𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 22

2.1K 20 0
                                    

🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥

   Lumipas ang ilang linggo at tahimik naman ang naging takbo ng aming buhay.

Naging tahimik na din ang mga basher ni Mori makalipas ang ilang araw pagkatapos ma ere ang interview ni kuya.

Wala namang masasabi pa ang mga tao dahil wala naman silang ibang nakikita kay kuya. Kaya nga mysterious billionaire ang tawag dahil napaka pribado niyang tao.

"Reed si Ax??" Alalang tanong ni kuya kaya nagtaka naman ako.

"Hindi ko alam. Saan nga ba siya? Kanina ko pa hindi nakikita!"

"Lagot! Parating na si Mori!" Taranta niyang saad

Gusto ko sanang matawa pero alam kong seryoso siya sa pagkakataong ito. Nasaan ba ang batang yun??

"Tinanong mo na ba si Zane?"

"Oo pero sabi niya lumabas daw kanina. Iniwan ko lang sila sa sala eeh.. Tulungan mo akong hanapin si Ax!"

"Sige kuya tara.. Yaya pakibantayan si Zane hahanapin lang namin si Ax!" Utos ko sa yayang nasa malapit

"Pero sir si-"

Hindi ko na pinatapos si yaya at tumakbo na kami ni kuya palayo sa bahay.. 

Hinanap namin siya sa palibot ng bahay at kung saan-saan sa di kalayuan sa bahay. Maliliit lang naman ang hakbang nun kaya hindi siya masyadong makakalayo.

  "Damn! Papatayin ako ni Mori kapag nawala ang anak niya!"

"Hindi naman yun makakalabas ng hacienda kuya. Baka nandiyan lang sa tabi-tabi!"

"Sige,hanapin na natin siya ulit!"

   Pinagpatuloy na nga namin ang paghahanap hanggang sa makatanggap ng tawag si kuya galing kay Mori.

"Saglit,sasagutin ko lang ang tawag ni Mori.... H-Hello b-baby??" Sagot niya sa phone niya. Pero niloud speaker din niya iyon kaya dinig ko ang pag-aalala sa boses ni Mori

"Nasaan ka?? Bakit wala ka dito sa bahay?"

"Aah...eehh.. M-May pinuntahan lang kami pero pabalik na kami."

"Sinong kasama mo?"

"Si Reed!"

"What??! Umalis kayo at iniwan si Zane?? Nasaan si Ax?!"
   Tumingin sa akin si kuya. Halata sa mata niya na nag-aalanganin kung sasabihin niya ba o hindi.

Kasi pati ako ay parang kinakabahan din dahil sa tono ni Mori.

"Umuwi na kayo. Bilisan niyo! Ngayon na!" Madiing turan pa ni Mori bago niya pinatay ang tawag

"Patay.. Malalagutan yata tayo ngayon kuya!" Saad ko na ikinangiwi niya

  Naglakad na kami pabalik sa bahay habang hindi na maipinta ang mukha ni kuya sa sobrang pag-aalala.

Pati ako ay nadadamay na sobrang kaba niya.. Hays!

  Pagdating namin sa bahay ay tanaw na namin si Mori sa may Garden. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi niya kami kita.

   Paglapit namin ay sakto naman na naglabas ng meryenda ang yaya!

"M-Mori.." Tawag ni kuya

"Oh? Nariyan na pala kayo?? Nasaan si Ax??!"

Hindi kami sumagot at nanatiling tahimik

"Nahanap niyo ba?? Nasaan na??"

"Hindi namin alam/nawawala!" Saby naming turan ni kuya peri taka kaming nagkatinginan ni kuya ng tumawa si Mori

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon