🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥
"Ang galing naman!! You know how to catch them already..hahaha!" Asar ko kay Quintin na kakaupo lang
"Syempre ako pa? Kaya nga nahuli din kita eeh.. Di ba?" Pangiti ngiti pa siya kaya hindi ako nakasagot
"See?? Hahaha hindi mo na alam ang sasabihin dahil totoo ang sinabi ko,right?"
"Oo na,ikaw na magaling!" Irap ko sa kanya
"Ofcourse baby.. Nasuyo ko na nga ang mga bata eeh.. "
Tumango na lang ako sa kanya at pinagpatuloy na ang pagkain.
Napansin ko ang pananahimik ni Quintin. Kapag kaharap naman niya ang mga bata ay masaya siya tapos kapag nakikipag-usap sakin maayos din.
Kaso kapag hindi ko na kinakausap parang malalim ang kanyang iniisip. May problema kaya siya?
Gusto ko sanang magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka kasi hindi pa siya ready para iopen sakin kung ano man ang iniisip niya. Hihintayin ko na lang na magkukusa siyang sabihin yun.
Pero... Hays!! Ayokong mag-isip ng kung anu-ano baka mamaya mali pala ako.. Ayokong magduda ako ng walang patunay..
"Hey baby! Anong iniisip mo ha?? Galit ka pa yata sakin eeh.. Siguro pinaparusahan mo na naman ako sa isip mo!" Natatawang turan ni Quintin
"Hindi no. Iniisip ko lang kung ano ang iniisip mo! HAha Kaso di ko kaya naakalalim kasi!" Pabirong sagot ko pero nagbuntong hininga lang siya.
It means may problema nga..
"Quintin may problema ba?" Malumanay kong tanong
Nagulat ako ng yakapin niya ako.
"Quintin ano ba,kinakabahan na ako sayo.. Ano bang nagyayari?"
Sa totoo lang natatakot na ako sa kinikilos niya. Parang may iba talaga. At gusto kong malaman yun. Ayokong ipabukas pa dahil mamamatay na ako sa kuryosidad neto
"Quintin..." Akmang itutulak ko sana siya pero mas hinigpitan niya ang pagyakap sakin
"No please.. Baby let me stay like this for more minutes." Para siyang nagmamakaawa o talagang nagmamakaawa siya?
Sa sobrang kaba at takot ko hindi ko na napigilan ang mga luhang nagbabadyang dumaloy sa pisngi ko.
Lihim lang akong lumuluha habang yakap niya ako. Hindi ko na alam ang sasabihin. Hihintayin ko na lang siyang magsalita..
"Baby.. I'm sorry.." Sa boses niya may something na
"Ano bang nangyayari Quintin?" Halis pabulong ko ng tanong para lang hindi niya mahalatang umiiyak ako pero pumiyok pa rin ang boses ko.
Humiwalay siya sa akin kaya yumuko ako pero inangat pa rin niya ang mukha ko.
Kung kanina ay hindi siya lumuluha,ngayon ay hindi na rin niya ito napigilan ng makita niya akong basang-basa na ng luha ang aking mukha.
Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Tahimik lang kami pareho hanggang sa humiwalay na siya ulit.
"Let's talk later baby.. After dinner I'll tell you!" Malambing niyang turan
"But for now,nakikiusap ako.. Baby please hayaan mo muna ako na makipaglaro sa mga bata. But I'll promise to tell you everything tonight!" Npinipilit niyang huwag pumiyok ang boses niya pero hindi ko na siya sinagot.
Tahimik lang ako habang patuloy pa rin ang mga luha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko bago niya ako hinalikan sa labi.
"I love you!" Bulong pa niya bago pinunasan ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...