𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 61

1.6K 18 0
                                    


🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥

Kausap ngayon ni kuya ang detective na pinahanap niya sa akin kahapon..

  Hindi niya ako pinapasok sa loob ng library kaya wala akong alam sa usapan nila ngayon.

Galit na galit siya kahapon tapos hindi siya nagsasabi sa akin.. Bigla siyang nag-iba kaya naguguluhan ako sa mga kinikilos niya ngayon..

  Tumungo ako sa kusina pero natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ni kuya sa usapan ng mga katulong.

"Kahapon kasi may nagpadala ng envelop kay sir Quintin kaya siguro siya galit simula kahapon.."

"Ha? Ano kayang meron sa envelop??"

"Hindi ko alam basta sa kanya lang yun naka pangalan.!"

"Grabe naman kong anu man yun,nagalit si sir ng sobra."

"Oo nga eh.. Tara na baka may makarinig pa sa atin dito.!"

Tsaka na lang ako pumasok sa kusina ng sa tingin ko ay wala na sila.

Ano ang meron doon?? Bakit siya nagalit ng sobra??

Oh shit! Matignan nga!

Tumakbo ako paakyat sa kwarto ni kuya at tinignan  ang paligid.. Wala naman!

Sinilip ko pa sa mga gilid-gilid ng may mamataan akong crumpled paper sa trash bin.

Pinulot ko ang papel na yun at ayun na nga bumungad sa akin ang litrato ni Mori at Ax na may kasamang lalaki??

Sino to?? Narito na pala sila pero bakit hindi sila nagpakita sa amin?? Sa lalakeng to ba siya sumama??

Ngayon alam ko na kung bakit galit si kuya at nagpahanap ng detective..

  Paglabas ko ng kwarto ay saktong nakasalubong ko si kuya.

Nagulat ako ng makita siya dahil mukhang galit pa rin pero nagkamali ako..

"Reed..." Malungkot niyang sambit

  Ramdam ko na parang gusto niyang umiyak pero nagpipigil lang..

Niyakap ko siya at dun na nga umiyak.. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko..

"Everythings gonna be okay kuya!" Sambit ko ng mahimasmasan na siya.

  Pinaupo ko siya sa kama niya habang bahagyang tinatapik ang balikat niya.

"How?? She's with someone already! Naghintay kami sa kanya. Hindi ako tumigil sa paghahanap tapos ganito na pala ang ginagawa niya??" Galit niyang sambit pero umiling ako

"Kuya litrato lang yan.. Hindi sa inaayunan ko si Mori dahil kaibigan ko siya. But we didn't know the story behind that picture.."

"Malinaw na dumating sila pero sa iba siya nagpasundo! At kung walang namamagitan sa kanila dapat ngayon ay narito siya!"

"Kuya,alam mo ang dahilan kong bakit siya umalis.. Kaya huwag mong aasahang bumalik sila agad sayo.. Kaya huwag ka munang magalit sa kanya ng sobra." Paliwanag ko pero ngumiwi siya

"Matagal na yun Reed at kahit si Ax lang sana ang ipakita niya sakin kung pwede.. I miss them so much that makes my life and Zane miserable. Pero ganito ang ganti niya sa akin..!"

Galit talaga siya at hindi na maiiba pa ang nasa isip niya..

"Let's find her first then we'll ask what was that picture all about.. For now,have rest kuya.."

Tumango siya kaya tumayo na rin ako para makapagpahinga muna siya.

  I saw Angela ng makalabas ako ng kwarto.. Nakangisi lang siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon