🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥Naalimpungatan ako sa mga kaluskos na naririnig ko kaya agad akong napamulat ng mata.
Jusko! Buti at kinaya ko pang magising sa araw na to!
Medyo maaga dahil may kadiliman pa ang paligid kaya agad na hinanap ng mata ko si Ax. He's sleeping tight at my side.
Pero nasaan si Charlie??!
"Charlie.. Charlie.." Medyo mahinang tawag ko sa kanya
Pinilit kong bumangon pero parang hindi ko na yata kaya.. Namanhid na ang kamay kong isa dahil sa tama ng baril sa likod ng balikat ko.
"Argh!"
"Dahan-dahan kasi,kaya mo pa bang maglakad??" Sulpot ni Charlie at inalalayan akong umupo.
"Kakayanin ko mailayo ko lang ang anak ko dito. Pwede na ba tayong umalis dito?? Kailangan kong makita si Quintin.."
"Sige.. Bubuhatin ko na si Ax ng maalalayan na rin kita.. Wala tayong hawak na cellphone para sana makatawag tayo ng tulong.."
"Saan ka ba nanggaling?? Bigla ka na lang sumulpot kanina??"
Binuhat na niya si Ax habang natutulog tsaka niya ako pinahawak sa braso niya.
Naghihina na talaga ako pero kakayanin ko ito makaalis lang kami dito..
"Balak ko sanang balikan yung kotse kanina pero wala na doon.. Talagang pinalinis ni Angela ang mga kalat.." Sambit niya kaya napangiwi ako
"Baka malaman na niyang magkasama tayo! Mas papaigtingin niya pa ang mga naghahabol sayo!" Alalang turan ko kaya umiling siya
"Hindi malayong nagsumbong na ang mga tao niya.. Kaya matinding pag-iingat ang kailangan natin.. Dito tayo.."
Sumunod lang ako sa mga daan na tinuturo niya hanggang sa maka rating kami sa may highway ulit..
"Thanks God naka labas na tayo doon!" Sambit ko na ikinatango niya.
"Oo pero hindi pa tayo pwedeng makampante.. I'll try to get a car para makalayo na tayo!"
Tumango lang ako habang pumapara na siya ng mga sasakyan na nagdaraan sa tapat namin..
"Mukhang mahihirapan tayong pumara dito Charlie.." Nahihirapang sambit ko
Parang umiikot na rin ang paningin ko..
"I'm sorry dahil nadamay pa kayo.."
"No worries ayos lang kami,importante maka usap natin si Quintin."
"Pero paano?? Nasa piligro na tayong lahat.. Siguradong may tatambang sa atin sa daan papunta sa hacienda niyo!"
"Tsaka na natin isipin yan,sa ngayon kailangan na nating lumayo dito.. Kunti na lang hindi ko na kaya.."
Nahihirapang sambit ko"Wait wait.. Maupo ka na muna jan.." Taranta niyang turan habang tinutulungan akong umupo sa gilid.
"Mommy..."
Nagising na si Ax kaya naiiyak na naman siyang naka tingin sakin.
"I'm fine baby.. Don't worry..." Pilit akong ngumiti sa kanya para hindi masyadong mag-alala
Hindi niya alam na may tama ako ng baril. Hindi ko yun pinahalata dahil ayokong mas mag-alala pa siya.
"Tiis lang Ax,makakauwi din kayo.." Pagpapakalma ni Charlie sa bata
Patuloy lang sa pagpahinto ng mga sasakyan si Charlie ngunit wala pa rin ang tumitigil sa tapat namin..
Ramdam ko na ang katawan ko. Talagang hindi ko na mahintay na makaalis kami dito..
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...