🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥Paglabas ko ng bahay ay nadatnan ko si Quintin sa labas kasama ang mga bata.
"Nakauwi ka na pala!" Pansin ko sa kanya
"Yeah,may inasikaso lang ako saglit!" Cool niyang sagot kaya nagtaka ako
Ano kayang ginawa ng taong to at parang maganda ang mood!? Halata naman sa boses niya pero hindi sa mukha..
"Dada can you be my real daddy?!"
Napaubo ako sa narinig kong tanong ni Ax kay Quintin. Saan naman niya nakuha ang tanong na yun??
"What did you say baby??!" Tanong ni Quintin na parang naaamazed pa sa bata
"Axcel Vein!" Suway ko sa anak ko pero hindi niya ako pinansin
"Dada I'm asking you can you be my real daddy??" Inosenteng tanong pa rin ni Ax
"Baby you're already calling mi dada. What do you mean by that?"
"The real one!"
"Don't worry baby because for me your my son too.. Like how I treated your kuya Zane. Okay??"
"But- I want to be with you.. Sleep beside you every night po!" Sumimangot si Ax kaya hindi nakapag salita si Quintin.
Pati ako ay hindi ko alam ang ssabihin.. Muling nabuhay ang awa sa puso ko para sa anak ko.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naninikip ang puso ko. Nasasaktan ako dahil ramdam ko ang pangungulila ni Ax sa daddy niya.
Minsan hindi ko maiwasang sisihin ang doctor na gumawa nun sakin. Dahil sa kanya kinakain ako ng konsensya ko na naipanganak ang batang ito na hindi buo ang pamilya na dapat ay nararanasan niya ngayon.
Kita ko ang lungkot sa mata ni Ax habang yakap siya ni Quintin.
Hindi ko na kaya to! Tumakbo ako palayo sa kanila. Dinig ko pa ang pagtawag sakin ni Ax habang umiiyak.. Pati si Quintin ay tinatawag ako pero hindi ko sila pinansin.
Tumigil na lang ako ng makaramdam ako ng pagod. Nakarating ako sa dulo ng pool side. At dito ko na binuhos ang iyak ko. Ang sakit na ng dibdib ko hindi ko na kaya pang pigilan pa.
Inabot pa ako ng ilang minuto sa pag-iyak hanggang sa may nag-abot ng panyo sa akin.
Kahit hindi ko tignan,alam ko na kung sino yun. Sa amoy pa lang ng pabango sa panyo. Si Quintin..
"Bakit ka naririto??" Tanong ko sabay abot ng panyong hawak niya
"Hinanap kita kung saan-saan naririto ka lang pala.." Mahinahon niyang sagot at umupo siya sa tabi ko
"Si Ax?? Nasaan??"
"Nakatulog na kakaiyak.. Ayos ka lang??" Tumango ako sa kanya
"You can tell me what's the problem! I'm all ears for you to unthrive..!" Ngumiwi ako sa kanya
"Ayos lang ako.. Okay na,salamat na lang!" Sagot ko na lang
Ayoko namang sabihin sa kanya ang nangyari dahil nahihiya ako. Nahihiya ako sa nangyari noon sakin pero hindi ko naman pinagsisihan dahil nagkaroon ako ng isang anghel sa buhay.
Ilang minuto pa ang pinalipas namin bago namin napagpasyahang pumasok na sa loob.
"Si Ax?? Gusto ko siyang makita." Tanong ko kay Quintin
"Sa kwarto ko.. Puntahan mo na siya doon at magpahinga ka na din. May gagawin pa ako!"
"Ayos lang ba??" Paninigurado ko pa sa kanya
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...