𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 5

3.2K 28 0
                                    

🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥 ::

     Bago pa man dumating ang out ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napahawak ako sa table namin sa nurse station.

  "Nurse Mori!!"

"Mori!!"

  Tinaas ko ang isang kamay ko at sinenyasan silang ayos lang ako. Inalalayan nila akong umupo at binigyan ng tubig.

  "Anong problema Nurse Mori?"

"Okay ka lang ba?!"

"Kaya mo pa ba?"

   Tumango lang ako sa mga kasama ko pero parang hindi sumasang-ayon ang katawan ko.. I think anytime pwede akong bumagsak.

  "Eleven thirty na pwede ka nang umuwi at magpahinga baka sobrang pagod mo na yan.." Sabi ni doc na kasama namin sa station

  "Oo nga Mori diba pinupuntahan mo pa ang batang Dela Tore tapos nagpunta ka pa dito,baka nasobrahan ka lang sa pagod!" Dagdag pa ng isang nurse

  "Siguro nga po.. Sige mag-early out na lang po ko,pasensya na.." Pinilit kong tumayo buti na lang nakaya ko

  "Samahan ka na namin!"

"Hindi na mas kailangan nila kayo dito,kaya ko pa naman!" Tanggi ko at dahan-dahang naglakad na

    Pagdating ko sa hallway ay naramdaman kong parang nagiging blurred ang nakikita ko..


🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥 ::

   I was on my way para lumabas na ng hospital.. Masyado ng late dahil tinapos ko pa ang mga kailangang permahang papeles..

  May lakad pa ako bukas kaya kinailangan kong mag-overtime..

    Nasa hallway na ako ng mapansin ko ang isang tao na naglalakad pero parang nahihirapan kaya mabilis akong lumapit.

   Hindi pa ako tuluyang naka lapit ng makita kong babagsak na siya kaya tinakbo ko na ang pagitan namin para masalo siya.

   "Ikaw pala! What happened to you??" Tanong ko sa walang malay na babae

   Binuhat ko na siya at dinala sa emergency room..

  Habang inaasikaso siya sa loob ay naghihintay lang ako dito sa labas.

"Si nurse Mori daw nawalan ng malay,sabi sa station nila kanina pa daw yun na parang hindi maganda ang pakiramdam pero binabalewala niya.." Rinig kong saad ng isang nurse sa kasama niya

  "Sabi kanina late siyang nakarating kasi galing daw siya sa batang Dela Tore para icheck kasi nagkaemergency daw kagabi at si Mori ang umantabay sa bata!" Saad pa nung isa

  "Kaya siguro nagkaganyan ngayon dahil sobrang pagod at kulang sa tulog!"

   "Wala pa naman si sir Reed para ihatid siya!"

"Oo nga busy yat si sir!"

   "Hoy ano ba kayo hindi niyo ba alam na si Sir Quintin daw ang nagdala sa kanya sa ER? Narito daw si sir kanina pa!"

  "Ha??talaga?? Naku po! Balik na tayo sa trabaho!"

  "Mabuti pa nga baka makita pa tayo!"

   The heck! Naging gossip station na pala ng mga nurses dito. Tsk! They didn't even notice me at muntik pa nilang pagchismisan.. Buti wala akong narinig na iba sa inyo, or else... Tsk!

  "What happened to her,how is she?" Tanong ko sa doctor na galing sa loob

  "Sir she's fine and stabled already.. Over fatigue and lack of sleep kaya siya nagkaganun.. Nasobrahan sa sipag ang nurse nating iyon sir that's why she need to rest now. Dadalhin na siya sa room niya!"

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon