🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥Sa bilis ng takbo ko ay bigla akong napapreno. Dahilan na nagpaikot ijot ng tatlong beses ang kotse ko. Buti na lang at hindi bumaliktad.
Naramdaman ko kasi na nagvavibrate kanina ang phone ko kaya kinapa ko sa bulsa ko.
Binuksan ko ang message at ganun na lang ang gulat ko ng mabasa ang laman nun kaya ako napaapak sa brake ng wala sa oras.
Akala ko babangga na rin sakin si Reed pero hindi. Nakaiwas siya pero muntik na rin siyang bumangga sa puno. Kita ko yun sa side mirror. Mabuti na lang at napigilan niya.
Nakailang buntong hininga pa ako habang nakasandal sa backrest ng upuan ko. Nahihilo pa ako kaya magpapahinga lang saglit.
"Kuya anong nangyari?? Muntik na tayo dun aah!" Alalang tanong ni Reed ng makalapit sa akin.
Pinakita ko sa kanya ang phone ko. At kunot noo naman siyang tumingin sakin.
"Hospital yan kuya sa kabilang bayan! Anong meron jan??" Takang tanong niya
"Paul the detective already found Mori but I didn't expect na sa hospital niya nakita si Mori!" Kibit balikat kong sambit
"Nagtanong na ako noon jan baka sakaling jan nagwork si Mori pero wala naman daw tapos ngayon jan pala siya nakita ni Paul??" Hindi makapaniwalang turan niya kaya nagkibit balikat na lang ako.
"Tara na lang doon,naghihintay na si Paul sa hospital na yun!"
Tumango na lang si Reed kaya pinatakbo ko na ulit ang kotse.
Naka sunod lang naman sa akin si Reed..
🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥
Nakasunod lang ako kay kuya na halos paliparin na ang kotse sa bilis ng takbo.
Nagtataka pa rin ako kung bakit sa hospital natagpuan ni paul si Mori..
Dalawa lang naman ang pwedeng ginagawa doon ni Mori.
Firs,doon siya nagtatrabaho pero bakit nila sinabing walang Mori Dela Tore noon dun? Second, Mori is a patient to that hospital!
Wait!! Patient?? Damn! It can't be!
Kinabahan naman ako sa isiping pasyente siya doon..
Mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko.. Hindi na ako makapaghintay na makarating sa kinaroroonan ni Mori..
Hindi nga nagtagal ay nakarating na kami sa hospital. Nakita na rin namin si Paul sa parking at agad na lumapit sa amin.
"Sir room 303.." Salubong niya
Tumango lang kami pero biglang tumakbo si kuya patungong elevator kaya mabilis din kaming sumunod ni Paul.
Mabuti na lang at hindi kami napagsarhan ng elevator.
Baka kung mauuna si kuya doon at madatnan na kasama niya ang lalaki ay kung ano pa ang gawin niya.
TING
Nagbukas na ang elevator kaya sabay-sabay na kaming nagsilabasan..
Pagdating namin sa tapat ng pinto ay natigilan muna si kuya.
Siguro kinakabahan din kung ano ang madadatnan niya sa kwartong iyon..
Hinawakan na niya ang door knob tsaka niya ito pinihit at dahan-dahang tinulak..
Sobra ang kaba ko.. Wala naman sana sa mag-ina..
Pagkabukas yun ni kuya ay bumungad agad sa amin ang pasyente na may mga aparatong naka connect sa pasyente.
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...