𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 29

1.7K 16 0
                                    

🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥

  Ilang minuto lang ang lumipas ng umalis sina Quintin at mga bata nang may kumatok sa pinto.

Nakita kong babae ang nasa labas kaya binaba ko ang bintana para makita siya.

"Hi!" Ngising bati niya kaya nagtaka ako

"Sino sila?" Tanong ko

"Ako si Angela,the mother of Quintin's BIOLOGICAL son!"

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya kaya hindi ako agad naka sagot. Pinandiinan pa niya talaga ang biological so it means siya ang babaeng pinahanap noon ni Quintin sa mahabang panahon.

"A-Anong kailangan mo?" Hindi ko na napigilan mautal kaya nakita ko paano siya ngumisi

"Bumaba ka para magkausao tayo ng maayos!"

Naglakad siya patungo sa likod ng kotse kaya bumaba din ako at sumunod sa kanya.

"Bakit anong kailangan mo?" Matapang kong tanong

"Alam mo ba ang tungkol sa anak ko at kay Quintin?!" Mataray niyang tanong

"Oo at ano naman ngayon? Anak niya man o hindi ang anak mo wala akong pakialam. Kukunin namin ang bata kung yan ang gusto mo o sustento ibibigay ni Quintin sa bata!" Saad ko kahit kunti na lang ay bibigay na ang tuhod ko

"Huh! I'm not poor and cheap like you gold digger?! Do you know that I own this building?! " mataray at mayabang niyang saad kaya parang gusto ko ng puntahan ang mga bata para umalis na sa lugar na yun

"Ano naman kung pag-aari mo? At isa pa hindi ako gold digger!! Bakit mo ba sinasabi lahat ng ito?!" Nanggigigil na ako sa babaeng to

"Dahil may karapatan akong sabihin to sayo. Para alam mo kung saan mo ilulugar ang anak mong sampid!"

Muntik ko na siyang sabunutan at ilampaso ang pagmumukha niya sa semento ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Masama na kung masama pero ibang usapan na kapag pati anak ko idadamay niya.

"Ikaw ang sampid hindi ang anak ko! Kaya huwag mong idamay ang anak ko sa malahayop mong bibig!" Madiin kong turan

"Bastos ka din eh noh? Sa bata ang usapan ngayon! Kaya sino ang sampid? Ang anak mong bastardo!"

Napakuyom ako ng kamay buti na lang at dumating na rin si Quintin.

Lumapit siya sa akin at inakbayan.

"Who's you're talking baby?" Tanong niya kaya nginuso ko ang babaeng demonyita.

Kita ko ang mukha niya na nabalot ng gulat. Hindi niya rin inaasahan na magkikita kita kaming lahat dito.

"Hi Quintin! Nice to see you here!" Bati ng demonyita pero hindi siya pinansin ni Quintin

"Let's go baby!" Seryosong saad niya

Basta na lang niya hinawakan ang kamay ko at hinila palayo sa pwesto ni Demonyitang Angela

"See you on saturday. Our son wants to see you already!" Pahabol pa niya

Diretso lang sa paglakad si Quintin habang ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Galit siya!!

Tumigil kami sa isang lugar ng hotel na yun. Hindi na matao kaya solo namin yun.

kaso nanatili siyang nakahawak sa kamay ko ng napakahigpit.

"Q-Quintin..."  Tawag ko sa kanya dahil napakalalim ng iniisip niya.

"Hmmm?? Sorry baby.. I think I brought you in a wrong place!" Sising turan niya

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon