𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 23

1.9K 16 0
                                    

🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥

  Nagulat ako ng mapaupo si kuya sa sofa. Kaya lumapit agad ako sa kanya.

"Kuya ano to?? Anong nabasa mo?" Alalang tanong ko

  Hawak ko ang mga litrato ni Angela pati picture din ng isang batang lalake.

Ano to?? Siya ba?? Siya ba ang hinahanap ni kuya??!

"Kuya ano na?!"

"Hindi ko alam..Bakit ngayon pa?? Ngayon kinalimutan ko na ang tungkol sa kanila.."

"Paano na kuya kapag nagpakita si Angela? Kilala ko ang babaeng yun!" Saad ko kay kuya

  Aminado akong kinakabahan ako sa mga nalaman namin ngayon. Kilala sa pagiging spoiled brat si Angela. Lahat yata ng gusto niya ay nakukuha niya. Sa isang salita masamang babae yun!

  Nalaman namin noon na nagbuntis nga siya pero walang ama. Pero paanong nangyari naman na napunta si Angela sa doctor na gynecologist?

  "Kuya what about Mori.?"

Matalim na tumingin sa akin si kuya nang marinig ang tanong ko.

"Mori is mine and I won't let them away from me.. Huwag lang maninira ang babaeng yun!"

"What if sabihin mo kay Victor na huwag iparating kay Angela na siya ang pinapahanap mo?"

"Sige I'll try!"

  Kinuha ni kuya ang phone niya tsaka nagtipa sa phone niya.

  Ako naman ay kinuha lahat ng mga laman ng envelop at inisa isa itong tinignan.

   Naku lagot na talaga kapag isang araw dumating si Angela sa hacienda. Baka gumawa pa siya ng eksena!

🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥

    Argh!! Ngayon yata ako magsisisi na pinahanap ko pa ang babaeng yun!

  Pagkatapos kong tinawagan si Victor ay inaya ko si Reed na mag-inom..   

   Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Sasabihin ko ba kay Mori o hindi?

"Kuya tama na! Magkakasakit ka na naman niyan eeh!" Pagpapatahan ko kay kuya dahil lasing na siya

"Gusto ko munang maglasing ngayon. Hayaan mo lang ako Reed."

"Huwag mo munang isipin ang tungkol dun kuya. Sabi naman ni Victor na hindi niya sasabihin di ba?"

"Yeah pero parang nagsisinungaling siya.! Duda ako sa tanong niya!"

"Kung ganun maimbestgahan mo ulit sa ibang imbestigador!"

"No need. Hayaan mo na huwag lang magkakamali ang babaeng yun.!"

   Wala na nga kaming ibang ginawa kundi uminom lang. Dito lang naman kami sa bar hindi kalayuan sa kompanya.

Nagpigil naman ako sa pag-inom ng marami dahil magdadrive pa ako. Ayoko namang madisgrasya kaming dalawa.

  "One more!!" Saad pa ni kuya at tinaas ang shot glass niya.

Mabilis ko namang hinila ang kamay niya at inagaw ang shot glass

"Kuya stop you're dead drunk already! Papatayin na ako ni Mori kapag iuuwi kitang walang malay dahil sa kalasingan!"

"No. Akong bahala sayo!" Pamimilit pa niya

"Kuya huwag na! Maawa ka naman sa akin oh!"

"Bakit ba umiinom ka naman eeh!" Angal pa niya

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon