𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 20

2.3K 16 0
                                    

🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥

   "Mommy!! Mommy"

  Habol sa akin ni Zane.. Palabas na ako ng bahay para pumunta muna sa hospital para magreport.

   "Yes baby??" Tanong ko ng makarating sa pwesto ko

"Mi kain daw po tayo sa labas sabi ni dada.!"

"Ha? Depende kung makakahabol ako baby. Kasi madami pa akong gagawin doon!"

"Pero Mi we want you to join us sa lunch!" Sumimangot siya kaya hinaplos ko ang pisngi niya.

  "Kakausapin ko si daddy niyo mamaya,okay??"

"For what? Lunch naman yun tsaka report lang ang gagawin mo dun!"

   Napatingin kami ni Zane sa nagsalita. Si Quintin pala na nakahalukipkip.

"Syempre hospital yun. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari.." Sagot ko naman sa kanya

  "Tsk! Sabihin mo gigil ka lang na bumalik sa trabaho mo doon!" Saad pa niya sabay irap.sa hangin

  "Sige na po mommy.. Lunch po tayo! Lets eat sa favorite naming fastfood chain ni Ax!" Kumbinsi pa ni Zane sa akin

  "Ganito na lang baby.. I'll call you kung makakalabas ako before lunch,okay? Tell daddy about it." Utos ko kay Zane kahit alam ko namang narinig ni Quintin ang sinabi ko.

  "Miiii... Pasyal po tayo ngayon!" Malakas na saad ni Ax habang patakbong lumalapit sa amin habang naka sunod sa kanya si Reed

. "stop inviting your mom kids. Kahit anong gawin niyo hindi niyo na yan maaaya!" Halata pa rin sa boses ni Quintin ang pagkadisgusto.

   Tatlong araw na ang naka lipas pero ganyan pa rin siya makitungo sa akin.. Sinusuyo ko naman pero talagang matigas siya.

   Pinaalam ko na kasi ang plano kong pagbabalik sa hospital. Dahil parang hinahanap ng sarili ko ang dating ginagawa ko sa hospital.

   Nagpaalam naman na ako kay lolo Ronald at ayos naman sa kanya. Tutal mas madalas kaming sa mansyon nila namamalagi. Tinutoo kasi ni Quintin na doon kami tumira pero paminsan-minsan umuuwi pa rin kami para madalaw namin si lolo sa bahay.

    Pero ang problema ko ngayon ay kung paano ko mapapapayag si Quintin na magtrabaho ako sa hospital.

   Hindi kasi siya pumayag pero ako lang itong nagpupumilit. Tapos bukas na ako magrereport sa hospital para bumalik sa trabaho.

  "Kailangan pa ba kasing bumalik ka doon Mori? Maayos naman ang trabaho mo sa pagbabantay kay lolo. Infact kahit hindi ka na magtrabaho,mabubuhay naman kayo ni Ax!" Turan naman ni Reed

  "Hindi naman pwede yun Reed.. Ayokong umasa lang kay Quintin. Tsaka isa pa,namimiss ko na ang magtrabaho ulit sa hospital.." Sagot ko pero hindi na nagsalita pa si Reed,ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano ako samaan ng tingin ni Quintin bago niya binuhat si Ax at inakay si Zane.

    Tahimik na lang kami ni Reed habang tinatanaw ang papalayong bulto ng tatlo. Hays! Paano ko ba yun susuyuin?

"He really hate knowing you to be back at work in the hospital."

. "oo nga eeh.. Tulungan mo naman akong palambutin ang matigas mong kuya! Ilang araw na siyang ganyan sa akin."
  pakiusap ko sa kasama ko

"Hay naku.. Kung ako lang ang tatanungin Mori,It would be better kung manatili ka na lang dito. Ikaw lang naman ang inaalala ni kuya,hospital yun at iba't ibang virus ang pwede mong makuha. Isipin mo dalawang bata ang dadatnan mo dito sa bahay." Habang paliwanag ni Reed

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon