𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 32

1.6K 11 0
                                    

🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥

Kinagabihan ay nakahalukipkip lang ako habang naka tayo at nakatitig kay Mori..

Narito pa kaming lahat sa sala kasama si lolo.. Nakikipaglaro pa siya sa mga bata. Pati na rin si Mori kaya nakakahalata na ako sa babaeng to.

Parang iniiwasan niya ako simula nung sinundo ko sila ni Ax sa bahay ni lolo Greg.

Kanina pa siya eeh.. Everytime na lalapitan ko siya ay agad siyang gumagawa ng rason para maka alis sa harap ko. Kaya nagtataka na ako sa kanya. Is she hiding something??

Kanina ko pa gustong malaman ang naging usapan nila ni lolo Greg pero hindi ko magawa dahil sa pag-iwas niya sakin.

Hays! Huwag niyang sabihin na sa kwarto din ng mga bata siya matutulog?! Naku!

"Quintin apo! Why you're still standing there? Come and join us here!" Napalingon ako kay lolo tsaka tumango

Lumapit ako at umupo sa sofa na malapit kay Mori. Nakasalampak kasi siya sa carpet kasama ang mga bata.

Tumingin siya sakin sabay iwas ng tingin. Kaya kinalabit ko ang balikat niya.

"You can't scape whatever you do,baby!" Bulong ko sa kanya

Sinamaan niya ako ng tingin kaya napangisi ako. Attitude din minsan ang babaeng to. Siya na nga ang may sala siya pa galit. Tsk!

Ilang minuto pa ang lumipas na hindi ako kinikibo ni Mori pero hinahayaan ko lang.

"Daddy I wanna sleep with you po." Antok na turan ni Ax na lumapit sa akin.

"Antok ka na baby? Come here,papatulgin na kita." Binuhat ko siya at kinandong

Inaantok na nga siya kaya napapikit na agad. Kaya pati si Zane ay nagpakarga na din kay Mori. Umupo na rin sa tabi ko si Mori habang kandong si Zane.

"Those kids are lucky to have you as there parents!" Saad ni lolo na nakangiti

"Ofcourse lolo. At masaya akong nadagdagan na ang maiingay dito sa bahay. Hindi lang isa pero dalawa ang nadagdag.!" Natatawang turan ko na ikinatawa rin ni lolo

"Aray!" Angal ko ng hampasin ako ni Mori. Hahaha

Totoo naman aah.. Pati siya maingay dito sa bahay.. Minsan naninigaw pa!

"Hindi naman ako maingay ah!" Pagalit niyang bulong sakin kaya napatawa ako

"Ah siguro nga multo yung naninigaw minsan dito. Yung nagbabanggit ng buong pangalan. Naririnig mo din ba yun minsan?!" Asar ko pero inirapan lang ako

"Siya maiwan ko na kayo. Magpapahinga na rin ako.!" Paalam ni lolo sabay tayo kaya napalingon kami sa kanya

"Sige po lo. Good night po!" Paalam ko na din

"Good night lo." Pahabol din ni Mori

"Hahatid ko lang si Zane sa kwarto niya." Turan agad ni Mori

"Kaya mo ba? Mabigat si Zane.. Babalikan na lang kita,iaakyat ko lang muna si Ax!" Saad ko na ikinatango niya

  Inakyat ko na nga si Ax at inayos sa higaan niya. Mabuti na lang at tulog na tulog na. Kaya nakalabas agad ako para kunin si Zane..

Pero pagdating ko sa hagdan ay nasa gitna na si Mori kaya mabilis ko na siyang sinalubong.

"Give me,sabi kasing Hintayin mo ako doon eeh.." Kinuha ko na si Zane at ipinasok sa kwarto.

Nakasunod naman si Mori hanggang sa loob. Inayos niya ang kumot ng mga bata.

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon