramdaman ang pag-angat ko sa kama
Binuhat na pala ako ng lalaking to at dinala sa banyo. Nilapag niya ako sa tub tsaka binuksan ang tubig.
"Waaaaah!! Ano ba ang lamiiiig.. Sasakalin kita jan Quintiiinn!!" Hiyaw ko ng maramdaman ang malamig na tubig
"Oppsss.. Hahaha sorry baby. Ginising ko lang ang dugo mo,hayan na mainit na. Hahaha!"
Winisikan ko siya ng tubig na agad naman niyang hinarangan sa shower curtain. Habang tawa pa rin ng tawa..
"Sige na alis ka na! Nang makaligo na ako!" Taboy ko sa baliw na kasama ko
"I will do it for you!" Ngisi niya sa akin pero sinamaan ko siya ng tingin
"Ano ako baby?!" Inis kong tanong
"Yes. Because your my baby!" Kumindat pa ang loko kaya akmang babasahin ko na sana siya pero mabilis na tumakbo palabas ng banyo.
"Hays! Nababaliw na talaga! Makaligo na nga lang ng matapos na.!"
Tatanggalin ko na sana ang dait ko ng bumukas ulit ang pinto at niluwa nun ang ulo ni Quintin
"Baby make it fast, hindi na makapag antay ang mga bata!" Saad niya
Kaya sa inis ko ay tuluyan ko ng tinanggal ang damit ko sabay bato sa may pinto. Mabuti na lang talaga at mabilis niyang nalabas ang mukha niya kundi masasakal siya sa pinto.
Dinig ko na lang ang tawa niya sa labas ng banyo.
"Isa pang disturbo mo Quintin!! Malalagot ka na talaga sakin!!" Sigaw ko pero mas lumakas pa ang tawa niya
Baliw!!'
Paglabas ko ng banyo ay wala na si Quintin sa kwarto. Tanging isang box na lang ang nakita ko sa kama kaya nilapitan ko ito.
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...