🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥
Naalimpungatan ako sa tunog ng hampas ng alon sa dalampasigan.. Iniwan ko kasing bahagyang nakabukas ang bintana kahapon kaya naririnig mula sa loob ang alon..
Kinapa ko ang katabi ko pero wala na kaya dumilat ako at yung phone ko na lang ang inabot ko sa gilid para tignan ang oras..
Napabalikwas ako ng bangon pero agad ding napabalik sa pagkahiga ng maramdaman ko ang sakit ng katawan ko..
Napapangiwi na lang ako ng maalala ang nangyari.. Hays!
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko may suot na pala akong t-shirt ni Quintin.. Buti na lang hirap pa naman akong gumalaw..
Tatawagan ko na lang si Quintin..
Ilang ring pa ang lumipas bago sinagot ni Quintin ang tawag ko.
'Yes baby?? Gising ka na pala..' Bungad niya kaya napailing ako
"Malamang..tatawag ba ako kung tulog pa??" Inis kong turan
'Okay so anong gusto mo??' Malambing niyang turan
"Help me.."
'What?! Why what happened?!' Tarantang tanong niya
Nasaan ba kasi ang taong to?!
"NAsaan ka?? Tumatakbo ka ba?!" Para kasi siyang hinihingal
Hindi siya sumagot pero halatang tumatakbo siya.. Hinihintay ko na llang na sumagot siya,hindi naman niya binababa ang tawag kaya hinahayaan ko lang..
BLAG !
Napaigtad ako ng malaks na bumukas ang pinto ng kwarto.. Iniluwa nito ang hingal na hingal na si Quintin.
"What happened?!" Tanong niya tsaka lumapit sakin
Umupo siya sa tabi ko at pinasadahan ako ng tingin.
"Ano ba! Walang nagyari.. San ka ba kasi nagpupunta at hingal na hingal ka??" Natatawang tanong ko
"Naglalakad lakad lang ... Tinitignan ang mga prutas sa paligid.. Nag-alala lang ako ng magsabi ka ng help me,akala ko something happened already!" Paliwanag naman niya
"Sakit kasi ng katawan ko kaya tulungan mo ako, maliligo ako.. Kasalanan mo kasi to!" Paninisi ko pa sa kanya
Biglang nag-iba ang ekspresyon niya kaya pumasok na naman sa utak ko ang napansin niya kagabi sakin..
Siya ang una kaya alam kong naramdaman niya yun..
"Let's talk after you take a bath..!" Seryosong saad niya tsaka niya ako binuhat papasok ng banyo..
Inilapag niya ako sa tub at binuksan ang tubig.. Tahimik lamang siya kaya hindi ko na siya kinibo..
Pagkatapos niya akong tulungan sa pampaligo ko ay tumalikod na siya at iniwan na ako sa loob..
Nagbabad na lang muna ako sa tub para marelax ang katawan ko...
Inabit na yata ako ng isang oras sa paliligo bago ako lumabas..
Wala si Quintin kaya dumiretso muna ako sa closet para makapag palit ng damit..
Bago ako lumabas sa closet ay ilang buntong hininga pa ang ginawa ko.
"Hoooh!! Kaya ko to.. Bakit ba ako kinakabahan kung mag tanong man siya!" Pagpapakalma ko sa sarili ko.
TOK TOK TOK
"hindi ka pa ba tapos jan?!"
Nagulat ako sa pagkatok ni Quintin kaya tumikhim muna ako bago sumagot..
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...