🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥
Nakahanap na naman ako ng pang asar kay kuya.. Hahaha Kung sakaling sa akin man si Ax,si kuya ang taga salo sa mga pamangkin niya.. Hahaha
Syempre mahal ko si Ax kung sakali mang anak ko siya wala namang problema. Hindi ko naman aagawin si Ax sa kanya.. Gaya pa rin ng dati ang sitwasyon. Walang magbabago..
Ilang araw na din kami dito sa isla at halatang enjoy na enjoy ang mga bata dito.. Lalo na sa dagat kaya halos araw arawin nila ang pagligo sa dagat..
"Reed samahan mo nga ako dito mag-ayosng makakain mamaya.." Aya sakin ni kuya kaya lumapit ako sa kanya
"Bakit nag-aya na naman ba ang mga pamangkin mo kuya??" Biro ko sa kanya
Mabilis niyang dinampot ang kutsara sa lamesa at binato sakin.. Buti na lang at nakailag ako.. Hahaha Asar talo talaga..
"Hahahaha.. Wish me luck kuya.. Baka sakaling magkatotoo nga.. Hahaha!" Hirit ko pa sa kanya
"Tarantado!! Ikaw tuhugin ko jan,kita mo!"
Halos humagalpak na ako sa tawa dahil sa mukha ni kuya.. Asar na asar siya pati yung karne pinanggigigilan na niya. Hahaha kawawang karne tuhog na tuhog na.. Hahaha langya!
"Tulungan mo na ako dito ng matapos na o ikaw tapusin ko jan!" Banta niya
Patawa-tawa pa rin ako bago lumapit kay kuya.. Tutulungan ko na siya kawawa naman kasi yung karne na ibabarbeque mamaya.. Hahaha
"Ano yan??"
Sabay kaming napalingon ni kuya kay Mori na nasa pintuan.. Hawak niya sa magkabilang kamay niya ang mga pamangkin ni kuya.. Hahahaha
"Request daw ng mga bata!" Natatawang sagot ko
"Tutulong na ako.. Nag-aaya na kasi ang mga bata sa dagat eeh..!"
Lumapit naman sa amin si Mori pati nga bata umakyat na rin sa upuan..
"Teka.. Quintin anong ginawa mo sa karne??" Gulat na saad ni Mori ng makita ang ginawa ni kuya
Humagalpak na naman ako ng tawa.. Lintik!! Ang sakit na ng tiyan ko.. Hahaha kawawa kasi yung karne,sa isang stick halos ituhog na lahat ni kuya. Dahil sa inis niya kaya kung anu-ano ang pinaggagawa niya..
"Hehe.. Ayos naman baby.." Ngising turan ni kuya
"Anong ayos,kahit tanungin mo ang mga bata baka matakot pa silang kainin yan! May galit ka ba sa karne?? Siniksik mo na lahat jan oh!" Suway ni Mori sa napapakamot batok na si kuya
"Daddy spread the meat para maluto din mamaya!"
"Dami naman pong stick daddy..!"
Napatawa na lang si kuya habang napapangiwi naman si Mori. Hay naku..
Pagkatapos naming ihanda ang lahat ay nagsitungo na kami sa cottage malapit sa dagat..
Kami lang ni kuya ang naiwan sa cottage para simulan na rin ang pag-iihaw.
Sa karne pala ay inayos din kanina ni kuya. Hahaha Ikaw ba naman ang sitahin ng mga bata,naku!
"Mag-ihaw ka jan pupuntahan ko lang sila doon!" Utos ni kuya pero pinigilan ko siya
"Ano?? Samahan mo ako dito.. Ang dami kaya neto.. Huwag kang mag-alala kuya hindi ko naman ilalayo ang pamangkin mo kung sakali.." Natatawang turan ko na ikinasama ng tingin niya sakin.
"Eh kung ikaw kaya ang ihawin ko jan?? Paulit ulit ka na aah.. Kanina ka pa!" Asar niyang sambit kaya umatras muna ako ng bahagya. Hahaha
"Mawawalan ng daddy si Ax bahala ka.." Hirit ko pa
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...