🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥
Maaga akong nagising at medyo okay na rin naman na ang pakiramdam ko kaya kailangan ko na rin ng kunteng exercise!
Nagtungo ako sa pool side para maglakad-lakad. Maaga pa kaya baka tulog pa ang mga bata. Mamayang alas otso ymedya pa sila magigising kaya ako na lang muna ang maglalakad..
"Ayy.. Good morning sir! Ipagtitimpla ko po ba kayo ng kape??" Tanong ng yaya na nasa pool side at nagdidilig ng halaman
. "No need ako na lang ang pupunta sa kusina!" sagot ko at naglakad na papasok sa bahay
Dumiretso na lang ako sa kusina. Kape muna bago maligo!
Pagdating ko sa kusina ay natigilan ako sa aking nakita.. Shit! My eyes!! Ang aga-aga pa lang eeh may nakikita na akong nag-PDA. Tsaka sa kusina pa talaga?? Hahaha
Si kuya at Mori!! Hmmm.. What's the score??? Hahaha
Nagluluto yata si Mori habang nakasandal naman si kuya sa malapit sa sink nakaharap kay Mori.
"Ahemmm! Kaya pala walang katulong dito sa kusina, nahiya yata sa inyo!" Natatawa kung saad
Ngumisi naman si Kuya tsaka umirap naman si Mori.. HAhaha anong meron?? Nakadistorbo ba ako?? Makapagtimpla na nga ng kape nang maka alis na dito.. Haha
"Oh,aalis na po ako! Nakakahiya namang pumasok dito. Baka hindi pa nakapagluto ang mga cook ahh, magutom tayo niyan!" Biro ko sa kanila
"Manahimik ka nga! Tsaka bago ka lumabas paki dala na rin to ng matahimik naman ang umaga ko!" Saad ni Mori sabay turo kay kuya
"Ha? Binabantayan ka naman niya aah!"
"Basta kaladkarin mo na palabas! Hindi ako matapos-tapos dito,magigising na mamaya ang mga bata!" Inis na saad niya
"Hahaha.. Sige,tara na kuya.. Mamaya mo na lang yan lambingin!" AYa ko sa kapatid kong nakatitig lang kay Mori
Bahagyang yumuko si kuya at nilapit ang bibig sa tenga ni Mori. May binubulong yata!
"Araaaay!!" Hiyaw ni kuya habang naka hawak sa kamay ni Mori na nasa tenga niya. Hahaha napingot tuloy,ano kayang sinabi niya?? Hehehe
"Ikaw ha,kanina ka pa! Natuluyan ka na talaga ng masamang espirito!" Inis na saad ni Mori tsaka tinulak si kuya palayo. Aray! Sadista pala ang isang to!
"Talk to you later!" Saad pa ni kuya at nagulat ako ng makita ang ginawa niya kay Mori. Totoo ba ang nakita ko??
Pati si Mori ay natigilan din!Ngumiti siya kay Mori!! Shit!! First time ko ulit siyang makitang nakangiti since our parents past away!!
Inakbayan ako ni kuya ng makalapit sakin at inakay palabas.
"Kuya saglit mapapaso ako eeh!" Reklamo ko at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko
"Sige. Mauuna na ako sa baba. Sumunod ka na lang!" Saad niya at mabilis ng naglakad
Naninibago talaga ako ngayon sa taong yun!!
Mabilis ngunit maingat akong naglakad para mahabol si kuya. I need to confirm my thoughts.. Hahaha Hindi ako papayag na wala akong nalalaman sa mga nangyayari..
Nadatnan ko nga si kuya sa garden. Kunot noo akong nakatitig sa kanya.. Nadaanan na yata siya ng masamang hangin o magandang hangin! Naka ngiti na naman siya habang naka harap sa mga bulaklak.
"Hoy kuya!! Sana nga mahanginan ka na jan ng hindi na maalis ang ngiti sa labi mo!" Puna ko sa kanya
"What? Masama bang ngumiti??!" Inis niyang tanong sakin
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...