𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 63

1.9K 28 0
                                    

🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥

Narito pa rin kami sa hospital at gigil na gigil na akong makaharap ang hayop na babaeng yun!!

  Sising sisi ako sa mga nagawa ko.. Nagalit ako sa kanya without knowing the whole truth behind those fucking photos!!

  Nakaupo lang ako sa tabi ni Mori habang hawak ang mga kamay niya..

Kita sa mukha niya ang hirap na dinanas niya.. At hindi ko mapapatawad si Angela kapag may masamang mangyari kay Mori..

  Sa mga aparatong nakikita ko sa katawan niya, no wonder delikado ang naging lagay niya..

  Hindi ko mapigilang maiyak ng tahimik habang nakatitig sa asawa ko!!

Napakalaki kong gago para magalit sa kanya habang siyang naghihirap na pala.. Napakadali kong nagalit sa taong pinakamamahal ko..

  "I can give you the documents by tomorrow. Magaan na ang loob kong iwan si Mori dito dahil nariyan na kayo!"

"Kung ikaw ang investigator ni Mori bakit hindi mo nasabi sa kanya ang lahat??" Seryosong tanong ko

"Hindi ganun kadali kasi hinanap ko pa kayong apat at isa-isang kinunan ng samples ng palihim! Nung araw na dumating sila Mori hawak ko na ang mga samples.. At ayun na nga,it's positive. Ikaw ang ama ni Ax.." Paliwanag pa ni Charlie

Tumango na lang ako sa kanya.. Wala na akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang mayakap ang anak ko pero hindi ko pa pwedeng gawin.

  Kailangan ko munang tapusin ang gulong ginawa ni Angela tsaka ko babawiin si Ax kung saan man siya naroroon..

  "Pasensya na pero kailangan kong tuparin ang pangako ko kay Mori.. Makikita niyo lang ang bata kapag wala na sa puder niyo ang kaaway!"

"Naiintindihan kita at pasensya na kanina.." Paumanhin ko na ikinailing niya

"May kasalanan din naman ako,nadamay lang sila pero mas pinalala nila ng malaman nilang kasama ko ang mag-ina.. Pasensya na din."

"Yeah.. But still thank you at hindi mo sila pinabayaan.. Pinangalagaan mo pa rin sila kahit nanganib na rin ang buhay mo.."

"No problem, besides Mori is my friend too.."

Tumayo ako at hinarap si Charlie. Nakipagkamay ako sa kanya bilang pasasalamat.

"Kuya!"

Napatingin ako kay Reed ng tawagin ako saby turo niya sa kakapasok lang na doctor.

  "Doc! How's my wife?? Kailan siya magigising??" Tarantang tanong ko sa doctor

"Are you the husband??" Seryosong tanong ng doctor.

"Yes I am! Tell me what's with her?!"

  The doctor sigh and it makes us confuse! 

Kinabahan ako sa ginawa ng doctor kaya humawak ako sa balikat ni kuya,tumango naman siya tsaka kami humarap ulit kay doc.

"I'm sorry for your lost mr."

Anong lost?? Buhay naman si Angela.. At ayun kay Charlie Ax is safe!

"W-What do you mean doc?" Kabadong tanong ko kay doc

"She's three months pregnant but the fetus can't make it. Maybe dahil sa infection ni mrs sa natamong tama ng bala sa kanya. I'm sorry.. And she's still unconscious because of what happened and because of the operation. The bullet was found beside her heart that's why it gives us hard time to finish the risky operation!"

Halos manlumo ako sa kinatatayuan ko.. Napaupo na lang ako sa silya habang inaalalayan ako ni Reed.

"Excuse me.." Paalam ni doc pero hindi ko na siya nilingon pa.

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon