𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 45

1.7K 14 0
                                    

🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥

"Later baby.. Wait and I'll get the ointment for your wounds!" Pigil ko sa akmang paghiga ulit ni Mori

Kung bakit kasi nakipag away ang babaeng to.. Akala ko naman hindi aabot sa ganito..

Siguro nga nasagad na ni Angela ang pasensya ni Mori kaya hindi na rin nakaagpigil ang isa..

Nagtungo ako sa banyo pero walang ointment doon kaya lumabas muna ako.

Sinulyapan ko muna si Mori bago tuluyang makalabas. Naka upo pa rin siya pero nakapikit ang mga mata..

Antok na antok na talaga siya..

Binilisan ko na lang ang paglalakad patungo sa kwarto ni Reed. Sa kanya na muna ako magtatanong..

Nasa hallway pa lang ako malapit sa kwarto ni Reed ng makasalubong ko si Angela..

Anong ginagawa ng babaeng to??

Naka two piece lang siya habang naglalakad.. Akmang lalagpasan ko na sana siya ng kumapit siya bigla sa braso ko..

"What the!! Bitawan mo nga ako!" Asik ko sa babaeng linta

Bahagya ko siyang itinulak pero bumalik pa rin sa pagkakayakap sa braso ko.

"Sakin ka na lang Quintin.. Para makompleto na tayo nila Jared.." Malanding turan niya

Agad ko iwinaksi ang kamay niya bago ko siya hinarap.

"Anong pinagsasabi mo?! Bakit ko naman iiwan ang asawa ko para sayo?? Isang pagkakamali ang nangyari kaya nabuo ang anak ko sayo!!" Madiin kong turan habang pigil na pigil ako na huwag bulyawan ang babaeng to.

"Ikaw na ang nagsabi na anak mo ang dinala ko ng siyam na buwan! Eh si Mori?? Anak ng ibang lalaki!! Baka nga hindi pa niya kilala ang ama ng anak niya dahil sa iba't ibang lalake ang dumaan sa kanya?! Hindi ka ba nandi- aah!"

Agad kong hinawakan sa panga si Angela gamit lang ang isang kamay ko.. Madiin ang pagkakahawak ko kaya kitang-kita sa ekspresyon niya ang sakit na nararamdaman niya.

"Pasalamat ka babae ka! Baka kanina pa basag ang bungo mo kong lalaki ka lang!! Don't you dare insult my wife infront of me again!! Hindi mo siya kilala!" Pagbabanta ko habang napapadiin ako ng hawak sa panga niya.

"N-nasasaktan a-ako!"

"Kuya!! Kuya babae yan,bitawan mo na!" Awat sakin ni Reed na kalalabas lang galing kwarto niya.

Patulak kong binitawan ang panga ni Angela..

"Lumayo ka na sa harap ko kung ayaw mong mapasama!" Pagtataboy ko sa haliparot na yun

"Magsasawa ka din sa kanya!" Pahabol pang saad niya bago mabilis na naglakad patungo sa kwarto nila.

"Anong nangyari kuya?? Bakit ganun ang suot niya??"

"Ewan ko.. Nag-away sila kanina ni Mori.."

"What??!! Kailan??" Mukhang natutuwa pa ang loko..

"Kaninang umaga sa hallway din tapos kanina lang sa may pool yata kaya ganun ang suot ni Angela."

"Grabe.. Kumusta naman si Mori??"

"Oh shit!! Si Mori nga pala!! May ointment ka ba jan para sa sugat?? Akin na bilis!" Tarantang turan ko kaya pati si Reed ay biglang nataranta na din papasok ng kwarto niya.

"Heto kuya.. Ano bang nangyari??"

"Bukas na lang... Makikita mo ang kagagawan nilang dalawa! Sige!"

Patakbo na akong bumalik ng kwarto.. Nadatnan kong tulog na si Mori.. Babaeng tot alaga..

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon