𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 53

1.6K 18 0
                                    


🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥

   Halos wala pa akong tulog simula kagabi kakabantay ko kay kuya..

  Pagdating kasi namin dito sa kwarto nila eh wala si Mori.

Hinanap ko siya sa kwarto ng mga bata and I found her but she's crying in pain,I know. Nagsasalita pa siya pero hindi ko maintindihan kaya  umalis na lang ako at bumalik kay kuya.

  Gaya ng inaasahan ko,he's sick.. Putcha! Ako pa mapapasabak sa pag-aasikaso kay kuya..

Naiinis lang naman ako sa kanilang dalawa eeh!! Ayoko na lang sanang mangialam pero nakikita ko sila kaya no choice pa rin ako. Tsaka sakin lumalapit si kuya kaya kailangan ko pa rin ang tumulong sa kanila..

  Ngayon mukhang galit pa si Mori sakin. Kaso kahit anong gawin kong pagwaksi sa isip ko may part pa rin na sinisisi ko si Mori kahit ayaw ko namang isipin pero nagkukusa yata ang utak ko.

Sana hindi na lang inamin noon ni Mori ang tungkol kay kuya at Ax sana walang ganito.. Sana walang gulo.. Sana maayos pa kaming nagkukwentuhan ngayon.

Ayos na nung kami lang ang nagpatest.. Natanggap din niya pero pagdating na sa kanila ay parang hindi niya matanggap tanggap.. Asang asa siya na siya ang hinahanap ni Mori.

  Dahil dun parang nadedepress na si kuya. Lagi na lang siyang galit. Kahit kunting mali lang ang makita niya damay na lahat ng nasa paligid niya.

Malaki na ang nagbago kay kuya simula nung lumabas ang DNA result nila ni Ax. At alam ko din ang pagtitiis ni Mori dahil pati siya damay sa init ng ulo ni kuya palagi..

"Argh!"

  Napalapit ako kay kuya ng dumaing siya sa sakit. Nakahawak siya ng mahigpit sa ulo niya.

"My head is aching.!"

"Kuya bumalik ka na lang sa pagkakahiga,may sakit ka."

"Can you get me some water??"

"Sure!"

Lumabas ako ng kwarto pero sakto naman na nakasalubong ko si Mori. Bakas pa rin ang mugto sa mga mata niya.

  Hindi ko siya inimikan at ganun din siya sa akin.. Kaya nilagpasan ko na lang. 

  Bumalik din ako agad ng maka kuha na ako ng tubig pero napatigil ako sa labas ng bahagyang naka awang na pinto.

"Where have you been last night?!" Pagalit ni kuya kay Mori

"Nagpahangin lang tsaka umuwi naman ako."

"What time you got home? Tapos hindi ka pa dito natulog!"

"Nakakahiya kasi sa inyo!"

"What?!"

  Hayan na naman sila.. Away na naman ang bagsak neto.

"I'm giving you space to think Quintin. Ayusin mo ang sarili mo. Dahil ayokong nasisisi dahil sa mga kagagawan mo! Ginawa ko lang ang nararapat kaya huwag mo namang gawing miserable ang buhay mo! Dahil ayokong nasisisi sa mga bagay na hindi ko kagagawan at hindi ko kagustuhan.!"

  I know galit si Mori sa akin tapos kay kuya naman niya naibubunton.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Madiing tanong ni kuya

"Ayusin mo lang ang sarili mo Quintin.. Nagmamakaawa ako sayo please... Kasi napapagod na ako.. Iba ka na sa Quintin na minahal ko!" Umiiyak na naman si Mori halata yun sa boses niya

  "Walang problema sa akin baka sayo meron!"

"Ano ba Quintin!! Tama na, ikaw ang problema dito!! Tanggapin no na lang ang lahat at ayusin mo buhay mo!"

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon