𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 11
🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥 ::
Nag-over night nga talaga sina Mori dito sa bahay dahil kay kuya.
Mahirap talaga iyong pigilan lalo na kung tungkol sa trabaho kaya hindi gumagaling sa lagnat niya eeh.. Nabababad kasi ang mata niya sa monitor kaya ayun,sakit na naman ang ulo.
"Reed ipatawag mo na ang kuya mo!" Saad ni lolo habang papunta kami sa dining area
"Ah lo baka po hindi pa maganda ang pakiramdam. Dalhan ko na lang siya mamaya ng mapainom ko din ng gamot!" Sagot naman ni Mori
"Bakit malala ba iha? Buti na lang at narito ka!" Tango ni lolo sabay pasok sa dining
"Baka mahilo lang po kasi ulit lo.. Ayaw kasing paawat sa trabaho po lalo na kung sa computer niya!"
"Pagpasensyahan mo na iha.. Ganyan talaga silang magkapatid! Parehas na pasaway,magkaiba nga lang sila nagpapasaway!" Napatawa si Mori at patango-tango pang sumang-ayon kay lolo
"Ay opo! Nasabi mo pa lo..!" Sang-ayon niya
"Bakit pati ako nasali jan? Eh si kuya ang may sakit eeh!" Reklamo ko naman
"Kumain ka na nga lang jan apo.. Kasalanan mo kung bakit nagkakaganyan ang kaatid mo! Alam mo na ngang ganyan eeh, nilasing mo pa rin!" Napakamot na lang ako sa ulo ko
Hindi ko naman sinabing maglasing siya eeh..
Inasikaso na ni Mori ang dalawang bata habang kumakain..
Hindi din nakaligtas sa akin kung paano subaybayan ni lolo kung paano asikasuhin ni Mori ang mga bata. Napapangiti si lolo habang nakasubaybay kina Mori kaya hindi ko maiwasang mapangiti. I know gusto niya si Mori sa pamilya namin. Baka nga one of these days ay iopen up niya si Mori sa amin ni kuya.
"Reed paki samahan na lang muna ang mga bata sa kwarto pupuntahan ko lang si sir Quintin. Hintayin niyo ako dun papalitan ko pa sila after kong asikasuhin si sir!" Saad ni Mori pagkatapos naming kumain at nagtungo kami sa sala pati si lolo.
"Sige na iha,go to Quintin. Kakalaruin ko muna ang mga apo ko!" Saad ni lolo
Ngumiti naman si Mori at tumango tsaka siya nagtungo sa kusina para kunin ang pagkain ni kuya.
Hinayaan na lang namin siya at kinalaro na lang namin ni lolo ang mga bata dahil medyo maaga pa naman para matulog.
🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥 ::
Nakaramdam na ako ng gutom pero kahit gusto kung lumabas ay parang hindi ko kayang umabot sa kusina.
Sumasakit pa rin ang ulo ko na parang nanghihina pa ang mga tuhod ko. Lintik na alak yun! Kung bakit kasi ako nagpadala kay Reed.
Ngayon nakahiga lang ako at nabobored na kaya naman kinuha ko ang laptop ko para tignan ang email na sinend ng sekretarya ko kaninang hapon..
Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto.
"Reed ikaw ba yan? Pasok ka na lang!" Saad ko habang nakatutok pa rin sa laptop ko.
"Ahemm..!" Tikhim ng pumasok kaya inangat ko ang aking tingin sa taong dumating.
Wala sa sariling bigla kong nasara ang laptop ko at mabilis na nilapag sa kama..
Paano ba naman para namang pumaptay ang mga tingin niya sakin. Umiwas na lang ako ng tingin tsaka lang naman siya lumapit sa bedside table at nilapag ang tray na may laman ng pagkain ko.
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...